NA 29: Lost

1.7K 112 0
                                    

Expect typos and wrong grammars.

Keesha's POV...

Idinilat ko ang mata ko pero purong dilim lang ang nasilayan ko. Ilang beses pa kong pumikit at dumilat hanggang sa maging malinaw na ang lahat.

Naramdaman ko sila. Lahat sila. Nakapalibot sakin, nakahiga ako habang nakatayo sila.

"Keesha."

Keesha...

Keesha ang pangalan ko.

"Keesha ayos ka lang ba?"tanong ng isang medyo may katandaang babae. Naramdaman ko yon.

Tumango lang ako at hindi sumagot. "Waaaaah!"

Agad akong napahawak sa braso ko ng bigla kong hampasin ng isang babae na kaedaran ko lang.

Di ko alam. Di ko alam ang mga nangyayari sa paligid ko.

I'm surrounded with people whom I don't know. I can't see either. All I see is the dark. It was full of pain.

"Keesha san ka nakatingin?"

Sinundan ko ng tingin ang narinig ko. Boses iyon ng isang lalaki.

"W-Wala akong makita Sir."

Agad na tumulo ang luha ko. Gusto kong magwala pero di ko magawa. I feel so helpless.

Narinig kong medyo nagkagulo pa sila saka biglang bumukas ang pintuan.

"How many fingers am I holding Miss Hanadelle?"tanong ng isa pang lalaki.

"I-I don't know."patuloy sa pagluha ang mga mata ko. "And I c-cant remember."

Narinig ko na ang iyak ng isang babae. Sinundan pa yon ng tahimik na iyak ng isa pang babae.

Ramdam ko ang lungkot at awa nila sakin. Pero di ko kailangan non.

Parang gusto ko nalang umalis dito. Ayokong makita nila kong ganito. Di ko man sila kilala, sigurado naman ako na malapit ako sakanila.

Gusto kong maglaho na parang bula. Umalis sa harapan nila. Ayokong maramdaman yung sakit na nararamdaman nila ngayon.

In just a snap, I'm outside. Ramdam ko ang lakas ng hangin at taas ng pwesto ko. Maybe I'm on some kind of rooftop.

Ilang saglit akong nanatili doon hanggang sa bumukas ang bakal na pintuan ng rooftop. Naramdaman ko ang paglakad nya papunta sa gawi ko saka sya doon naupo.

"Sino ka?"mahinang tanong ko.

"Oh sorry! I'm Eric by the way."he said then he chuckled.

"Hi Eric by the way."I said then I laugh a bit.

"You're funny. What's your name?"he asked.

"I'm Keesha."sagot ko saka tumingin sa gawi nya.

"Hey andito ako."sabi nya.

Night Academy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon