-Drake POV-
"Kiara buksan mo to pls magpapaliwanag ako"mangiyak ngiyak kung saad sa kanya habang nandito parin ako sa labas ng kwarto nya
"Umalis kana, wala ka ng dapat ipaliwanag"mahahalata mo parin sa boses nito na umiiyak
"Pls nagmamakaawa ako pakinggan mo muna ang paliwanag ko"gusto ko talagang ipaliwanag sa kanya
"Sabing umalis kana"umiiyak na sigaw nito
Kaya wala na akong nagawa kundi lisananin ang silid nya
______________
-Kiara POV-
"Sabing umalis kana"sigaw ko sa kanya
Hindi ko na kasi macontrol ang sarili ko sa galit na dumadaloy sa buo kung katawan, kaya dahil sa galit ay napagdesisyunan ko na lumabas para matapos na ito
________
Nandito ako ngayon sa highway naglalakad ng wala sa sarili walang paki alam kung may dumadaan na sasakyan at masagasaan, pero bigla akong napatingin sa paparating na malaking sasakyan na makakasagasa sa akin ng biglang may humablot ng kamay ko at dinala ako sa gilid ng kalsa na kung saan ay masasabi mong safe
"Nababaliw kana ba miss?"sermon ng lalaki sa akin
"Pabayaan mo na ako"wala sa sariling saad ko at nagpatuloy sa paglalakad
"Nahihibang kana talaga"galit na saad nito sabay haplot ng kamay ko upang pigilan ako sa ginagawa ko
"Ano ba iwan mo na ako at pabayaan mo na ako kung anong gagawin ko"inis kung saad eh gusto ko ng magpakamatay eh
Pero hindi parin inaalis ng lalaki ang kamay at mas lalalong diniinan nito ang paghawak sa kamay ko
"Bitiwan mo nga ako"umiiyak kung saad
"Miss wag kang magpadala sa problema mo, alam kung maaayos pa yan kaya hali kana iuuwi na kita"saad nito sabay lakad pero ako pinigilan kung maglakad at hindi umaalis sa kinatatayuan
"Ano bang alam mo sa problema ko ah, nasasabi mo lang yan kasi hindi naman ikaw ang nasa posisyon ko"umiiyak kung sigaw sa kanya "ayaw ko na sa mundong ito nakakapagod na"walang humpay na pagpatak ng mga luha ko
Bigla naman akong niyakap ng lalaki, pero wala akong paki alam gusto ko ng magpakamatay
"Hindi pagpapakamatay ang solution sa problema mo miss kundi kailangan mong magpakatatag para malampasan mo kung ano man ang problema ko"saad ng lalaki
Kumawala naman ito sa pagkakayakap nya sa akin
"Ihahatid na kita sa inyo"pagpepresinta ng lalaki
"Hindi, hindi na kailangan kaya kung umuwi ng mag isa, umuwi kana"saad ko sabay walk out
______________
-Tyron POV-
Hindi ko alam pero nasasaktan akong makita na ganyan sya sana sasusunod naming pagkikita katulad sya ng una naming pagkikita na ngiti lang ang nasisilayan sa mga labi nito, na walang kahit na anong problema ang mababatid.
-Kiara POV-
Pagpasok ko ng bahay si Drake ang bumungad sa akin. mababatid mo sa kanya na para bang hindi mapakali dahil palakad lakad lang ito kung saan saan.
Ng mapansin ako nito ay agad itong lumapit sa akin at sinuri suri pa ako. Na para bang may nangyari sa akin.
