🌱 Kabanata Pito

16 14 0
                                    

Kabanata Pito

Someone's POV

"BWISET BWISET BWISET!!!!!! BAKIT BA NABUHAY KAPA!???? ILANG BUHAY BA ANG MERON KA!!!???? BWISEEETTTT!!!!!"

Halos masira ang lamesang kanina ko pa sinusuntok sa sobrang pagkagigil. Dapat namatay kana!

DAPAT NAMATAY KANA!!!!

Halos magdugo na rin ang kamao ko sa sobrang pagsuntok sa lamesa. Pero wala akong pakealam!

Akmang susuntok sana akong muli ng biglang bumukas ang pintuan. Mas lalong tumindi ang pagkagigil ko.

"WHAT TOOK YOU SO LONG!!!???? KANINA PA AKO NAGHIHINTAY DITO!" pagalit kong bulyaw. Halos manlisik ang mga mata ko sa sobrang galit.

Ilang oras na akong naghihintay dito tapos parang wala lang???

"Pasensya na. May ginawa lang."

"ANO? IYAN LANG ANG ISASAGOT MO SA'KIN?"

"Pasensya na nga diba? Hindi kaba nakakaintindi? Malamang humahanap ako ng tamang oras!"

Huminga ako ng malalim sa iritasyon. Napataray ako sa kawalan. Halos magkiskisan ang mga ngipin ko sa sobrang gigil pero kailangan kong magpigil.

"Oh? Bakit ganyan ang pagmumukha mo?" Iritado kong tanong.

Narinig ko ang pagbuntong hinga niya.

"Wala."

"Anong wala? Hindi ako naniniwalang wala lang yang busangot mong mukha"

Tumahimik siya ng ilang segundo bago sumagot.

"K-Kailangan ba talaga natin gawin 'to?"

Napatigil ako sa pagpupunas ng baril na hawak ko. Bigla na lamang akong natawa.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA SIRAULO KA BA!!!!?????" agad kong itinutok sa kanya ang baril.

"EH GAG* KA YATA EH??? ANONG TUMATAKBO JAN SA KOKOTE MO AT NAISIP MO YAN????"

Balewala naman sa kanya ang ginawa kong pagtutok ng baril. Ang mga mata niyang parang walang buhay. Hindi kagaya ng sa'kin na puno ng poot at galit.

"BAKA GUSTO MONG IPAALALA KO SA'YO ANG KALUPITAN NILANG LAHAT????" sigaw ko. Ipinatama ko ang dulo ng baril sa noo niya.

"GUSTO MO??? HA?? GUSTO MONG ULIT ULITIN KO SA'YO KUNG ANONG GINAWA NILA? KUNG ANO YUNG NARANASAN AT PAGHIHIRAP MO??? GUSTO MO???"

Napaiwas siya ng tingin.

"KUNG HINDI LANG KITA KAKAMPI, BAKA PINATAY NA KITA! PERO HINDI! DAHIL AKO MISMO, ALAM KO YUNG PAGHIHIRAP MO! ALAM KO YUNG PINAGDAANAN MO!!" marahas kong ibinaba ang baril sa lamesa at gigil na kumuha ng sigarilyo at nagsindi.

Malakas kong ibinuga ang usok palabas sa aking katawan. Anong naiiisip nito at biglang nag isip ng ganyan?? Wala namang problema pero gumagawa siya. Napadura ako sa sobrang gigil.

Huminga ako ng malalim bago siya hinarap. Nakayuko lamang siya at hindi makatingin sa'kin.

"Humarap ka sa'kin" mahinahon kong wika. Diretso ang mga mata niya sa mata ko. Napatawa ako ng marahan ng makita ang mata niyang puno ng panghihina at takot.

"Naiintindihan kita. Alam ko kung saan ka nanggaling. Parehas tayo ng naranasan at paghihirap. Tandaan mo. Hindi natin deserve ang maging ganito at mas lalong hindi nila deserve ang maging masaya na parang wala lang silang ginawang mali"

Muli akong humithit ng sigarilyo at madali itong inilabas.

"Ngayon paba tayo susuko? Gayung malapit na tayong magkasama-sama? Maganda ang takbo ng plano. Magiging masaya si Elle sa planong ginagawa natin"

I Promise, Elle (COMPLETE)Where stories live. Discover now