Chapter 8

165 36 0
                                    

Renrem's POV

Pinark ko ang kotse ko sa harap ng bahay namin. 7:17 pm na nang maka uwi kami ni Mika, mahimbing na syang natutulog ngayon dahil sa pagod. Bago kasi kami tuluyang umuwi ay may dinaanan pa kami sa mall ulit at nabitin sya sa pagkain na binili namin bago kami gumawa ng milagro hahahah.

Bumaba ako ng kotse at agad na pumunta sa kabilang pinto sa tapat ni Mika tyaka binuksan yun at binuhat si Mika para di na sya magising. Pa- bridal ko syang binuhat, bukas pa ang ilaw sa sala at rinig ko pa boses ni Ice. Kumatok ako ng ilang beses sa pinto at nang magbukas ang pinto ay bumungad sa harap ko si Aira.

"oy kuya Ren, pasok", saad ni Aira tyaka naman ako pumasok.

"pagod na pagod si Mika ah", bungad ni Tita.

"sobra", nakangisi kong saad.

"dalhin mo na sa kwarto, nang makapag- pahinga", ani Papa.

"sige po", usal ko tyaka nagtungo sa kwarto namin.

Nang makapasok sa kwarto ay binaba ko na si Mika ng dahan- dahan tyaka tinanggal ang sapatos nya, pinalitan ko na din sya damit nya tyaka lumabas ng kwarto para uminom ng tubig.

"so san kayo nagsusuot ni Mika?", tanong ni Jay.

"Sm Pampanga lang", sagot ko tyaka nagsalin ng tubig sa baso.

"may SM naman na malapit dito ah", sabat ni Ice.

"nakakasawa naman dun", sabay inom ko ng tubig.

"aalis kayo bukas, Ren?", tanong ni Paolo.

"inaya ko si Mika sa EK", sasd ko.

"masyado mong iniispoil si Mika", diretsong saad ni Ice.

"hindi naman sa ganun. Gusto ko lang maging masaya si Mika", nakangiti kong sabi.

"anong hindi ganun?! Halos araw- araw may nireregalo ka kay Mika, wattpad books, panda stuff toys, damit, sapatos, cellphone. Lahat ng gusto ni Mika binibigay mo", irita nyang saad.

Sa kwarto kasi namin ay may bookshelves si Mika na puro wattpad books. Then may malaking cabinet din sya dun na niregalo ko nung nakakuha sya ng mataas ng grades para lalagyanan nya ng mga damit at stuff toys. Yes I gave everything to Mika kahit hindi nya hilingin sakin, actually nagiging sanhi pa nga toh ng away namin kasi naiinis sya sakin puro daw ako bigay at nag- aaksaya lang daw ako ng pera. Okay lang naman sakin na bigyan sya ir regaluhan sya, kasi pera lang naman yun at kayang palitan but she, she was so priceless. Sobrang sarap kaya sa pakiramdam na makita mong nakangiti at masaya yung taong mahal mo.

"Ice hayaan mo na si Renrem, he just really love Mika kaya sya ganyan", pagtatanggol ni Tita.

"kuya Paolo naman kasi dapat iispoil mo din si Ate Ice haisst", biro ni Wen.

"chee", irap ni Ice.

"hahaha sige mauna nako at ako'y matutulog na. Pa, tita, tito, una na po ako", paalam ko.

"sige", saad nila.

Nagtungo nako sa kwarto namin at naabutan kong mahimbing parin na natutulog si Mika. Pumunta ako sa cr para magshower muna. Pagkatapos ko ay lumabas nako at tanging suot ko lang ay boxer. Nasanay kasi ako na ganun ang suot ko, pati din naman si Mika. Humiga ako sa tabi ni Mika tyaka kinuha ang cellphone ko sa side table para magcheck ng mga messages. Puro delivery lang, not until pumukaw sa atensyon ko ang isang message...

~Hi Ren (smile emoji) kamusta kana? Miss na kita (sad emoji)~

Message mula kay Jane na dati kong niligawan for almost 5 years pero olats. Kilala sya ni Mika dahil naikwento ko sa kanya yung past namin.

Hindi ko alam kung rereplyan ko ba o hindi. Bigla akong nakadama ng kakaiba. Iniwan kong naka- seen ang message nya at inilapag sa mesa nang bigla kong maramdaman ang biglang pagyakap sakin ni Mika.

Umayos ako ng higa at niyakap din sya. Siniksik ni Mika ang mukha nya sa pagitan ng balikat at leeg ko, na palagi nyang ginagawa kapag magkatabi kami.

"I love you hon", bulong ko tyaka hinalikan sya ng mabilis sa labi.

Can I Hold You Again? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon