🌱 Kabanata Lima

16 14 0
                                    

Kabanata Lima

"Bakit ba pinipigilan mo yang sarili mo, Aira!? Ano bang mali sa'kin? Ano bang kulang ha!???"

Ramdam na ramdam ko ang kirot sa dibdib ko habang naririnig ang mga katagang sinasambit niya. Napailing ako ng marahas.

Mabilis ang agos ng nga luha ko na siyang nababalutan ng bawat patak ng ulan. Basang basa na ang uniporme namin sa ulan pero wala kaming pakealam.

"K-Kung alam mo lang kung gaano---"

"Ano?? Kung gaano ka nagpipigil??" Putol niya sa sinasabi ko.

"Sh*t naman Aira! Ayan ang problema sa'yo! Bakit ka ba kasi nagpipigil!?? Alam naman natin pareho na pareho tayo ng nararamdaman!"

Napatakip ako ng bibig. Sinisigawan niya ako. Mabuti nalang at walang ibang tao sa field dahil umuulan at kanina pa uwian.

"H-Hindi ko pa kasi k-kaya, Emman" wika ko sa pagitan ng aking hikbi.

Napahilamos siya.

"A-Alam kong nasasaktan ka, Emman. Alam ko ring nahihirapan ka! Pero sana isipin mo rin muna ako" hindi ko na makilala ang boses ko sa sobrang hikbi.

"Palagi kitang iniisip, Aira! Palagi! Pero hindi ko maintindihan kung bakit!!" Sigaw nito.

Naglandas ang mga luha sa mata niya.

"Alam naman natin pareho na mahal natin ang isat isa diba?" halos mapiyok ang boses niya. Nasasaktan ako.

Para akong sinaksak sa dibdib ng isang mahabang patalim sa sobrang sakit. Gusto kita Emman! Gustong gusto.

Pero yung sakit sa pagkawala ni Elle. Sobrang sakit. Nawalan ako ng best friend. Nawalan ako ng kakampi. Nawalan ako ng kapatid. Tila ba wasak na wasak ang puso ko. Sobrang nasasaktan ako at sariwang sariwa parin 'to.

Gusto kong isigaw kay Emman ang dahilan pero hindi ko magawa.

Wala akong lakas.

Tinitigan niya ako ng malalim atsaka ngumiti ng mapait. Wala paring tigil ang mga luha ko ganun din naman ang ulan.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Saka niya niwika ang...

"Mauna na ako, Aira. Mag iingat ka"

Saka siya tumalikod at nagsimulang nag lakad papalayo sa'kin. Naiwan akong nakatayo at nakatulala sa field.

Ang sama ng panahon at ansakit sa pakiramdam. Ayon sa akin ang panahon. Ayoko nito.

Agad akong napabalikwas dahil sa gulat mula sa tunog ng malakas na kulog. Agad akong napahawak sa dibdib ko.

Sobrang lakas ng kabog nito at para bang hinahabol ako ng kung sino o kung ano. Malalim ang bawat paghinga ko. Napahilamos ako ng mapagtanto kong panaginip lang pala ang lahat.

Huminga ako ng malalim at pinilit ikalma ang sarili ko.

"Panaginip lang yun, Aira... Panaginip la---AAAAAHHHHHH!!!!!" napatili ako dahil sa sobrang lakas ng kulog.

Nabaling ang atensyon ko sa glass door na siyang pintuan papunta sa veranda. Kitang kita ang lakas ng ulan at para bang may bagyo.

Nakaramdam ako ng lamig. Agad kong binalot ang sarili kong muli sa kumot at huminga ng malalim.

I always had my nightmares everytime there is a thunder or kung minsan ay kapag may bagyo.

Pero...

I Promise, Elle (COMPLETE)Where stories live. Discover now