NA 1: Beginning

5.6K 318 11
                                    

Ayan na oh! May chapter 1 na sya! Yieee HAHAHAHA!

Expect typos!

Keesha's POV...

"Tss, are we there yet?"bored na tanong ko saka muling tumingin sa harapan ng kotse kung saan nakaupo si Mom and Dad.

"You've been asking that for a while Keesha. Are you excited to visit your new school?"tanong ni Dad habang nakatingin sakin mula sa salamin.

"Actually no. I would love to be expelled again at my new school, Dad."wika ko at may diin pa sa dulong salita.

Sasagot na dapat si Dad ng pigilan sya ni Mom saka ito tumango at tumingin sa gawi ko.

"Do what you want sweetie."nakangiting sabi nya saka muling ibinalik ang tingin sa harapan.

Nagtataka man ay hindi ko nalang iyon pinansin. Sinuot ko nalang ang headphones ko saka nagpatugtog nalang.

Tumingin nalang ako sa labas at saka ko lang napansin ang dinaraanan namin. Wala na kami sa kalsada at gubat na ang dinadaanan namin.

Kumbaga, malayo na sa sibilisasyon at puro puno at damo nalang ang makikita mo sa paligid.

"We're here."saad ni Dad saka lumabas kaya sumunod na sakanya si Mom.

Sumunod na din ako sa paglabas saka ko isinabit ang headphones ko sa leeg ko.

"Is this a joke?"tanong ko saka seryoso silang tinitigan.

"We're dead serious Keesha."sagot ni Dad saka ako tiningnan ng walang kaemo-emosyon sa kanyang mukha.

Kahit sinong tao ay hindi nila maloloko. Lalo na ko.

Pano ba naman kasi, nandito kami sa isang mansyon, triple yata ang laki nito kesa sa malaki naming mansyon. Napaka-classy ng itsura at halatang pang-mayaman.

"This is a fvcking house! Not a damn school!"sigaw ko pa sakanila.

"Watch your words young lady."wika ni Dad kaya naman napa-irap agad ako at tumahimik nalang.

"Lets go."yaya ni Mom saka nauna nang maglakad. Sumunod naman sakanya si Dad kaya no choice ako at naglakad na din papunta sa malaking gate na kulay gold.

Kusang bumukas ang gate ng magsalita si Dad sa may voice achuchu sa gilid ng gate. Pagpasok namin ay mas lalo lang akong namangha.

Puro white, blue at pink ang motif ng bahay, I mean it's a mansion right? May garden sa loob sa gilid ng mansion at meron ding basketball court sa tabi ng garden. Kumbaga para na syang isang subdivision dahil sa kumpleto ang lugar pero isa lang ang bahay, napakalaking bahay.

"Good morning Mr and Mrs Hanadelle."sabi nung isang babae na naka-maid outfit.

"Good morning. This is our daughter we're talking about. Come here Keesha."sabi ni Dad kaya naman lumapit ako.

"Good morning Ms Hanadelle. Welcome to Night Academy Dorm."sabi nung babae saka ngumiti.

Dorm?!

"Wait! This is a dorm? Just a fvcking dorm?!"gulat na sigaw ko kaya napatingin pa sa gawi namin ang ilang tao na nasa paligid.

"You're just like your mother Ms Hanadelle."sabi nung maid saka tumawa pa ng bahagya. "By the way, I'm Pola, I'm gonna be your personal maid, Ms Hanadelle."

"I don't need a maid."walang emosyong sabi ko.

"Yes you do."sabi ni Dad kaya naman napatingin ako sakanya. "We'll gonna leave now Pola. Take care of our daugther."

Aangal pa sana ko pero agad na kong niyakap ni Mom.

"I'm gonna miss you sweetie."sabi ni Mom saka humalik sa noo ko.

Hindi na ako sumagot. Hinatid nalang namin ni Pola sina Mom and Dad sa gate at saka kami muling nagpaalamanan.

"Good luck baby."sabi ni Mom saka ako hinalikan sa noo.

Lumapit sakin si Dad saka din ako hinalikan sa noo. "I love you baby."

Agad akong natulala dahil don sa sinabi nya. I think it's my first time to hear something nice coming from my father.

Hindi ko alam pero napangiti ako ng palihim hanggang sa makaalis na sila.

"You're lucky Ms Hanadelle. You have parents who can look up to you and so close to you."sabi pa ni Pola habang nakatingin padin sa dinaanan nila Mom and Dad.

"You don't know anything."sabi ko saka kinuha ang maleta ko at hinila na iyon papasok sa bahay.

"Ako na Ms Hanadelle."sabi ni Pola sabay kuha sakin ng maleta ko.

"Go away."sabi ko naman at saka muling inagaw ang maleta sakanya.

Wala naman na syang nagawa kundi ang sumunod sakin papasok sa loob ng bahay.

Kung anong ikinaganda sa labas, ay mas lalo naman dito sa loob. Napaka-fine ng pagkakadisenyo ng buong bahay. Sobrang ganda talaga at ang mga furnitures, halatang iniingatan talaga.

Nagpunta ko sa lobby saka hinarap ang taong nadodoon.

"Good morning."bati ko sa babae.

"Good morning Ms Hanadelle."nakangiting bati nya.

Nagtaka pa ko ng malaman nya kung ano ang apelyido ko but still I didn't bother asking.

"Grabe ka naman Keesha! Ang bilis mo naman maglakad!"sigaw ni Pola saka napaupo sa may sofa sa lobby.

"Sadyang mabagal ka lang talaga."bulong ko pa.

"Hoy hindi ako mabagal ah!"sigaw nya pa ulit saka tumayo. "Baka gusto mo magkarera pa tayo eh!"

"No thanks. That's just a waste of time and so you are."sabi ko pa. "May I know what my room number is?"

"Yes Ma'am. Please wait a second."sabi nya saka nagpipindot sa may computer nya. "You're room number is 1 on the third floor Ms Hanadelle."

"Thanks."sabi ko pagkakuha ko ng susi sakanya.

Muli ko nang hinila ang maleta ko papunta sa nakita kong malapit na elevator.

Bahay may elevator amp.

Papasara na dapat ang pinto ng bigla nalang iharang ng isang tao ang kanyang paa kaya muli iyong bumukas.

"Damn this life."bulong ko sa sarili ko.

"I heard that."sabi nya pa saka sumipol sipol.

Hindi ko nalang sya pinansin saka sinuot nalang ang headphones ko. Ilang saglit lang ay narating na namin ang third floor kaya nagmadali akong lumabas sa elevator.

Hindi na ko naglakad ng malayo dahil nasa bungad lang ang kwarto ko.

Nasa tapat na ko ng pinto saka pinasok ang susi pero nagulat ako ng bukas na iyon. Hindi ko nalang pinansin saka ako pumasok sa loob.

Pagkasara ko ng pinto ay may agad namang kumatok.

"Pwede pumasok?"tanong ni Pola habang nakangiti.

"I'm tired. Go away."sabi ko saka isinara ang pinto at saka iyon nilock.

Sobrang dilim sa kwarto pero di na ko nag-abala pang buksan ang ilaw dahil na din sa pagod.

Lumapit ako sa naaninag kong kama at pabagsak na nahiga doon. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako...

++++++++++

So how was it? Okay lang ba? I need your feedback guys kaya please magcomment naman kayo hihi no pressure!

Thank you pala sa mga nagbabasa ng story ko na ito! Labyah all!

Night Academy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon