Perfectionist Vs Housekeeper 4

176 27 13
                                    

CHAPTER 4

Shera's POV

Halos hindi ako makahinga habang nag-uusap ang maglolo. Sandali pa ay humarap sa akin ang lalaki.

"Sige, pinagmamabayang mo na ikaw ang huling bantay dito, buhatin mo ang maleta ko at iakyat sa kwarto ko. Ngayon din!"utos niya sa akin.

"Okay. No prob."

Kinuha ko ang isang maleta. Nang bubuhatin ko na sana ay malapit akong ma-out balance.

"Grabe. 'Di ko carry 'to. Ang bigat!"

"Sir, ako na po ang magbubuhat" sabi ng driver.

"Hay grabe, alam naman pa lang mabigat. Ako pa ang inutusan. Walang awa sa babae."pagpaparinig ko sa kanya. Kaya lalong nagdilim ang aura niya.

"Makaakyat na nga. Baka mapatulan pa kita."padabog siyang umakyat.

Hindi bumaba ang lalaki. Kaya pinagluto ko na lang siya ng nilagang baka bago matulog.

Shera's POV

Kinabukasan ay nalaman ko na hindi nagalaw ang nilagang baka. Iuulam ko na lang to sa almusal.

Habang kumakain ako ay bumaba si Ace galing sa kwarto niya.

"Ano 'yan? Nilagang baka sa breakfast? Sosyal ka, ha."

"Niluto ko 'to kagabi  para sa inyo. Sayang naman kung hindi kakainin."

"Para sa akin? Eh, bakit mo kinakain?"

"Eh, Sir. Ganito na lang. Ano gusto mong gawin sa nilagang baka? Ipakain sa aso o sa akin?"tanong ko.

Napahiya ata si Sir kasi hindi sumagot.

"Ipaghain mo na lang ako. Kakain na ako."

Ipinaghain ko siya at tinawag. Paalis na sana ako nang tawagin niya ako.

"Halika nga. Hindi tama ang pwesto ng kutsara at tinidor mo, ha. And where is the kitchen knife?"

"Hindi mo na po kailangan ng knife dahil malambot ang baka, kaya na ng kutsara at tinidor 'yon. At wala akong alam sa table setting."

"Dapat ay alam mo. I am a perfectionist. Gusto ko perfect lahat. So, just get what I want."

"Naku naman. Wala naman sigurong taong perfect sa mundo kundi si God. At sure ako na hindi ka si God."

"Umalis ka na. Ayokong makipagtalo sa taong walang alam."

"Ayoko ring makipagtalo sa masyadong matalino. Nabobobo akong lalo,"sabi ko sabay alis.

Lumabas ako at nagsimulang magtrabaho. How I wish na dumating na si Manang Meme. Ang hirap mag-isa na kapiling ang isang katulad ni Ace.

Nagdidilig ako ng mga flowers nang tawagin ako ni Ace.

"Bakit po?"

"Magluto ka ng masarap na adobo for my lunch."

"Parang may tira pang adobo sa refrigerator, ah"

"Ayoko ng tira! Ano ang palagay mo sa akin, aso?"

"Oops, wala akong sinabing aso ka. Ikaw may sabi."

"Ikaw, ha... ilagay mo ang sarili mo sa lugar. Housekeeper ka lang dito."umuusok niyang sabi habang tinuturo ako malapit sa mata.

"Oy, baka mabulag ako 'no!"

"Argh! Matutuyo ang dugo ko sa'yo!"

"Ako rin kaya! Ang hirap mong intindihin. Nakakalito at nakaka-tense ka. Mabuti pa noong wala ka dito, ang sarap ng buhay ko kahit maraming trabaho."

"Ah, ganoon? At peste pa pala ang turing mo sa akin?"

"Parang ganoon na nga."sagot ko.

Nainis yata kaya umalis na siya.

Nabuhayan ako nang dumating si Manang Meme bago mag-lunch. Kaya si Manang na lang ang pinagluto ko ng adobo.

"Sarapan mo, Manang. Bilin niya ay masarap na adobo."

"Hayaan mo, alam ko ang gustong timpla ni Sir."

"Mabuti at dumating kayo. Makakatikim sana siya ng sinabawang adobo. Hehe." at nagtawanan kami ni Manang.

"Pero napakasungit po pala talaga niyang si Ace na 'yan. Imagine, gusto niya akong palayasin kasi hindi ko agad siya pinatuloy."

"Nakalimutan kong ibilin sa 'yo na biglang sumusulpot dito si Sir Ace."

"Pero sana Manang, nandito ka kahapon. Mukha siyang tiger na malapit nang manganak."natatawang sabi ko at nagtawanan kami.

Ace's POV

"Lolo, bakit hindi niyo pa siya pinapaalis? Hindi niya ako nirerespeto."isinumbong ko ang babaeng 'yon kay Lolo.

"Ace, mabait na bata si Shera. Alam ko ang mga pinagdaanan niya. Gusto kong makatulong sa kanya at sa kanyang pamilya."

"Bakit ba masyadong importante ng babaeng 'yon sa'yo, Lolo? Ano ba ang relasyon niyo?"

"Ano ba ang pinagsasabi mo?"

"Bakit nga, Lolo?"

"Huwag mo nang itanong kung bakit kasi hindi mo rin naman maintindihan."

Perfectionist Vs HousekeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon