𝒞𝒽𝒶𝓅𝓉ℯ𝓇 33

4.6K 122 3
                                        


-Drake POV-

"Anak tumawag ba ang Mama mo sayo? Mag seseven na pero wala parin sila"tanong ni Papa

"Hindi ko nga rin alam Pa"saad ko naman

"We're home"biglang saad ng papasok

At alam ko na sila Mama na yun at Kiara

"Oh bakit ang tagal nyo yatang nagshoppin?"tanong naman ni Papa kay Mama

"Eh kasi naman honey eh pinaayusan ko pa si Kiara sa beauty parlor pano ba kasi itong si Drake ginagawang manang ang asawa nya pano ba kasi takot syang maagaw ng iba ang asawa nya"masayang saad ni Mama

"Ano pong ibig nyong sabihin?"taka kung tanong

"Kiara ija"tawag ni Mama kay Kiara

Bigla namang lumabas si Kiara at sobrang ganda nito na bumabagay talaga sa kanya ang damit nito

-Kiara POV-

"Ang ganda mo naman ija"saad ni Papa

"Salamat po"nahihiyang kung saad

Ng tingnan ko si Drake pero nakatulala lang ito

"Oh ano Drake maganda diba?"tanong ni Mama

Pero wala parin itong imik hindi kaya hindi nya gusto yung itsura ko ngayon?

"Drake anak anak"tawag ni Mama na ikina gulat nito

"P-po?"tanong nalang nito

"Sabi ko ang ganda ni Kiara noh"saad pa ni Mama habang nakangiti

"O-oo"saad nito na ikinangiti ko

"Hysst pano ba naman kasi ikaw hindi tuloy nakikita ang kaganda ng asawa mo ikaw kasi"pagsisisi ni Mama kay Drake

"Bakit naman ako?"takang tanong ni Drake

"Kasi alam kung natatakot kang agawin ng iba ang maganda mong asawa, speaking of agawan may nakita kaming gwapong lalaki at nagpakilala pa kay Kiara diba ija?"tanong nito habang nakangito

"Ahhh O-oo"nahihiya kung saad

Bigla ko namang tiningnan si Drake at nanlilisik ang mata nito na nakatingin sa akin

"Ano nga ulit ang pangalan ng gwapong lalaking yun? Ty....."iniisip kung ano nga ba ang pangalan ng lalaki

"Tyron po"saad ko

"Tama Tyron nga"saad naman ni Mama

"Wow ang ang ganda mo naman ate muntik na kita hindi makilala"saad ni Danica na bagong dating

"Salamat"pagpapasalamt ko

"Teka sino ba yang Tyron na yan Mama?"tanong pa ni Danica

"Ahh yung gwapong lalaki na nagpakilala sa ate mo kanina"kinikilig na saad nito

"Talaga ate? Teka matangkad ba sya? Maganda ba yung katawan nya? Ano ano ate sabihin mo?"agad naman itong lumapit at sabay sabay na question ang ibinato sa akin at halata ang kinikilig na expression

"Hmm"nakangiti kung tango

"At talagang kinikilig ka pa ah"inis na saad ni Drake

Napatingin naman kaming lahat sa kanya

"Dapat pala hindi kana umuwi at dun kana sumama sa lalaking yun"saad nito sabay walk out

Problema nun? Tanong ko nalang sa isip ko

"Sus hayaan mo na yun nagseselos lang yun"masayang saad ni Mama

"Oo nga ate kaya ituloy mo na ang pagkukwento"kinikilig nitong sabi

-Kiara POV-

So ayon na nga nagkukwentuhan parin kami ang totoo nga nyan si Mama ang nagkukwento hindi ako

"Napaka gentleman naman pala nya"hangang saad ni Danica

"Super nak"saad naman ni Mama na hindi parin naaalis sa mga labi ang ngiti

-Drake POV-

"Grabe sa harapan ko pa talaga nila pinag usapan ang lalaking yun, at ito namang si Mama parang dun pa sa lalaking yun boto at nakaka inis pa ah pati si Kiara aiisshh hindi ba nila alam ang pwede kung maramdaman sa ginawa nila aiissh"inis kung saad

Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwal nun si Kiara

"Gwapo ba?"tanong ko sa kanya

"Ang ano?"tanong naman nito

"Nagmamaang maangan kapa eh alam ko naman na alam mo kung sino ang tinutukoy ko"inis kung saad habang sa laptop nakatingin

"Ahh si Tyron ba? Syempre naman"saad nito

"Ok"cold kung saad

"Ahh Drake bakit mukhang galit ka yata kanina?"tanong nito na ikinakunot ng noo ko

"Ano sa tingin mo ang dahilan?"inis kung tanong habang sa laptop parin nakatutok

"Ewan pero sabi ni Mama at Danica nagseselos ka daw, teka totoo ba yung dinabi nila?"tanong nito na mas lalong nagpa inis sa akin

"Teka tao ka pa ba Kiara? At hindi mo mayukoy kung nagseselos nga ba ako o hindi"agad akong humarap sa kanya at galit na awra ang hinarap ko sa kanya

"Aba malay ko ba?"saad nito

"Tsk, nakaka inis ka"inis kung saad

"Teka nagseselos ka nga?"lumapit naman ito sa akin at agad na tinanong ako nito

Hindi naman ako kumibo habang sa laptop parin nakatingin

"Hoy tinatanong kita kaya sabihin mo sa akin"saad nito habang kinakalabit ako

"Pano kung sabihin kung Oo anong gagawin mo?"tanong ko na ikinagulat nito

"E-wan"nauutal nitong saad

"Yun naman pala eh kaya hindi ko na sasabihin kung nagseselos ako o hindi at saka dapat dun kana sumama sa lalaking yun tutal gwapong gwapo ka naman sa kanya diba?"inis kung saad habang magkaharap kami

"Ano bang nangyayari sayo"inis na saad nito

"Wala walang nangyayari sa totoo nga nyan masaya ako eh kasi sa wakas magiging masaya kana, sabihin mo lang kung gusto mo ng makipagdivorse ha gagawin ko kahit masakit kung yun ang ikakasaya mo"saad ko sabay walk out

-Kiara POV-

Hindi ko alam pero biglang kumirot ang puso ko sa mga sinabi nya

"Anong problema nun?"taka kung tanong

Ang Manyak Kong Asawa (ON GOING)Where stories live. Discover now