Walkie Talkie : Part 2

84 28 0
                                    

"Seira nandyan ka lang pala" Salubong sa akin ni Claudine na nasa pinto na ng balkunahe.

"Ano ka ba, kung maka sigaw ka na naman akala mo wala tayong mga katabing apartment. Nakaka rindi ka." Pag tataray ko sa kanya.

"Sorry naman, akala ko kasi kung saan ka na naman nag punta."

"Oh e bakit mo ba ako tinatawag?"

"Nagugutom na kasi ako, gusto ko ng siopao."

"Yung asado ba?" Pag bibiro ko at agad nyang hinampas ang braso ko.

"Aray ko naman!"

"Tara na nga lang sa 7/11"Pag aaya nya.

"Ililibre mo ko ha." Pag papa alala ko sa kanya. Akala nya ata di ko seseryosohin yung sinabi nya kanina.

"Oo na, basta papagayahin mo ko."

"Oo na." Panggagaya ko sa kanya.

Nakita nyang dinala ko ang laptop ko kaya ganon din ang ginawa nya bago kami lumabas sa apartment namin nang naka pajama at big size t-shirt. Parehas panv naka messy bun ang mga buhok namin. Who cares? Dito sa lugar namin, hindi pakeelamera ang mga tao kaya ayos lang kahit na anong itsura mo.

Binati namin ni Claudine ang mga nakikita naming kaibigan sa ibat-ibang floor na nadadaanan namin. Kalimitan din kasi ng mga naka tira dito ay mga istudyante din, maganda kasi yung kinatatayuan nitong apartment dahil center sya sa lugar namin at malapit lang dito halos lahat ng gusto mong puntahan. Mall, supermarket, schools at kung ano ano pa.

Nung naka pasok na kami sa 7/11ay gad kaming binati ng kaibigan namin ni Timothy, nag tagarabaho sya dito bilang cashier kahit na nag online class sya. Sya ang isa sa pinaka independent na taong naging kakilala ko simula high school ako dahil noon pa man ay sya na ang tumutustos ng mga pangangailangan nya at hindi na talaga sya umaasa sa mga magulang nya.

Pumunta muna kami ni Claudine sa table na palagi naming tinatambayan at kampante naming iniwan ang laptop na dala namin sa table. Kilala na naman din kami dito sa 7/11 ng lahat ng employees at ibang costumer dahil nga sa kadahilanan na halos araw araw din naman kaming nandito para bumili ng pag kain at mag si tambay. Isa pa, wala namang malikot ang kamay dito kaya ayos lang din.

Agad na dumeretsyo si Claudine kung nasaan ang mga siopao samantalang ako ay sa mga drinks dumeretsyo para kumuha ng favorite kong drinks, ang Monster Energy Drink.

Ever since I'm 15, etong monster na ang kinahiligan ko maliban sa Coke.

Kumuha na din ako ng mga favorite kong snacks, mas ginaganahan talaga akong gumawa ng mga school works ko pag may ganitong naka hain sa akin. Nang makuntento na ko ay agad akong dumeretsyo sa counter.

"Si Claudine mag babayad nyan" agad kong sinabi kay Tim.

Tumango naman sya at hinintay si Claudine na may dala-dala nang dalawang siopao at ang kanyang favorite na slurpy.

"Thank you" Sabi ko kay Timothy nang binigay nya na sakin ang binili ko kaya dumeretsyo na agad ako sa table namin.

Binuksan ko ang laptop ko, habang nag loloading ito ay hindi ko maiwasang isipin yung lalaking naka usap ko kanina.

Kinuha ko ang cellphone ko at agad na tinaype sa aking notes ang sinabi nung lalaki sakin kanina.

Chanel 12.59

Sayang at hindi ko agad nakuha ang pangalan nya, bakit kasi napaka pangit ng pagiging epal ni Claudine minsan e.

"Sissy lutang ka ata ah?"Pag agaw nya sa atensyon ko.

Walkie Talkie:Channel 12.59✔Where stories live. Discover now