NA 9: Pranksters

3.3K 205 4
                                    

Author's note po itooooo! HAHAHAHA

Expect typos! Enjoy reading!

Keesha's POV...

"Keesha!!!"sigaw ng kung sinuman mula sa labas.

Hindi ko iyon pinansin. Sa halip ay nagtalukbong lang ako ng kumot at nagderetso sa pagtulog.

"May pasok tayo!"siga ulit nya.

Agad akong napamulat dahil sa narinig ko. Kinapa ko ang cellphone ko sa side table at nakitang malapit na ang oras ng klase.

Nagmadali akong bumangon saka pumasok sa loob ng banyo. Di na ko masyadong nagtagal dahil baka malate pa ko.

Ilang minuto lang ay lumabas na ko at saka ko bumaba. Naabutan ko pa silang kumakain lahat sa mesa.

"Oh bat nakabihis ka?"tanong ni Frost.

"May pasok."sabi ko saka naupo sa katabing upuan nya.

"Di ka ba aware na may meeting ang sasali sa COTL ngayon? Pwede tayong malate."maarteng wika ni Seah.

I just rolled my eyes on her saka ako nagsimulang kumain.

Tahimik lang kaming kumakain ng bigla nalang may bumulong sakin.

"Look at your face binibini."wika ni Bleu gamit ang hangin.

Inilibot ko ang tingin ko sakanila at kita ko ang pagpipigil nila ng tawa habang nakayuko at pilit sumusubo.

"What?"tanong ko pa at doon na lumabas ang malakas nilang tawanan.

Padabog akong tumayo saka umakyat sa kwarto ko saka humarap sa salamin.

Agad na nalaglag ang panga ko ng makita kung anong itsura ko, kulay sky blue, kulay sky blue yung mukha ko, tangina!

Kumuha ako ng wet wipes saka ipinunas sa mukha ko pero walang nangyari. I'm still fvcking blue!

Inis na binato ko ang wipes sa vanity mirror saka lumabas ng kwarto at nagderetso sa kusina. Andon padin sila at halatang pinipigilan padin ang pagtawa.

"Who made this?"seryosong tanong ko.

"Ako bakit?"matapang na sabi ni Grand.

Pinanliitin ko sya ng mata saka ako lumapit at hinila sya sa kwelyo saka ko sya binigyan ng suntok sa mukha.

"Never mess with any parts of my body or you'll get yours."mariing sambit ko saka sya binitawan dahilan para bumagsak sya sa sahig.

Naglakad na ko paalis at umakyat sa kwarto saka iyon nilock. Nahiga ako sa kama saka ipinikit ang mata ko.

*****

Grand's POV...

Pikon naman pala si Keesha eh. Parang yun lang eh. Nakulayan lang ang mukha sinapak pa ko hanep.

Aminin ko man o hindi, naging masakit din ang pasapak sakin ni Keesha. Kung hindi nga lang nya ko hawak malamang ko ba na tumilapon na ko sa kung saan.

Night Academy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon