Perfectionist Vs Housekeeper 1

337 32 17
                                    

CHAPTER 1

Shera's POV

"Gulay kayo diyan, sariwang-sariwa! Walang pesticide, walang sira! Bili na kayo!"sigaw ko sa bangketa sa tapat ng palengke.

Wala akong pambayad ng puwesto kaya sumisingit na lang ako sa pagbe-benta sa labas. Sale and run kami ng mga kasama ko na katulad kong poor and can't afford ng sariling stall sa palengke.

Kapag may namataan kaming MMDA ay mabilis kaming naglalaho. Kinukumpiska nila ang mga paninda namin.

Maya-maya ay nagsidatingan na ang mga suki ko at binili ang mga sari-saring gulay na paninda ko.

"Wow, iba na ang sikat. Dinumog ang paninda."sabi ng kasama kong si Kim.

"Swertihan lang 'yan, Kim. Palagi ka kasing nakabusangot. Gumaya ka sa akin. Always smiling!"nakangiting sabi ko.

Mabilis na ubos ang paninda ko kaya maaga akong nakauwi. Bumili muna ako ng bigas at ulam para bukas maghapon.

Ganito palagi ang tagbo ng aking buhay. Magtitinda maghapon at ang kinikita ay binibili ng pagkain at gamot ni Papa.

Simula noong nagkasakit si Papa sa baga at bawal na magbuhat ng mabibigat ay ako na ang kumayod. Paminsan-minsan ay naglalabandira si Mama pero kulang parin sa amin. Kaya huminto ako sa pag-aaral.

High school lang ang natapos ko kaya walang matino na trabaho. Kaya todo kayod ako sa pagtitinda para may pambili ng gamot si Papa at para may makain kami.

"Nahihiya na ako sayo, Shera. Nag-aaral kana sana sa college ngayon, anak."

"Pa naman, 'wag ka nang mag-emote. Ganyan talaga ang life. Pero wag na mag-worry. Makakaahon din tayo sa kahirapan."sabi ko.

Pero sa loob-loob niya ay iba ang sinasabi. Mukhang hindi na mababago ang buhay nila. Halos iiyak ko na lang ang sakit ng katawan.

Maranasan ko kayang maging rich, Lord?

Someone's POV

"Palagi niyong pinagmamasdan ang tindera ng gulay, Senyor."sabi ng driver sa amo na isang mayamang negosyante sa bansa.

"Natutuwa ako sa kanya. Palaging nakangiti at masipag."

"Opo. Palagi nga natin siya nadadaan dito."

"Sandali lang at bababa lang ako."

Shera's POV

"Bili na ng mga fresh veggies na galing pa sa garden ni Aling Ruthing! Walang pesticide at walang uod kagaya ng iba! Good for the health and murang-mura!"pagsi-sales talk ko.

Dinumog na naman ang aking paninda. Pero laking gulat ko na nasa tabi ko na ang tauhan ng MMDA at pinaghahablot ang paninda.

"Ay! Naku, 'wag po. Pambili po 'yan ng gamot ng tatay ko. Maawa kayo!"pagmamakaawa ko.

Pero parang walang narinig ang mga tauhan ng MMDA.

"Bakit kami na naghahanap-buhay ng malinis ang palagi ninyong target? Sana 'yung mga snatcher ang abangan niyo! Hindi kami!"

"Sige, Shera. Ipagpatuloy mo pa. Ipagtanggol mo ang bandila nating mga tindera."sabi ni Kim.

"Wala kayong mga awa! Diyan kami kumukuha ng araw-araw na kinakain namin. Ano gusto ninyo, magnakaw kami?"

"Trabaho lang, Miss. Trabaho lang,"sabi ng isang MMDA at umalis na sila dala ang mga paninda.

"Mga walanghiya kayo! Tamaan sana kayo ng kidlat! Sana maging poor din kayo!"

Naglumpasay na ako sa sahig. Naghalo na ang sipon at luha na hindi ko mapigilan ang paghagulgol sa tindi ng sama ng loob.

"Hija, tama na 'yan..."

Isang malamig na boses ang narinig ko sa likuran at isang kamay na nakapatong sa aking balikat.

Paglingon ko ay nakita ko ang lalaking puti na ang buhok, nakasalamin at nakasuot ng pormal na damit.

Mukha itong kagalang-galang at nakangiti habang nakatingin sa akin.

"Naku, pasensiya na po kayo. Nadala po ako ng galit ko sa mga taong 'yon," sabi ko sabay pahid ng luha gamit ang aking kamay.

Tatayo na sana ako pero inalalayan ako ng matandang lalaki.

"M-Marami pong salamat."

Para akong nahiya bigla dahil ang dungis ko samantalang ang linis-linis nito.

"'Wag ka nang umiyak, hija. Heto ang isang libo. Ibili mo ng gamot ng tatay mo at iba pang pangangailangan."

"Naku, Lolo... hehe bakit po ninyo ako binibigyan nito?"

"Natutuwa lang ako sa iyo. At saka, kailangan mo 'yan."

"Naku, Lolo. Maraming thanks po,"sabi ko at napaiyak habang nagmamano sa matanda.

"Tahan na, hija. Papangit ka kapag umiyak ka pa",natatawang sabi ng matanda.

Nagpaalam na ang matanda, sakay ng kanyang magarang sasakyan.

"Wow, rich pala 'yon, Shera. Ang swerte mo talaga. Ikaw lang ang binigyan, kami hindi."malungkot na sabi ni Kim habang nakatingin sa hawak kung one thousand.

Inabot ko sa kanila ang two hundred na kita ko, para paghati-hatian nila.

Lolo Ed's POV

"Lolo, wala na pong nagbabantay sa mansion natin sa Butuan. Pinagnanakawan tayo ng dati nating katiwala,"salubong sa akin ng isa kong apo.

"Kaya nga, eh. Sana naman makakuha tayo ng isang matapat at mapapagkatiwalaang bantay."

"Ang hirap maghanap ng taong ganoon ngayon, Lolo."

"Oo nga. Pero sana ay makatagpo na ako ng matinong bantay doon."

Nang may bigla akong naalala kaya napangiti ako.

Shera's POV

"Bakit po mabait kayo sa akin? Bakit po pinapakain niyo ako ng libre? Ano po ang dahilan?" sunud-sunod kong tanong sa matanda na nagpakilalang si Mr. Ed Morello.

Binigyan uli ako ng pera at niyayang kumain sa malapit na fastfood restaurant.

"May iaalok sana ako sa iyong trabaho at bago ko sabihin kung ano. Sasabihin ko muna ang sweldo mo. Ten thousand pesos ang take home pay mo at libre ka sa lahat."

"T-Ten thousand pesos? A-Ano pong trabaho?"natatarantang react ko.

"Magbabantay ng aking mansion sa Butuan."

"Po? Ang layo naman. Wala po bang malapit? Pero kung sabagay sa laki ba naman ng sweldo ay papayag ako para sa magulang ko."

"Hindi ka naman mahihirapan doon. Magbabantay at maglilinis-linis ka lang."

"Sige po, Lolo. Payag na po ako. Sure na po 'yan kahit hindi na ako mag-isip."

Perfectionist Vs HousekeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon