Chapter XXV

202 40 6
                                    

Una sa lahat gusto kong humingi nang patawad sa inyong lahat. I'm so sorry po for being an irresponsible author. Matagal akong nawala sa Wattpad huhuness. Para maka bawi sa inyo, I'll update hehe. Peace sana senyo.

XXV

Sa isang space kung saan ang iba't ibang klase nang kayamanan ay makikita, mayroong dalawang Cultivator na makikitang kasalukuyang naka upo at payapang umiinom ng tsaa.

Magaan ang atmospera at walang tensiyon ang umaaligid sa hangin habang tahimik na nagtsa tsaa ang dalawa.

Ang tahimik na kapaligiran ay nabasag nung biglang nagsalita si Master Revien, Oo tama si Master Revien, ang tumatawag sa kaniyang sarili na isang Black Phoenix sa Grandmist Realm.

"Bata malapit nang magsimula ang pagsusulit, hindi kaba maghahanda? " Malumanay na tanong nito kay Winn na siyang tahimik na humihigop nang tsaa.

Tinignan nang bata ang kaharap at inilagay muna sa mesa ang hawak hawak na tsaa bago sumagot

"Nais ko sana ngunit may mas importante akong gagawin kesa sa paghahanda para lang sa isang pagsusulit!"

Mahinang tumawa si Master Revien dahil sa tinuran nang bata na kaniyang kaharap, di man sabihin ni Winn kung ano ang kaniyang gagawin alam niyang pupunta ito sa bahay amponan at mag donate nang kakaunting salapi para sa mga bata.

"Master Revien, may nais lamang akong hilngin sa iyo, kung maaari sana" naka ngiting saad ni Winn sa kaharap.

Ngumiwi si Master Revien dahil sa narinig, alam niya kung ano ang hihilingin nang bata at hindi niya maiwasang di mapangiwi dahil dito.

Alam niyang hihingi nang ilang gintong salapi si Winn sakaniya, kahit ma kaunti lamang ang hihinhingin ni Winn ay di niya parin mapigilang mapangiwi.

Siya ang klase nang taong pinapahalagahan ng malaki ang kayamanan, lalong lalo na sa salapi.

Matapos ang ilang ilang saglit na pag ngiwi, bumuntong hininga si Master Revien at nagsalita.

"Bata, hindi naman ata tamang sa akin ka humihingi nang salapi para sa iyong kagustuhang tumulong. Nais mong tumulong sa mga batang walang tahanan ngunit sa akin ka naman humihingi nang pangbibigay mo. Kung ating pagsusumahin parang ako ang tumulong sa kanila at hindi ikaw, para lamang ika'y aking inuutusan upang mag bigay ng tulong sakanila. Gusto mong tumulong?! Ede sige pero bago muna yan, isipin mo muna kung meron kabang kayang itulong.

... Tandaan mo itong mabuti Winn, ang pagtulong ay nasa gawa hindi sa salita't plano lamang. Kailangan mong kumilos, hindi yung purong salita at plano ka lamang"

Sa sinabing ito ni Master Revien, bahagyang natigilan si Winn. Napagtanto niyang tama ang sinabi ng lalaki at napagtanto niyang meroon itong mas malalim na nais ipahiwatig, hindi malinaw sakaniya ang mas malalim na nais ipahiwatig mi Master Revien ngunit alam ni Winn na balang araw malalaman niya din ang ibig sabihin nito.

Sandaling natahimik si Winn bago bumuntong hininga at napayuko "Tama ka Master, Kailangan kong paghirapan ang salaping dapat kong itulong sa mga batang walang tahanan at Pamilya" naka yukong saad nito, bakas sa kaniyang boses ang pagka malumanay.


"Ngunit naalala ko master, meron nga pala akong maraming kayamanan upang ipa convert sa ginto kaya sa ngayon di ko muna kailangang maghirap para maka tulong"



When The Moon Is Red, Blood Will Shed (Completed)Where stories live. Discover now