Walkie Talkie : Part 3

83 27 0
                                    

Nang maka balik na ko sa 7/11 ay agad binigay sa akin ni Claudine ang laptop ko, napansin kong may dala syang mga plastik at nung nakita nya naman na nakatingin ako don ay agad nyang sinagot ang tanong na hindi ko pa nasasabi.

"Talong at Bago-ong, na miss ko na e. Ulam natin ngayong hapunan."

"Yay, I love you na talaga. Na miss ko na din yan!" Excited kong sabi sa kanya.

Nag kwentohan lang kami ng kung ano ano hanggang sa naka rating na din kami sa apartment.

Pinatong ko lang sa table ang mga gamit ko at dumeretsyo na ako sa kusina para mag saing. Alas sais na kaya nag salang na agad ako ng sinaing, habang si Claudine namab ang mag luluto ng ulam namin.

Ganito ang palagi naming ginagawa, lagi kaming hati sa mga gawain since kaming dalawa lanh din naman ang mag kasama at wala na din kaming ibang taong aasahan.

Habang naka simmer na ang sinaing ko ay nag umpisa naman syang mag luto kaya nag linis na muna ako ng katawan ko. Gusto ko mag pahinga ng maaga dahil maaga na naman ang online class namin. Nakaka drain talaga ng energy ang school year na to. Nakaka umay na mag aral pero hindi naman pwedeng sumuko kasi future ko ang naka salalay sa sarili kong desisyon sa buhay.

Pag labas ko ng banyo ay naka handa na sa lamesa ang pag kain naming dalawa kaya agad na kong umupo para kumain.

"Grabe, buti nakita ko to kanina sa labas ng 7/11. Nakaka miss, huling kain ko nito nung nag punta satin si mama sa apartment"

"Ako din!" Masayang tugon ko sa kanya. "Parehas ba nanan tayong dalawang tamad mamalengke kaya asa lang tayo sa mga nag lalako."

Sabay kaming tumawang dalawa at nag patuloy kaming kumain.

"Sis alam mo ba?"

"Hindi pa." Chismis na naman siguro sasabihin nito sakin ngayon.

"1st Death Anniversary ni Rakim Jiovani bukas." Seryosong sabi nya sakin.

Napatingin ako sa kanya, "Rakim Jiovani? Who's he?"

Ngayon ko lang narinig ang pangalan nya pero bakit nung sinabi nya parang kilala ko. Naging malamig na naman ang pakiramdam ko. Ano ba to, hindi naman malamig ah?

"Ano ka ba? Yon yung grade 12 students noon na nakitang patay sa partment nya!"

Kumunot ang noo ko, "Parang hindi ko naman alam yan." Sabi ko sa kanya.

"Ay oo nga pala, hindi ka pa nga pala dito nag sstay noon" Naka kamot sya sa ulo nya.

"Bakit naman sya namatay?" Curious na tanong ko.

Hindi ko alam kung bakit ako curios s kalimitan naman sa mga ganitong bagay sala talaga akong pake bilang respeto na din sa taong namayapa na.

"Hanggang ngayon hindi padin naging malinaw ang pag kamatay nya. Basta ang naririnig ko sa mga kakilala natin, 3 days daw syang hindi lumalabas sa apartment nya at walang ni isang maka contact sa kanya hanggang yung kaibigan nya, nag decide na puntahan sya at don nalang nalaman ng lahat na patay na paka sya a day ago." Paluwanag nya sa akin.

Uminom ako ng tubig at tinitigan sya," What do you mean 'a day ago'?"

"Hindi ba hindi sya nag paramdam kahit kanina nang 3 days, siguro namatay sya nung ikatlong araw. Yung ang pag kaka alam ko."

"Ano namang cause?"

"Hindi padin malinaw, pero pina autopsy sya ng pamilya nya. Hindi na nga lang nila pinaalam sa kahit na kanino ang naging dahilan ng pag kamatay ni Rakim."

"That's creepy."

"And you know what's more creepy? Sa building lang na din na to ang apartment nya."

Walkie Talkie:Channel 12.59✔Where stories live. Discover now