-Drake POV-
"Kuya"tawag ni Danica sa akin
"Hmm?"sagot ko naman
"Sa inaasta ng asawa mo halatang nagseselos na"saad nito na ikina iling ko naman
"Hindi totoo yan"saad ko naman
"Bakit naman?"tanong naman nito
"Sabi nya sa akin kahit kailan daw ay hindi nya ako magugustuhan"malungkot lung saad
"Hindi totoo yan kuya"masayang saad nito
"Paano mo nasabi?"taka kung tanong sa kanya
"Dahil nahahalata ko na simula ng pagpasok palang natin sa bahay ay grabe na ang inis nya sa akin"saad naman ni Danica
Si Danica ay aking kapatid Danica Jane Montefalcon ang buong pangalan nito nauna na syang umuwi dito sa Pinas dahil sa isang linggo pa ang uwi nila Mommy at Daddy
"Talaga ba?"tanong ko sa kanya habang nakangiti
"Oo, dapat may price ako dahil sa magaling kung pag arte"saad naman nito
"Sabi na nga ba eh"saad ko naman "sige itatransfer ko nalang sa credit card mo ok na?"saad ko naman sa kanya
"Yehey"masayang saad nito "sya nga pala kuya kailan ba natin sasabihin kay ate Kiara na magkapatid tayo?"tanong nito sa akin
"Pagbalik nalang nila Mommy at Daddy"saad ko naman
"Ok"saad naman nito at natulog na
Ako naman ay lumabas para magpahangin hangin sa labas laking gulat ko ng makita ko si Kiara
"Gabi na ah bat hindi kapa natutulog?"tanong ko sa kanya
"Pakialam mo at saka pwede ba wag mo akong kausapin baka mamaya sugurin pa ako ng babae mo"inis na saad nito na ikinangiti ko so tama pala ang sinasabi ni Danica na nagseselos nga sya
"Hindi naman ganyang tao si Danica"saad ko
Inirapan lang ako nito
"Ba't parang napapansin ko kanina pa na parang nagseselos ka?"tanong ko sa kanya na ikinagulat nya
"Hahahahahhaha ako magseselos hindi noh asa ka"saad nya na napangiti ako ng lihim
"Ok tinatanong ko lang naman, sa bagay wala ka namang ikakaselos dahil hindi mo naman ako mahal diba"saad ko naman
"Ga-ganon na nga"nauutal nitong saad
Aaksyon na sana akong umalis ng may maalala ako
"Uuwi pala sila Mommy at Daddy sa isang linggo at sasabihin ko narin sa kanila na madedevorse na tayo"pagkukunwari ko agad ko namang nakita ang paglaki ng mga mata nito
"Ano?"pasigaw nitong tanong
"Bakit may problema ba? Hindi mo naman ako mahal diba so wala na tayong problema at ito naman yung gusto mo diba ang magdevorse na tayo?"saad ko na ikinatameme nito
"Bat parang ang bi-bilis ya-yata?"nauutal nitong saad
"Dahil sa oras na devorse na tayo magpapakasal na kami ni Danica"saad ko
"Te-teka pa-pano si-si Mama?"tanong nito
"Sasabihin ko nalang kay tita"saad ko naman
"O-ok"nauutal nitong saad
"Good night"saad ko sa kanya sabay talikod at ng nakaka isang hakbang palang ako ay agad itong nagsalita
"Mahal mo na sya?"tanong nito na makikita mo talaga sa mga mata nya ang lungkot
Isang tango naman ang isinagot ko
"Ok"saad nya sabay talikod
Hindi ko alam kung umiiyak sya o hindi pero ng makatalikod sya ay pinunasan nya ang kanyang mga mata sa mga oras na iyon ay parang gusto ko ng bawiin yung sinabi ko at sabihin sa kanya na sya lang talaga ang mahal ko pero kailangan ko itong gawin upang malaman ko kung mahal nya ba ako o hindi

YOU ARE READING
Ang Manyak Kong Asawa (ON GOING)
Romance𝗧𝗜𝗧𝗧𝗟𝗘: 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗬𝗔𝗞 𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗔𝗪𝗔 𝗔𝗨𝗧𝗛𝗢𝗥: 𝑴𝒓𝒔.𝑱𝒆𝒐𝒏 𝗚𝗘𝗡𝗥𝗘: 𝗦𝗣𝗚, 𝗥𝗢𝗠𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗮𝗻𝗱 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗗𝗬 𝓣𝓮𝓪𝓼𝓮𝓻 "Hi wifey"bungad ng lalaking ito sa akin na agad na ikina inis ko "Hoy lalaki kilabutan ka nga s...