NA 8: Late Morning Talk

3.4K 215 5
                                    

Pahinga muna tayo kay Keesha. Kay Frost muna tayo hihi!

Thanks for the 400+ reads. I really appreciate it a lot.

Expect typos and happy reading!

Frost' POV...

"Kapal naman ng mukha mo! Sa tingin mo gusto kong tumabi sayo sa pagtulog?! Hoy Kuya ko daw, FYI, isang malaking ayoko!"sunod sunod na sigaw ni Keesha.

Kita ko ang pamumula ng kanyang mukha at ang panlilisik ng mga mata nya dahil sa galit.

Kahit masungit ako sa kapatid kong toh, mahal ko yan. Tss eh mula pagkabata kilala ko na yan eh.

Flashback...

"Ina bat nyo po ako pinapamigay? Ayaw nyo na po ba sakin?"lumuluhang tanong ko habang nakayakap ako sa aking ina.

"Mahal kita anak, mas ligtas ka lang dito kesa sa mortal na mundo. Isa pa kailangan naming ilayo si Keesha dahil sa kapangyarihang taglay nya."wika ni Ina saka ako niyakap pabalik.

"Pero Ina, isama nyo nalang po ako! Babantayan ko nalang po si Keesha!"sigaw ko pa saka mas lalong hinigpitan ang yakap sakanya.

Kita ko ang pag-iling ni Ina saka nya ko nilayo sakanya. Hinila naman ako ni gurong Lethist at saka ko nakita ang pagalis nila Ina kasama si Keesha.

Ilang beses akong sumigaw, umiyak, nagmakaawa na isama nila ko sakanila ngunit, wala.

End of Flashback...

Pero ngayon naiintindihan ko na. Kung bakit kailangan nilang ilayo si Keesha dito sa immortal na mundo.

Masyadong malakas ang kapangyarihang taglay ni Keesha. At nasisiguro kong kahit sya ay hindi nya iyon kayang kontrolin. Kailangan nyang magsanay hangga't maaga pa para maging handa ang pisikal at mental nyang pangangatawan.

"Then sleep in the couch."sabi ko saka sya tinalikuran at naglakad na paakyat.

Bago pa man ako makarating sa kwarto ko ay nakasalubong ko si Blast na masama ang tingin sakin.

"Kung may galit ka sakin ilabas mo na hangga't maaga pa. Baka yan pa maging dahilan ng pagkatalo natin."wika ko saka nagpatuloy sa paglalakad.

Pero bago pa man ako makalagpas sakanya ay nahawakan na nya ang braso ko na agad ko namang natanggal.

"Hayaan mo ko kay Keesha."seryosong wika nya pa.

Saglit akong napahinto saka ko tumawa ng malakas. Ilang segundo lang din ang tinagal non saka ko muling nagseryoso.

"Para ano? Kilala kita Blast kaya wag ang kapatid ko."yun na ang huli kong sinabi bago ako tuluyang pumasok sa kwarto ko.

Pagkasara ko ng pinto aya agad akong dumeretso sa kama saka hinanap ang cellphone ko at idinial ang number ni Bleu.

"Hey bro, what's up?"

"It's about Blast. Can you spy on him?"lumapit ako sa bintana kung saan tanaw ko ang malawak na dagat na kumikinang ang tubig.

Night Academy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon