🌱 Kabanata Apat

21 16 0
                                    

Kabanata Apat

MARAHAN kong pinahid ang mga luhang bumagsak mula sa mga mata ko. Hindi ko parin lubos maisip na wala na si Dreah.

Masakit para sa akin ang nangyari dahil para ko nang kapatid si Dreah. Walang makapaniwala sa'min ni-isa dahil sobrang bilis ng mga pangyayari.

Patuloy pa rin ang pag hahanap ng mga awtoridad sa kung sino ang pumatay sa kanya at sa kung ano ang dahilan.

*beep... beep...*

Ng marinig ko ang busina mula sa labas ay inayos ko ang nagusot kong damit saka tumayo sa harapan ng salamin. Muli ay tiningnan ko ang sarili kong repleksyon mula rito.

Medyo maitim na ang ilalim ng mata ko. Hindi kasi ako makatulog kakaisip at iyak lang ako ng iyak.

Agad akong sinalubong ni Emman na kabababa lamang ng sasakyan. Nakangiti ito pero mababakas ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Hey" bati niya.

"Hey" sagot ko. Nagulat ako ng yakapin niya ako ng mahigpit.

Naamoy ko agad ang pabango niya. I felt safe in his arms. Pakiramdam ko, maayos lang ang lahat. Binalot lang kami ng katahimikan habang nakayakap siya sa'kin.

Ilang segundo ang lumipas ay humiwalay na rin siya sa pagkakayakap.

"Halika na. Sigurado akong iniintay na nila tayo" marahan niyang hinalikan ang noo ko saka ako inalalayan papasok sa kotse. Lihim akong napangiti.

He was like this before. Parang nauulit lang ang nangyayari pero hindi.

Nag ring ang phone ko na siyang bumasag sa katahimikan ng byahe namin. Agad ko itong sinagot ng malaman kong si mom ang caller.

"Mom? Napatawag ka po?" napansin kong bumaling sa akin si Emman pero hindi rin nagtagal dahil nag da-drive siya.

"I've heard about what happened. Nakausap ko si Zenaida kagabi. Kamusta ka?" napabuntong hininga ako saka tumingin sa labas ng bintana.

"I'm not okay mom. Halos lahat kami nagbigla at nasasaktan para sa sinapit ni Dreah. But don't worry too much mom, mahahanap din namin ang kasagutan sa mga tanong namin"

A silence between me and mom. I wonder what she's thinking.

"Mom? You there?"

"A-Ah.. yes anak. Uhm ganito nalang. Call me immediately, kapag may nahanap na kayong balita about sa nangyari ha? Pero hayaan mo, tatawagan ko rin si Zenaida. Masyado silang nasaktan mag asawa dahil sa pagkawala ni Dreah"

Tumango tango ako. Magkaibigan din kasi ang magulang namin ni Dreah kaya nagkakatawagan sila. My mom was in Canada.

"Sige po mom. Tatawagan po agad kita. Papunta po ako ngayon sa burol ni Dreah"

Ngayon ang unang gabing burol ni Dreah.

"Sige anak. Take care!" then with that, she ended the call.

"Anong sabi ni tita?" tanong ni Emman.

"Sabi niya tawagan ko raw siya kapag may balita na sa imbestigasyon kay Dreah"

Tumingin sa akin si Emman saka sumagot.

"Sigurado akong nasaktan din yun si tita para kay tita Zenaida. Para na rin niyang anak si Dre---" I cutted him off.

My eyes gets widen ng biglang may tumawid na itim na pusa.

"LOOK OUT!!! AAAHHH!!!"

Naging malikot ang paggalaw ng kotse hanggang sa huminto kami ng bigla. Muntik na naming banggain ang isang malaking puno na nasa gilid ng kalsada.

I Promise, Elle (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon