04 #Missing You

2.6K 88 4
                                    

Nakahiga ako sa couch ngayon at nagmumuni-muni. Wala akong maisip sa gawin. Tinawagan ako kanina ni Gino at niyayayang lumabas kaya lang tinatamad ako at wala ko sa mood para mag lakwatsya.

Narinig kong bumukas yung gate kaya agad akong napatayo at pumunta doon.








"Oh pare kumusta? Okay na ba yung pakiramdam mo?"








Sigh.. Sana pala hindi na lang ako nagsinungaling sakanya na may sakit ako dahil pupuntahan niya rin pala ako.









"Okay na ko. Pasok.








"Bakit parang na dissapoint ka ata nung ako yung nakita mo. May inaasahan ka bang bisita?"









"Wala."









Bumalik na ako sa couch at pinaglaruan ko na lang yung phone ko.








"Hindi mo man lang ba ako aalukin ng inumin?"









"Feel at home ka naman dito kaya bakit ko yun gagawin?"










"Haist! Ikaw nga talaga si Red."









Tumayo na siya at pumunta sa kusina.









"Hay! wala ka man lang bang beer dito? Anong klaseng ref to."









S*ra ulo talaga to' ang aga aga beer ang hinahanap.









"Pre kilala mo ba si Aaliyah Fitzgerald?"









Nahinto ako sa paglalaro ko at napatingin ako sakanya. Papalapit siya sakin dala ang isang baso ng orange juice.










"What about her?"










Ayoko sanang itanong yun dahil wala naman akong pakielam sakanya pero dahil nasabi niya na rin itatanong ko na.










"Girlfriend mo ba siya?"









Awtomatikong nagsalubong ang dalawa kong kilay dahil sa sinabi niya.










"Nakita ko lang sa facebook."










Nakita sa facebook?? at confident pa talaga siyang sabihin yun sakin. G*go talaga tong Gino na to.









"Ano bang nakita mo?"










"Nakita ko yung profile niya tapos maliban sa nanay at tatay niya ikaw lang yung friend niya. Tapos yung mga status niya palagi ka pang naka tag. Anong ibig sabihin nun?"










"Hindi kami nung eng-eng na yun. Tignan mo nga yung kilos niya, parang takas sa mental tapos masyadong inosente. Hindi marunong magluto, hindi marunong umuwi mag-isa, walang ka alam alam sa mga bagong uso, tapos Twitter lang hindi pa niya alam. Yung facebook nga niya bagong gawa lang din. Ewan ko ba, matalino naman siya pero parang bobo kung mag-isip minsan."









"Nasan na siya ngayon?"









"Aba malay ko sa eng-eng na yun. Hanapan ba ako ng nawawalang baliw? malamang binalik na yun sa mental dahil malalala na. Saan na nga ba yun? Sa Mariveles Bataan?"










HashTag: Medyo Badboy (Completed)Where stories live. Discover now