Chapter 85

107 16 0
                                    

Renrem's POV

"Baby..."

Isang boses ang naging dahilan kung bakit biglang napabitaw sa yakap ko si Mika.

"S-shawn", saad ni Mika sabay tayo at yakap papunta kay Shawn.

Niyakap siya pabalik ni Shawn kasabay ng masamang pagtingin nito sa akin.

"how's Heaven?", tanong nito.

"Kailangan daw masalinan ng dugo ni Heaven", umiiyak na saad ni Mika.

Nakita ko ang pagbabago ng reaksyon ni Shawn ng malamang sasalinan ng dugo si Heaven.

Pero bakit?

Humiwalay sila sa pagkakayakap tyaka lumapit si Shawn kay Heaven na natutulog. Umupo ito sa tabi ni Heaven tyaka sinuklay ang buhok nito gamit ang daliri niya at hinalikan ito sa noo.

"Sweetie daddy is already here, so don't worry", saad ni Shawn.

Nakakaramdam ako ng...

Selos? Para saan?

"Thank you sa pagbabantay sa mag ina ko, you can go now", may diin nitong saad sa akin.

"He's with our churchmates", saad ni Mika.

"Ohh I see", saad nito sabay lapit kay Mika.

Napatingin ako ng bigla niyang hilahin si Mika papunta sa kaniya at tyaka hinalikan sa mismong harapan ko.

A mini heart ache? No. Kasi masakit, sobra...

When you see the person who loved you so much without a doubt even at your worst, and now she has someone else who owns her.

I love her until now pero hindi ko alam kung sapat parin ba yun para bumalik siya sakin. Alam ko na maling magfocus ako sa kaniya ulit dahil may anak na siya at si Shawn, samantalang ako ay magkaka anak na din kay Ella. Pero hindi ko maiwasang isipin na si Mika ang magiging ina ng mga anak ko, na siya ang makakasama ko hanggang pagtanda. Ako ang nangako pero ako din mismo ang sumira ng mga pangakong iyon. I don't have any rights para bawiin na siya ulit.

"Renrem! how's you and Ella? Balita ko magkaka baby kana, congrats to the both of you", saad ni Shawn sakin.

"Oum she's almost 4 months pregnant", sagot ko.

"A girl or a boy?", tanong niya muli.

"Hindi pa kami nagpapa ultrasounds for the gender and gusto din namin na suprise iyon", paliwanag ko.

"Masilan ba ang pagbubuntis niya? Like pinaglilihian?"

"Actually hindi naman siya mahirap alagaan", saad ko.

"Nako itong si Mika nung pinagbubuntis si Heaven, halos hindi na ako maka alis sa tabi niya just to make sure na mabibigay ko ang mga pangangailangan niya at ng baby namin", paliwanag niya.

Pinagseselos ba niya ako?

"Then when Heaven came to the world, all I can say is ako na ang pinakamasayang daddy sa mundo. Walang mapaglagyan ang saya ko nung araw na yun", saad niya sabay yakap sa bewang ni Mika.

Knock! Knock!

Bumitaw si Shawn sa pagkakayakap nang bumukas ang pinto at pumasok ang doctor.

"Doc kamusta na po ang anak ko?", tanong ni Mika sa doctor.

"The patient need a blood donor para masalinan siya agad ng dugo. The blood type of the patient is O-", saad ng doctor.

O-? O- ang blood type ko...

"AB ang blood type ko", saad ni Mika.

"So I think the father must be our donor", saad ng doctor.

"Ah--"

"Doc need po kayo sa room 128 emergency asap po", saad ng nurse ng makapasok sa kwarto.

"Excuse me, I'll be back uunahin ko lang toh", excuse ni doc.

Agad itong umalis at naiwan na naman kaming tatlo.

"Hmm Renrem pwede mo ba muna kami iwan kagit saglit lang?", ani ni Mika.

"Sige aalis na muna ako", paalam ko sabay tayo.

Lumabas ako ng kwarto at nag isip isip paglabas ko.

Blood type AB so its either blood type O or O- ang tatay ni Heaven. I'm blood type O-...

Pero baka ganun din si Shawn o kaya type O siya.

Can I Hold You Again? [COMPLETED]Where stories live. Discover now