Walkie Talkie : Part 1

99 28 0
                                    

"Seiiiiraaaaaaaa!!!!"

Here we go again, tinatawag na naman ako ng malakas na bunganga ng aking best friend.

"What?!" Inis na tugon ko sa kanya.

Sino ba namang hindi maiinis sa kanya, isang dipa lang naman ang layo ng kama namin pero kung maka tawag sya sa pangalan ko, akala mo naman isang kilometro ang layo namin sa isat-isa.

"Look at this!" Bigla syang tumalon sa aking kama at ipinakita sakin ang screen ng cellphone nya. Oh, nanonood lang pala sya ng Tiktok.

May ni-play syang video kung saan dini-demo ng isang babae kung paano gumagana yung tinatawag nyang Walkie Talkie App.

"And?" I ask her nung matapos ang video na pinanood nya sa akin.

"Mag download tayo!" Masayang sagot nya sa akin habang itinataas-baba pa ang kanyang kilay.

Agad naman akong umiling, "No."

"Ikaw talaga napaka kill joy mo!"

"Look Claudine, kung gusto mong i-download yan, mag download ka. Basta ako, ayoko." Patuloy kong pag tangi.

Noon pa man, hindi naman talaga ako interesado sa mga app na wala namang silbi sa cellphone ko at isa pa, pang pasikip lang naman yan ng storage.

"Fine!" Rinig ko ang pag hinga nya ng malalim at bagsak ang balikat nyang bumalik sa kanyang higaan.

"Mag aral ka nalang dyan, kailangan mong mag bawi sa Organization Management, remember mababa ang nakuha mong marka don?" Pag papa alala ko sa kanya.

"Yes mama, whatever." Padabog nyang kinuha ang kanyang laptop kaya napa iling nalang ako.

Si Claudine ay best friend ko na since elementary pa lang, mag kakilala ang mga parents namin kaya madali lang din kaming nag kasundo, kami lang din ang may alam sa problema ng isat-isa. Ngayong Senior High School students na kami pareho, nag decide kami na mag samang tumira sa iisang apartment.

Claudine is already 19 years old while I'm just 17 years old but we're still in the same grade level since late sya pumasok noon. She own this apartment and ever since she's 18 nag decide na syang maging independent habang ako ay lumipat lang dito nung nag start na ang school year para mas makapag concentrate sa online class ko.

Parehas kaming nag o-online class at parehas din kami ng Track na pinili kaya madali lang samin na mag tulungan pag may mga lessons kaming hindi namin ma gets.

"Yehey tapos na mag download!" Nagulat ako ng bigla syang nag salita kaya naman tiningnan ko sya.

Tingnan mo nga talaga 'tong babae na' to, sinabi ko nang mag aral pero pag c-cellphone padin ang inaatupag.

"Claudine!" Pinanlakihan ko sya ng mata at tiningnan ang laptop na.

"Yeah! Don't worry mag aaral ako mamaya, gusto ko lang itry to. Malay mo, dito ko na pala makikita ang lalaking para sa akin."

Dahil sa sinabi nya ay natawa ako, "Siguro gutom ka lang. Gusto mo ng siopao? Yung asado?"

"Grabe ka talaga sakin no? Pag ako naka hanap ng boyfriend, who you ka nalang talaga sakin"

"Ako pa ba ang lolokohin mo? Parehas tayong no boyfriend since birth at alam nating parehas na mataas ang standards natin sa mga lalaki."

Parehas kaming tumawa ng malakas. Bakit nga ba mataas ang standards namin sa mga lalaki? Well... Why not? We derve to have a man that will treat us more than like a expensive diamonds. At kung ang lalaking man liligaw lang naman sa amin ay puro tanong lang ng 'kumain ka na?', 'anong ginagawa mo?', 'busy ka ba?' ay mas mabuti pang tumanda kaming dalaga.

Walkie Talkie:Channel 12.59✔Where stories live. Discover now