Chapter 26

121 19 0
                                    

Renrem's POV

"oh san lakad mo?", tanong ni Tito pagkalabas ko ng kwarto.

"may delivery lang po", saad ko.

Nasa sala lahat sila at abala sa panonood pati na rin si Mika. Lumapit ako papunta kay Mika para magpaalam.

"hon alis muna ako", saad ko at tumingin lang sya sakin sabay tango.

Hinalikan ko sya sa pisnge at tumingin ulit sa kanya. Hindi ko alam pero parang araw-araw syang gumaganda at nagiging blooming.

"delivery ba talaga?!", biglang singit ni Papa samin.

Hindi ko alam kung may alam na si Papa sa mga pinaggagawa ko o hinala na naman. Pati si Jay, naguguluhan nako sa kanila.

"may delivery ako Pa. Sa may Valenzuela, kung gusto mo pa po sumama ka", may pagka sarkastiko kong tono.

"kung pwede lang lagyan ng camera sa buong katawan mo eh", sarkastikong tono ni Jay.

Umiinit na ang pagitan naming tatlo kaya napatingin sila samin maliban kay Mika na parang walang naririnig o nakikita manlang.

Naagaw ni Mika ang atensyon namin ng bigla syang nagtakip ng bibig nya at tumakbo papuntang banyo tyaka nagsuka. Sinundan sya ni Tita sa banyo habang kami ay nakatingin lang.

"ayos kalang ba?", tanong sa kanya ni Tita.

Lumabas si Mika ng banyo na pinupunasan ang kanyang bibig. Kumuha ako ng tubig para ibigay sa kanya.

"uminom ka muna hon", sabay abot ko ng isang basong tubig.

Kinuha naman nya tyaka nya ininom. Medyo naduduwal pa sya pero wala namang lumalabas.

"Mika dalhin kana kaya namin sa ospital", suhestyon ni Papa.

"hin-di na po Pa. Ayos lang po ako baka po may nakain lang ako na hindi maganda", paliwanag nya.

"sigurado ka?!", tanong ko.

"oo. Diba may delivery ka pa? Tanghali na baka mahuli ka", aniya.

"magpa check up ka kaya hon. Namumutla ka oh", saad ko.

Para syang latang-lata sa pagsuka at namumtla na kasi ang itsura nya. Nag aalala ako sa kanya.

Muli syang ngumit. Sh*t bakit ganun sya ngumiti sobrang sakit...

"ayos lang ako. Ipapahinga ko lang toh then mawawala na", nakangiti nyang sabi.

Ayoko na ngumingiti sya kapag nahihirapan sya. Alam kong nagkukunwari lang sya na ayos sya. Alam kong nahihirapan sya at nasasaktan.

"mahuhuli kana. Mas mahalaga yung delivery mo", saad nya na tila may diin at kahulugan.

"mas mahalaga ka hon. Kaya dito lang ako sasamahan kita", sabay hawak ko sa kamay nya.

Nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata nya.

Bakit kailangan mong umiyak?!

"kami nang bahala kay ate Mika. Unahin mo na yung dapat mong unahin kuya", singit ni Aira.

Feeling ko gusto nila akong paalisin...

Tok!Tok!

"tao po", saad ng kung sino sa labas.

Naglakad papalapit si Ice sa pinto para buksan yun. At bumungad sa kanya si Chy at Levie na maraming dala.

"ayy nakaka istorbo po yata kami sa meeting nyo", biro ni Chy.

At ng mapansin naming magkakadikit kami ay nagka hiwa-hiwalay kami.

"hahaha hindi naman", natatawang saad ni Tita.

Kita ang gulat sa dalawa ng makita si Mika. Kaya agad silang lumapit rito.

"shocks bess bat mukha kang magandang zombie", saad ni Chy.

"sobrang putla mo dai jusmee", ani Levie.

"noh ba kayo ayos lang ako", mahina nyang saad.

Mukha syang nanghihina...

"eto may mga dala kaming prutas, vitamins, biscuit at kung anu-ano pa", masayang saad ni Chy.

Alam ko lahat kami nagtataka kung bakit ganun kadami ang dala nila. Kadalasan kasi kapag pupunta sila rito ay isang maliit na lalagyanan lang ang dala nila, pero ngayon 5 malaking plastic ng kung ano ang dala nila.

"ang dami naman nyan", saad ni Mika.

"syempre naman noh. Gusto namin malusog ang kaibigan namin", sabi ni Levie.

Ewan ko pero nag double meaning ako sa sinabi nya!

"teka at ipaghahanda ko muna kayong dalawa ng makaka kain", aya ni Tita.

"nako tita salamat po ng marami", saad nila at tumngo si Tita.

Naupo sila kasama ni Mika at ako ay naiwang nakatayo.

"oyy Renrem aalis ka?", tanong ni Levie.

"hon magdeliver kana, ayos lang ako promise", nakangiting saad ni Mika.

"kami ng bahala kay Mika", ani Chy.

"okay hon. Pero kapag may problema ka or may masakit sayo tawagan mo ako ah. Dadalhin kita s ospital, okay?!", saad ko.

"okay...", saad nya.

Naglakad nako palabas ng bahay pero bago ako tuluyang makalabas ay narinig ko ang sinabi ni Chy kahit pabulong lang.

"himala concern yata sya ngayon. Dati wala naman yang pakialam sayo ah at parati pang wala"

Binalewala ko nalang ang sinbi nya at pumunta sa sasakyan ko tyaka nagsimulang magmaneho.

Totoong may delivery ako ngayon sa Valenzuela. Nag aalala ako kay Mika, madalas nanglalata sya at wala sa mood. Tapos yung mga pinagsasabi ng tao sa paligid nya pati mga kilos ng mga ito. Ang weird nila, pakiramdam ko tuloy may tinatago sakin si Mika pero wala akong idea kung ano yun.

"haisst Mika", wala sa sarili kong saad.

Can I Hold You Again? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon