CHAPTER 43

3.3K 109 1
                                        

-Kiara POV-

Nandito ako ngayon sa banyo, ano pa ba eh di nagsusuka. Nitong nakaraang 4 na buwan kasi lagi ng nangyayari sa akin to, ewan ko ba kung napapansin din ni Drake ito pero sana naman hindi nya mapansin.

(Sorry hindi kasi ako marunong kung ano ba ang dapat na sounds ng pagsusuka kaya sorry😂✌)

Bigla naman akong lumabas sa banyo at nagtungo na ako sa baba para makapagluto narin pero laking gulat ko ng biglang si Drake ang nakita ko at...at...at...wala itong suot na shirt tanging apron lang ang damit na kumakapit sa malalaking katawan nito.

Hindi ko alam pero naaakit ako🤤 ( ganyan guys ang reaksyon ko).

Pero agad naman akong bumalik sa realidad ng tumingin na ito sa akin.

"Good morning wifey!😊"saad nito na ikinabigla ko dahil ngayon nya lang ulit ako tinawag na ganyan. Hindi ko alam pero biglang sumaya ako dahil sa tawag nya sa akin😊

"Good morning-at saka tigil tigilan mo nga ako, at yang pagtawag mo sa akin nakakarindi sa tenga. Baka mamaya marinig pa yan ng haliparot na yun magalit pa yun"kunwaring naiinis kung saad

"Eh ano naman ngayon kung marinig nyang tinatawag kitang wifey! Asawa naman kita ah"saad nito sabay kindat sa akin

(Ngayon masasabi ko na talaga na napakarupok ko)

"O sya musta na pala yungbaby nyo?"masakit man para sa akin ay pinilit ko paring itanong

Bigla naman itong napatingin sa akin, hindi ko alam pero malungkot na mata ang nasilayan ko.

"Ok lang naman, wag na nating pag usapan yun pwede?"biglang saad nito sabay ngiti

"Ok"saad ko nalang

Pero mas nagulat ako ng bigla nyang inalis ang apron na tumatabon sa magagandang abs nito. Oh my gush nagutom ako bigla pwede pahingi? Ay bastos erase! erase!.

"Baka maubos nyan ang abs ko sige ka hindi mo na ulit makikita"pilyong saad nito

Bigla naman akong nabalik sa realidad 

"Pinagsasabi mo jan"pagdedeny ko sabay tingin sa ibang direksyon "at saka magdamit ka nga ang pangit pangit ng katawan mo pinapakita mo pa"saad ko pa habang nasa ibang direksyon parin nakatingin 

Hindi ko alam pero gustong gusto ko syang halikan ng halikan siguro epekto narin ng pagbubuntis ko.

"Talaga pangit ang katawan ko?"saad nito habang hindi parin naaalis ang pilyo nitong tingin

"Oo kaya magdamit kana ang sakit mo sa mata"pero sa kaloob looban ng isip ko ay iba ang sinasabi

"Ganon ba"saad nito sabay lakad papunta sa direksyon ko "eh ito pangit parin ba?"saad nito sabay ngiti ng pilyo

Nagulat ako dahil bigla itong pumunta sa harap ko kaya ang ending...

"A-a-ano ba-ba gi-ginagawa m-o?"nauutal kung saad

"Pinapakita ko sayo ng malapitan para clarify mo kung tama nga ang sinasabi mo na pangit ang katawan ko. Pero hahahaha ba't namumula ka yata? At nauutal ka pa wag mong sabihin na-"bigla naman akong sumabat

"Hi-hindi ah! Hindi kaya ako namumula sa-sa blush on lang ya-yan na nilagay ko at saka wag kang u-umasa na naaactract ako jan sa katawan mo kasi Oo-este hindi! Hindi ako naaatract"malibog kung saad

Bigla namang sumilay ang ngiti sa mga ngiti nito.

"Wala naman akong sinasabi na naaatract ka sa katawan ko ah at saka ikaw ang nagsabi nun hindi ako hahah"saad nito sabay tawa

Ang Manyak Kong Asawa (ON GOING)Where stories live. Discover now