Chapter 16

130 25 0
                                    

Someone's POV

Lumipas pa ang mga araw at linggo ay nanatiling ganoon ang set up nina Mika at Renrem. Nagiging cold si Mika, gumagawa ng mga bagay na hindi nya noon ginagawa kay Renrem at nagiging sobrang sweet. Habang si Renrem naman ay naguguluhan sa inaakto ni Mika kaya madalas ay hindi nya nasasabayan ito, patuloy parin sya sa pakikipag kita kay Jane ng palihim.

Mika can pretend that she was blind, ayaw nyang mag away sila ni Renrem at mawala sa kanya ito. Kaya hanggat kaya nya ay gumagawa sya ng paraan para bumalik sa kanya si Renrem muli, that's why she give what Renrem's need. Kahit na sobrang nasasaktan sya ay mas pinili nyang pairalin ang pagmamahal na meron sya, pero minsan hindi maiwasan ang ipakita nyang nasasaktan sya kaya nagiging cold sya.

She can't do anything to pleased Renrem to stay. Dahil alam nyang hindi nya kontrolado at hawak sa leeg ang binata.

"ughh shitttttttt...... t-thank you, hon", napahiga si Renrem sa dibdib nya dahil sa pagod.

Habang naka-higa sa dibdib ni Mika si Renrem. Pareho silang naliligo sa pawis ngayon dahil sa pagtatalik na ginawa. Nakatulog agad si Renrem sa sobrang pagod habang si Mika ay dilat na dilat at nakatingin sa kisame ng kwarto. Kinagat nya ang kanyang ibabang labi para pigilan ang pag- agos ng luha na kanina pa nyang pinipigilan.

Ang lalaking katabi nya ngayon ay hindi na sa kanya dahil tuluyan na itong naagaw sa kanya ng babaeng noon nitong minahal. Kahit na alam nyang malabong makuha nya ulit ang lalaki ay ginawa padin nya. Binigay parin nya ang sarili nya kay Renrem, umaasa na yun nalang ang tanging paraan para bumalik ito.

Naramdaman nyang tulog na tulog na si Renrem. Hindi na nya kayang pigilan pa, lumalalim na ang paghinga nya at nanlalabo na ang kanyang mga mata dahil sa mga luhang naipon, humihikbi na rin sya. Tumulo na ang luha nya sa kaliwang pisngi pero pinipigilan nya parin sa pamamagitan ng pagkagat ng labi. Tinakpan nya ang bibig nya dahil sa paghikbi nya. Pero lalo lang umagos ang mga luha sa pisngi nya at bumibilis ang paghinga nya. Pinahiga ny si Renrem sa kama at nagpunta sa banyo para doon ituloy ang kanyang pag- iyak.

Binuksan nya ang shower kasabay ng pag' iyak nya, iyak na puno ng sakit at hapdi, iyak na pilit pinipigilan. Nakahawak parin sya sa bibig nya at napa-upo sa sahig. Niyakap ang kanyang mga tuhod at yumuko.

Nagising si Renrem sa ingay na nang- gagaling sa cr. Hinanap nya si Mika sa tabi nya pero wala ito kaya sigurado sya na si Mika ang nasa cr. Tumayo sya at lumapit sa cr, dinikit nya ang kanyang tenga sa pinto ng cr.

Iyak at hikbi ang kanyang unang narinig.

"s-sabi mo no-on, na a-ako lang at wala ng iba". Rinig nyang saad ni Mika.

Nagpatuloy sya sa pakikinig kay Mika.

"sa-na a-ako nalang u-lit..... s-sana akin ka pa-rin", paghikbi ni Mika.

Nagugulahan si Renrem sa sinasabi ni Mika. Pero ang nasa isip nya is kung alam ba ni Mika?!

"ako nalang ulit....please", pag-iyak ni Mika.

Napa-upo si Renrem sa tabi ng pinto. Kung may alam si Mika bakit hindi sya nagsalita? Bakit hindi sya nagalit?

Nang wala nang marinig na kahit ano ay bumalik si Renrem sa higaan. Pagka- higa ay saktong paglabas ni Mika sa cr. Nagkunwaring tulog si Renrem. Nagbihis si Mika, kita parin ang bakas ng kanyang pag-iyak kanina. Nang matapos magbihis ay lumapit sya sa natutulog na si Renrem. Inayos ang kumot na nakabalot sa lalaki at pinagmasdan itong natutulog kasabay ng muling pagpatak ng luha nya. Kahit na masakit, hinalikan nya ang lalaki sa labi nito.

"a-ako na-lang", mahinang saad ni Mika tyaka lumabas ng kwarto.

Nang tuluyang maka alis si Mika ay tyaka dinilat ni Renrem ang kanyang mga mata. At napahawak sa kanyang labi.

"Mika", pagsusumamo nyang saad.

Can I Hold You Again? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon