Walkie Talkie : Part 4

79 27 0
                                    

"Claudine gising na!" Gising ko sa best friend kong tulog mantika.

Kanina pa kong six am gising pafa makapag luto ng almusal namin at 7 na ngayon. 8 ang simula ng klase namin kaya kailangan na nyang kumilos kasi makupad pa naman syang gumalaw.

"Wait a second" Sagot nya sa akin.

Mas lalo ko syang niyugyog kasi kanina nya pa yon sinasabi sa akin at hanggang ngayon hindi padin sya bumabangon.

"Bahala ka may test tayo ngayon, hindi ka pa ata nag rereview." Wika ko.

Bigla naman nyang tumayo, "Hala oo nga pala hindi ako nakapag review kagabi!" Agad syang dumeretsyo sa study table nya at binuksan ang laptop nya.

Napailing nalang ako, alam ko na ang mang yayari nito. Hindi na sya pupunta sa kusina nyan para kumain kaya dadalhan ko nalang sya dito sa kwarto.

Lumabas na ko para ipag handa sya ng pag kain nya.

Actually hindi ko din alam kung bakit nagising ako ng maaga pero isa lang ang sure ako, naging masarap ang tulog ko. Hindi ko alam kung bakit basta pakiramdam ko lang ang gaan ng loob ko pag kagising ko.

Ganito yung nararamdaman ko pag kasama ko si mama matulog pero alam kong imposible yon kasi wala naman dito si mama. Basta ang alam ko lang, pakiramdam ko mqy nag babantay sakin buong gabi at safe na safe ako sa kanya.

Napangiti ako na parang tanga. Actually tanga na nga ata ako kasi nag iimagine na ako ng kung ano ano.

Nang maayos ko na ang pag kain ni Claudine ay binigay ko na yon sa kanya. Napailing nalang ako ng basta basta nya nalang iyon sinubo kahit wala man lang syang hilamos at mumog.

Kinuha ko ang cell phone ko at muli na ulit lumabas ng kwarto para ako naman ang maka kain.

Habang nakain ako ay nakita ko nalang na nasa walki talkie ang screen ng cell phone ko. Naka off iyon pero naka display ang 12.59 at dahil wala din naman dito si Claudine, inoon ko iyon at hinintay mag connect sa channel na yon habang kumakain ako.

Naka dalawang try lang ata ako bago lumabas anv word na connected.

Hindi ako nag salita dahil inaasahan ko na si Raji ang unang mag sasalita at hindi naman ako nabigo.

"Good morning Seira" Bati nya sa akin.

Napangiti ako, ewan ko ba basta ang gaan talaga ng loob ko pag sya ang kausap ko.

"Good morning Mr. Genius." bungad ko naman sa kanya.

As usual tumawa na naman sya, "Raji ang pangalan ko."

"Why? Cool naman yung Genius word para sayo no."

"Cool pakinggan pero nakaka pagod din kung iisipin."

Humina ang boses nya at narinig ko na naman ang pag hinga nya ng malalim.

"Naranasan mo na bang maging problemado?" Out of knower, bigla nya akong tinanong.

"Hmm madaming beses na din" sagot ko.

"Ano naman ang madalas mong nagiging problema?"

"Kalimitan talaga sa pamilya ko, akala ng lahat perfect ang pamilya namin. May kaya kasi kami at sa mata ng lahat masaya at healthy yung pag sasama namin sa isat-isa pero ang hindi nila alam, madilim at mapuot ang naging buhay ko kasama sila."

Dati sobrang sensitive na topic nito sa akin at tanging kay Claudine ko lang talaga ito na kukwento pero hindi ko alam kung paano ako nag kalakas ng loob na mag kwento kay Raji kahit na hindi ko pa naman sya nakikilala sa personal.

Walkie Talkie:Channel 12.59✔Where stories live. Discover now