Chapter XV

307 49 4
                                    

XV:She's Here!!!

THUD!!!

Nagkaroon nang isang mahinang pagyanig sa lupa nang bumagsak ang katawan ng Dragon King Lion na si Cleon.

Mapapansing wala na ang ulo nito, naputol kung baga. Makikita din sa mukha, ekspresiyon at mata nito ang takot. Na para bang nakita nito ang kaniyang kinatatakutang tao sa buong mundo.

Kaharap nito ay isang batang mayroong hawak-hawak na espada, ang espaday makikitaan nang dugo. Kulay ginintuan, dugo nang Dragon King Lion.

Kung iyong titigan ang bata, makikita mong pagod-na-pagod ito na para bang galing ito sa isang training, bukod pa dito ay makikita ang pamumutla nang mga labi. Ang aurang nilalabas nang bata ay mararamdamang unti-unting humihina.


At hindi nagtagal ay bigla na lamang napa-higa si Winn. Hindi nito alam ngunit sobrang pagod nang kaniyang katawan.



Nawala ang dating nakaka-takot na Winn at napalitan ito ng isang mahina at kayang patayin ng isang atake lamang.


Habang sa labas naman ng kweba, halos lahat ng mga Spirit Beast ay naka-hinga ng maluwag, hindi na nila kailangan pang magtago dahil tumigil na ang pagyanig ng lupa at ang nakaka-takot na aura.


Unti-unting bumabalik sa dati ang sitwasiyon ng buong Kagubatan. Lahat ng mga Spirit Beast ay nagbalik na sa kanilang mga Lungga at nagpahinga.



Kailangan nilang ipahinga ang kanilang mga puso't isipan dahil sa mga nararamdamang kakaiba kama-kailan lamang.


*****



Sa isang partikular na lugar na naka-balot ng Yelo isang bata na may edad sampo ang makikita, mapapansin ang mga kulay Sky Blue na aura ang pumapalibot dito.


Kasalukuyan itong naka-upo at naka-pikit mata habang ang pilit na kinukontrol ang kaniyang pag-hinga.


Kung iyong pagmasdan, makikita mo ang isang kulay maputlang asul ang unti-unting gumagapang galing sa kaniyang mga paa. Ang maputlang asul na ito ay Yelo. Oo Yelo.



Kahit na mayroong gumagapang na Yelo sa kaniyang paa, hindi ito naka-ramdam ng kahit na anong ginaw o kahit anong negatibong pakiramdam, sa halip ay mas naging komportable ang bata sa Yelong gumagapang sa kaniyang katawan.



Nang umabot na sa leeg nito ang Yelo, bigla na lamang binukas ng bata ang kaniyang mga mata sabay Wika: "Isang Taon... Isang taon na lamang"



*****

Sa Kontinenteng Zen, mayroong iba't ibang klaseng Forbidden Areas na siyang nagbubukas lamang sa tinakda nitong oras, araw o taon.


Ang mga Forbidden Areas ang sinasabing pinaka-mapanganib na lugar sa buong Zen Continent at kabilang na dito ang "Abyss of Demon Land"

Ang Abyss of Demon Land ay nagbubukas lamang ng isang beses sa limang taon.


Ngunit kataka-takang mayroong isang kakaibang Phenomena ang nangyayari dito. Ngayong taon ay hindi pa ang opisyal na pagbubukas ng Abyss of Demon Land, mayroon pang natitirang dalawang taon upang itoy mag bukas ulit.


Sa loob ng Abyss of Demon Land, kung saan nanggaling ang kakaibang Phenomena na makikita sa labas. Makikita ang isang nilalang na mayroong magarang kasuotan, mayroon itong gintong roba, gwapong pagmumukha at matipunong katawan ngunit iyong mararamdaman ang kakulangan dito ng Life Force.


Ang Life force ay isang palatandaan na buhay ang isang nilalang o hindi.


Ang lalaking mayroong gintong roba ay hindi maipagkakailang hindi tao, isa itong puppet. Oo tama isang puppet.



Sa Kontinenteng Zen, maraming propesiyon ang nalimutan na nang panahon at isa na dto ang mga Puppet Master.



Pero nakakapagtataka kung bakit mayroon pang isang Puppet ang makikita sa loob ng Abyss.



***


Sa harapan ng isang lalaking puppet makikita ang isang batang mayroong edad na hindi nalalayo sa Sampo. Kasalukuyan itong naka-upo habang naka-pikit ang mga mata at napapalibutan ng kakaibang mga ilaw.


Paiba-iba ang aurang lumalabas sa katawan nito, minsan maging marahas, minsan maging mapayapa at minsan ay magiging mabangis.



Sa gilid nang batang ito ay makikita ang mga pigura nang iba't ibang klase ng Demonyo. Tama mga Demonyo.



Ang mga Demonyong ito ay isa-isang naglalaho at sumasanib sa katawan ng batang mayroong sobrang itim na buhok na para bang isang kalawakan.




Kada-sanib ng pigura ng Demonyo sa Katawan nitoy lumalakas ang aura ng bata, ngunit ang antas at ranggo nito ay nanatili lamang sa dati nitong aura. At hindi man lang kakitaan ng pagtaas o pag break through.



Maka-lipas ang isang oras, lahat ng mga pigura ng Demonyo na nasa bawat gilid ng bata ay sumanib na sa katawan nito.



Ngunit nanatili paring naka-pikit ang bata na para bang wala itong balak na ibukas ang mga mata nito.



"2nd! Ilagay mo ang bata sa Hellfire realm" tawag ng lalaking mayroong gintong roba.


Di nagtagal ay mayroong isang naka-Silver na Roba ang lumitaw sa kaniyang giliran at ginamitan nang enerhiya ang bata upang lumutang.


Ang tinatawag na 2nd nung lalaking mayroong gintong roba ay kamangha-manghang isa ring puppet.


****


Samantala sa loob ng isang kweba, mayroong isang batang naka-higa. Makikitang naka-pikit ang mga mata nito habang ang paghinga nito'y normal lamang.



Tama, si Winn ito. Sa kasalukuyan ay nawalan nang malay si Winn dahil sa masiyadong pag-gamit nang enerhiya.


Dahil sa nawalan nang malay si Winn hindi nito napansin ang isang pigura ang unti-unting lumitaw sa may ulohan nito. Naka-ngiti ito ng matamis habang naka-tingin sa batang kasalukuyang walang malay.



Matapos ang sandaling pagtitig nito ay bigla nalang itong umiling sabay Wika "Hindi talaga ako nagkamali...." at bigla na lamang nawala na oara bang hindi ito lumitaw dito.


.....


Sa isang space na puno nang kadiliman, makikita ang isang bata. Mayroon itong berdeng mata at dilaw na buhok. Tumitingin-tingin ito sa paligid habang mayroong nagtatakang ekspresiyon sa mukha.


Tila ba wala siyang ideya kung nasan siya at kung ano ang kaniyang ginagawa sa isang space na purong kadiliman.



Humakbang si Winn patungo sa kung saan ngunit agad itong natigil nang mayroon siyang naramdamang presensiya. Agad na naging alerto si Winn at hinanda ang kaniyang sarili sa kung ano man ang magaganap na masama.



"Hindi mona kailangang maging tensiyonado sa aking presensiya Winn Crane" sabi ng isang tinig babae.


Liningon ni Winn ang kinaroroonan ng isang tinig na bumanggit nang kanuyang pangalan at isang magandang babae ang lumitaw sa kaniyang paningin.


Sobrang pamilyar sa kay Winn ang babae ngunit hindi lamang niya maalala kung sino ito! Kaya naman hinalungkay ni Winn ang kaniyang utak at ng bigla na lamang pumasok sa kaniyang utak ang pangalan ng babae ay napa-tulala siya ng saglit.


Tinutukan nito ang babae sabay wika;




"IKAW?"

When The Moon Is Red, Blood Will Shed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon