19 #I Love You Version 2.0

1K 39 9
                                    

"At sino naman kaya yun?" Tanong ni Cheska sa sarili habang pabalik na siya sa kwarto ng kapatid niya. Hindi siya pamilyar sa taong yun at ngayon niya lang ito nakita.

Baka naman tatay ni Kiko?? Yun agad ang pumasok sa isip niya. Maputi kasi si Kiko at tisoy na tisoy, yun nga lang nabilad sa araw kaya medyo nag iba ang kulay, pero kahit na ganun ay mahahalata mo parin ang pagka tisoy nito.

"Ate! Ang tagal mo gising na si Chin chin."

Nawala lahat ang iniisip niya ng tawagin siya ng kapatid niya mula sa tapat ng pintuan.

###

"Mr. Fitzgerald?"

Agad na napalingon kay Red ang lalaking tinawag niya. Hindi niya inaasahan na ngayon ito darating, ang buong akala niya sa susunod na araw pa ang dating nito.

"Red. How are you?" Lumapit ito sakanya saka siya kinamayan.

"I'm fine sir. How was your trip? I thought you will be here the next day?"

"I'm fine. I went here after I receive your call, I worried too much when I found out about her condition. Thanks for telling me Red."

"Don't mention it sir. Shall we go upstairs?" Sumakay na sila ng elavatpr papunta sa kwarto ni Aaliyah.

"I thought I saw her a while ago on the elevator?"

"You did? Who's woth her? Is it nanay Tisay?"

"No, I don't think she's with someone."

"Oh really? But she can't walk on her own."

"But I saw her. I even call her name and she looked up."

"Really?" Hindi makapaniwala si Red dahil alam niya na hindi naman lalabas si Aaliyah at kung bababa man ito ay malamang kasama niya sina nanay Tisay. Naisip niya na baka namamalikmata lang ito dahil sobrang namiss niya ang anak niya.

Pagdating nila sa floor kung nasaan ang kwarto ni Aaliyah ay naunang pumasok si Red.

"Hi!" Bati niya dito. Ngumiti naman ito sakanya at parang may hinahanap ito sa likuran niya. "Sorry wala yung ice cream cake na gusto mo. May naka bangga kasing bata sakin kanina kaya nalaglag at nahulog sa sahig."

"Ah ganun ba, okay lang yun hayaan mo na."

Ngumiti ito pero halata parin sa mga mata niya ang lungkot, hindi dahil sa pagka dismaya kindi dahil siguro sa puyat at pagod na nararamdaman nito. Kahit hindi niya sabihin ay mababakas sa mga mata niya ang pagod, hirap at sakit na nararamdaman niya.

Na guilty tuloy si Red dahil dito. Nabanggit kasi niya dito na meron siyang alam na ice cream parlor na nagbebenta ng special ice cream cake na manggo flavor, alam niyang paborito ni Aaliyah ang mangga kaya nangako ito na bibilhan niya ito, kaya lang wrong timing naman dahil natapon ang dala niyang cake.

"Huwag ka ng malungkot, may bisita ka naman."

Bumukas ang pintuan at pumasok ang Daddy niya. Hindi alam ni Aaliyah kung ano ang magiging reaksyon niya sa muli nilang pagkikitang mag ama. Kailan ba siya huling bumalik sa Paris? Hindi niya na rin yun matandaan at kung makita man niya ang ama ay sa skype lang kaya naiyak siya sa tuwa nang makita itong nasa harapan niya.

"Dad.."

Lumapit sakanya ang ama niya saka siya niyakap nito.

"Aalis muna ako."

Pagpapaalam ni Red kay Aaliyah. Gusto niyang bigyan ng quality time ng dalawa dahil matagl din silang hindi nagkita. Tumango si Aaliyah saka ito nagpasalamat sakanya bago siya tuluyang umalis.

HashTag: Medyo Badboy (Completed)Where stories live. Discover now