45 #Epilogue

1.5K 31 5
                                    

After 4 years..

"Welcome tosa Ninoy Aquino International Airport"

Iminulat ko ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ng stewardess mula sa microphone. This is it. Almost five years din akong nawala at namiss ko talaga dito sa Pilipinas.

"Cheska!"

Mula sa di kalayuan ay natanaw ko na sina nanay at tatay Tisoy. May hawak silang maliit na banner at naka sulat doon ang welcome home Cheska.
Natutuwa ako sakanila kasi nag effort pa talaga sila para lang sunduin ako dito.
Ngumiti ako at saka naglakad palapit sakanila. Nagmano ako saka nila ako niyakap pareho.

"Mooooooommy!"

Biglang may batang tumatakbo at sinalubong ang mama niya na padating.

Ngumiti ako nang makita ko silang nagyakapan.

"Wala kang pinagbago hija." Sabi ni nanay Tisay.

"Ano bang sinasabi mo jan mahal? Lalo nga siyang gumanda eh." Sagot naman ni tatay Tisoy sakanya.

"Oo nga hija, mas lalo ka pa nga yatang gumanda at kuminis ang balat mo sa Paris."

"Talaga po? Salamat po." Sagot ko naman sakanila saka ngumiti. Wala parin silang pinagbago dahil sweet parin sila sa isa't isa kagaya nung una ko silang makilala.

"Aba tara na hija at ipagluluto ka ng masarap ng nanay Tisay mo."

Tinulungan nila akong buhatin ang mga bagahe ko saka na kami sumakay sa kotse. Habang nasa byahe kami ay ipinikit ko muna ang mga mata ko para magpahinga. I'll be staying here for three months para lang sa launching ng business namin then babalik na ako sa Paris.

"Anak ano bang gusto mong kainin?"

"Kahit ano pong lutuin nyo kakainin ko." Tinignan ko si nanay Tisay at ngiting ngiti sya.

Bigla ko tuloy namiss sina nanay. Kumusta na kaya sila? Ying pag aaral ni Kiko, naka graduate na kaya siya? Si Chin chin kaya nakakapag aral na?

Sa tingin ko naman nasa mabuting kalagayan na sila ngayon.

*4 years ago*

"Kung hindi ka sasama sa akin magiging miserable ang buhay nilang lahat Francheska--"

"Anong gagawin mo sakanila? Papahirapan mo sila? Hindi mo sila titigilan? Ipapahanap mo kask kahit saan kami magpunta?"

"Hindi mangyayari ang lahat ng iniisip mo kung sasama ka sakin anak."

"Huwag mo akong tawaginh anak."

"Anak kita kaya tatawagin kitang anak ko! Hindi mo alam kung gaano kasakit sakin nang mawala si Aaliyah. Nagsisisi talaga ako kung bakit hindi ko naiparamdam sakanya na mahal na mahal ko siya, na kaya nilalayo ko ang loob ko sakanya ay dahil takot akong masaktan sa pagkawala niya. Nagsisisi ako kung bakit hindi ko ginawa yun sakanya, kaya nang mamatay siya ipinangako ko sakanya na hahanapin kita at ipaparamdam ko sayo ang pagmamahal ng isang ina."

"Pwede nyo namang gawin yun kahit hindi ako sumama sainyo, masaya ako dito. Masaya akong kasama ko sila."

"Masaya? Masaya ka ba sa paghihirap na dinadanas ni Ester at ng mga anak niya? Masaya ka ba na kasama ang manlolokong lalaking yun?"

"Wag nyo naman silang pagsalitaan ng masama. Hindi sila--"

"Kilalang kilala ko sila. Si Ester, itinakas ka niya at pinaniwala ka niya na siya ang tunay mong ina at ang lalaking sinamahan mo ay isang babaero, sugarol at lider ng isang malaking sindikato sa bansa."

HashTag: Medyo Badboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon