29 #Ikaw by Yeng♥

522 24 0
                                    

A/N: Lulubos lubusin ko na ang pag a-update ehehe total alam ko naman na mabibitin din kayo at baka mejo matagalan pa ang next update.😂😂Oh siya! Enjoy!


"Iska paki kumpleto naman tong order."

Kinuha ni Cheska yung resibo na iniabot sakanya ng cashier saka niya ito inayos.

It's ben three weeks simula nung nahimatay siya sa trabaho niya at ngayon ay okay na siya. Isa pa nag boluntaryo siya na mag pang gabi na lang dahil baka hindi niya kayanin ang init sa hapon. Isa din kasi yun sa dahilan kung bakit siya hinimatay, dahil sa sobrang init.

"Kumpleto na lahat Archie, ako ba ang mag dedeliver?"

"Oo, nanjan yung address sa resibo."

Tinignan ni Cheska ang resibo at nakita niya na pangalan ng hotel ang pag dedeliveran niya Flirt Hotel ang pangalan nito.

"Ah sige, mauna na ako." Kinuha niya na ang pizza at pasta saka niya ito inilagay sa motor niya. Nagsuot na rin siya ng helmet saka na ito umalis.

First time niyang mag deliver sa isang hotel, madalas kasi sa mga bahay bahay siya nag dedeliver at kung minsan naman sa opisina.

Pagdating niya sa destinasyon ay tinignan niya ng relo at nakita niyng may sampung minuto pa siya para maihatid ito sa oras kaya agad niyang kinuha ang mga order at nagpunta siya sa may information.

"Pizza delivery po sa room 574."

"Ah sige sandali lang." May dinial ang babae sa telepono saka siya sinabihan na umakyat na sa itaas. Sumakay siya ng elevator paakyat sa room na sinabi sakanya ng receptionist.

"570.. 571.. 572.. 573.. 574!" Pagdating niya doon ay kakatok na sana siya nang may marinig siyang mga ungol ng babae. Bigla siyang kinilabutan sa narinig niya at nagdalawang isip na kumatok. "Makaka istorbo ba ako sakanila kapag kumatok ako??" Ibinaba niya ang kamay niya na handa na sanang kumatok. "Kaya lang patay ako kapag hindi ito umabot sa oras." Tinignan niya ang relo at dalawang minuto na lamang ang natitira sa promise time kaya hindi na siya nagdalawang isip pa at kumatok na siya.

"Pizza delivery po!" Naka rinig siya ng pag yabag saka niya inayos ang dala niyang Pizza. Pagbukas ng pinto ay may sumilip na babae sa pintuan. Siguro walang kahit na anong suot ang babaeng to' kaya siya nagtatago sa pintuan. Nasabi na laang ni Cheska sa isip niya.

"Oh can you do me a favor? paki lagay na lang dun sa mesa yung order namin wala kasi akong suot na damit eh."

Tsss. Sinasabi ko na nga ba. Pumasok si Cheska sa loob at inilapag ang dalang pizza sa mesa nandoon din ang bayad ng babae sakanya.

"Sayo na yung sukli jan. Babe magc cr lang ako ha." Paalam ng babae sa kasama niyang lalake.

"Slamat po." Paalis na sana siya pero hindi mapigilan ng mga chismosa niyang mata ang tumingin sa lalaking kasama ng babae. Nag umpisa ang tingin niya sa paa na natatakpan ng kumot hanggang sa bewang at tumambay ang paningin niya sa six pack abs ng lalaki. Jusme ang hot naman pala ng kasama ng babaeng yun. Kumusta naman kaya amg mukha? Baka naman katawan lang ang yummy. Inangat nito ang paningin sa mukha ng lalaki at laking gulat niya nang makilala ito. "Red.." bulong niya sa sarili.

"Babe ready na uli ak--teka, bakit nandito ka pa?" Awtomatikong napa tingin siya sa babae na lumabas ng cr.

"Ah pasensya na po mam. Yung po kasing sukli niyo."

"Duh! Sinabi ko na diba? Keep the change. Lumabas ka na nga doon. Nakaka istorbo ka sa amin eh."

"Pasensya na po. Maraming salamat." Habang palabas siya ng kwarto ay hindi niya parin ma alis ang tingin sa lalake. Pinag bagsakan naman siya ng pinto ng babae paglabas niya.

HashTag: Medyo Badboy (Completed)Where stories live. Discover now