"Salamat naman at bumalik kana, saan kaba pumunta. Pinag alala mo ako ng sobra"nag aalalang saad nito pero wala akong paki alam
Hindi ako kumibo at nakatingin lang ako sa flower vase
"Wife naman kausapin mo naman ako"nagmamaka awang saad nito
Pero hindi parin ako kumikibo
"Wife naman maawa ka naman sa akin"saad nito na ikina sakit ng eardrums ko
"Maawa? Talaga ako gusto mong maawa sayo? Hahaha ayos ka rin eh noh, bakit ikaw ba naawa ka rin ba sa akin? naisip mo rin ba ako kung ano ang mararamdaman ko? bago ka nakipag one night stand sa babaeng yun? sabihin mo"sigaw ko habang umiiyak "kasi ako ikaw ang una kung iniisip kung magagalit ka o ano"mahinahon kung saad pero patuloy parin ang pagpatak ng mga luha ko
"Wife I can explai-"agad kung pinutol ang sasabihin nito
"Ano tatanggi ka? Drake naman huling huli ka na eh magpapalusot kapa"saad ko habang napasapo ng mukha
"Simula ngayon wala na tayong paki alamanan sa isa't isa, kung gusto mong makasama ang malanding babaeng yun. Ok fine magsama kayong dalawa"mahinahon kung saad habang pinapahid ng sarili kung kamay ang mga luha ko
"Wife naman wag mo namang gawin sa akin to"pagmamakaawa nito at nakita ko pang may pumatak na luha sa mga mata nito
Teka umiiyak sya?
"Wag gawin sayo? Eh ikaw nga ang unang nagloko, kaya panindigan mo yang panloloko mo sa akin"saad ko sabay walk out
_____________
-Melissa POV-
"Ang saya naman"masaya kung saad habang hinahalo halo ko ang wine sa pamamagitan ng pagpapa ikot ikot ng wine glass.
Bigla namang bumukas ang door at nabaling naman ang paningin ko sa pumukas na pinto
"Oh couz"masaya kung bati sa kanya
"Nakakatampo kana couz ah"nagtatampo nitong saad
"Bakit naman?"tanong ko sa kanya at nilagay sa mesa ang wine na iniinom ko
"Ba't hindi mo sinabi sa akin na umuwi kana pala ng pinas?"nagtatampos tanong ni Tyron. Yes, si Tyron nga ang cousin ko
"Kailang paba yun?"tanong ko habang hindi parin naaalis ang ngiti sa mga labi ko
"Oo, naman kung hindi lang sinabi ni Dave hindi ko pa malalaman"saad nito habang nakacross ang posisyon ng paa
"Sasabihin ko rin naman sayo pero naunahan lang ako ni Dave"masaya kung saad habang nagsasalin ng wine sa isang wine glass "oh"abot ko sa kanya ng wine
"Ang saya mo yata, kanina ko pa napapansin yang ngiti nayan. May maganda bang nangyari sayo?"biglang tanong ni Tyron
"Talaga ba? May napansin ka? Ano naman kaya yun?"kunwaring nag iisip pero hindi parin nawawala ang ngiti
"Magtapat ka nga sa akin anong nangyari at abot tenga ang ngiti mo ngayon?"tanong nito na may panunukso
"Sabihin na nga nating may magandang nangyari"masaya kung saad sabay tungga ng wine
"Lalaki ba yan? Couz ha"may panunuksong saad nito
"Kasi nanalo lang ako"saad ko habang may paniningkit na mata
"Nanalo? Saan naman?"taka namang tanong nito
"Fight for love"masaya kung saad
"Sino naman yun?"tanong pa nito na mahahalata mo talaga ang pagka-curious
"Secret"saad ko sabay tunga ulit ng wine.

BINABASA MO ANG
Ang Manyak Kong Asawa (ON GOING)
Romance𝗧𝗜𝗧𝗧𝗟𝗘: 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗬𝗔𝗞 𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗔𝗪𝗔 𝗔𝗨𝗧𝗛𝗢𝗥: 𝑴𝒓𝒔.𝑱𝒆𝒐𝒏 𝗚𝗘𝗡𝗥𝗘: 𝗦𝗣𝗚, 𝗥𝗢𝗠𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗮𝗻𝗱 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗗𝗬 𝓣𝓮𝓪𝓼𝓮𝓻 "Hi wifey"bungad ng lalaking ito sa akin na agad na ikina inis ko "Hoy lalaki kilabutan ka nga s...