CHAPTER 5

932 25 0
                                    

KINABUKASAN, maagang nakapagbihis si Reeve ng uniporme dahil ang sabi ni Herbert na gustong magshopping ni Lyiane sa araw na iyun. Makikita na naman niya ang taong pinaka ayaw niyang makita sa mansyon.

Diretso siyang nagtungo sa kwarto nito at kumatok ng pangatlong beses. Yeah that's one of the rules. Ilang segundo lang ay bumukas ang pinto at lumantad sa harapan niya si Lyiane na halatang kagagaling lng maligo. Suot nito ang light pink bath robe.

"Ohh Reeve. Ikaw na pala yan." abot taingang ngiti nito sa kanya. "Pasok."

"Ma'am Lyiane, I'm not allowed to enter your room. That's one of the rules."

Sumandal ito sa may pintuan habang nakangiti paring nakatitig sa kanya.

"You look hot wearing suit, Reeve." she said as she bites her lower lip.

Napalunok si Reeve, hindi niya alam kung bakit naaapektuhan siya whenever she bites her lip. Agad na nag iwas siya ng tingin.

"Maghihintay nalang ako dito."

"Oh c'mon Reeve, I insist. It's not your first time to come inside anyway. I have my own rules too."

At walang sabing hinila siya papasok pagkatapos ay agad nitong nilock ang pinto. Now they're both standing so close near the door and she smells so good. Halos naging kabisado na niya ang amoy nito.

"Pwede ko itong isumbong sa Dad mo."

Naglakad ito papalapit sa kama kung saan nandoon nakalatag ang mga damit nito.

"Go ahead, Reeve. Pwede rin naman kitang gawan ng masamang storya sa Dad ko." natatawang sabi nito.

Napatiim-bagang siya sa galit habang nakatingin dito nang magsimula nitong hubarin ang roba para magsuot ng damit. Automatikong tumalikod si Reeve at tahimik na nakaharap lamang sa pintuan. Narinig niya ang mahinang pagtawa nito.

"You know Reeve, you're free to watch."

Tahimik parin siya habang hinihintay itong matapos nang magsalita ito ulit.

"I need help Reeve. Close the zipper at my back"

Tukoy nito sa suot nitong floral light yellow sundress.

"C'mon Reeve, di ko maabot." parang naglalambing na sabi nito.

Napipilitang lumapit siya dito at maingat na sinarado ang zipper sa likod. Her bra is white. Of course makikita niya iyun.

"Done?"

Di namalayan ni Reeve na bahagya pala siyang natulala pagkatapos. Wtf?

He cleared his throat bago nagsalita. "Yes done."

Lumingon ito sa kanya at matamis na ngumiti. "Thanks Reeve." Then she took her purse from the bed.

HABANG nasa biyahe papuntang mall, nakakabingi ang katahimikan kaya si Lyiane na ang unang nagsalita.

"Saan ka natutong magdrive?" tanong niya habang tahimik itong nagdadrive at di inaalis ang mga mata sa daan.

"May dalawang kotse noon si itay. Pinagpraktisan ko sa tuwing umaalis siya at madaling araw na umuuwi. Nang matutunan ko yun kahit papano, Nagtrabaho ako bilang drayber ng taxi nung nagsimula kaming maghirap."

Kwento nito habang seryoso parin ang mukha at di tumitingin sa kanya.

"Hmm I see." Medyo nasiyahan siya na nagshare rin ito kahit konti tungkol sa nakaraan. And she wish to know more about him.

PAGOD si Reeve sa kasusunod kay Lyiane sa mall habang abala ito sa pamimili ng kung anu-anong damit at accessories. Binilhan narin ni Lyiane ng damit si Reeve kahit tinatanggihan siya nito ng paulit-ulit. Halos di na mabilang ni Reeve kung ilang paper bags ang ipinasok niya sa van dahil di na niya kayang bitbitin lahat.

"DO YOU have a cell phone?" tanong ni Lyiane kay Reeve habang kumakain sila sa medyo mamahaling restaurant.

"Bakit?" napatigil ito sa pagkain at takang napatingin sa kanya.

"I'll save my number in case of emergency."

"Ok." at inilabas nito ang keypad phone nito.

"Wait wait. You don't have smartphone??" di makapaniwalang sabi niya .

"Wala. ito lang. Nakakatawag at text naman ito."

"Geez. I'll just buy u one." at nagpatuloy na siya sa pagkain para makalabas na sila agad dun.

"Lyiane pwede ba, wag mong sinasayang ang pera ng papa mo."

"No I'm not cause gagamitin mo naman."

"May cellphone nga ako." matiim na sabi na parang nauubusan na ng pasensya.

"Meron nga pero di naman yan nakakatanggap ng pictures!"

"Aanhin ko yung pictures??"

"Magsesend ako ng pictures minsan just in case of emergency!"

"Huh??"

"Oh just shut up Reeve. Wag na tayong mag away. Ubusin mo na yang pagkain mo."

Napailing na lamang ito at kumain ulit. And just after that , diretso silang nagpunta ng Cellphone shop at ito na ang pinapili niya ng phone dahil ayaw nito sa suggestion niyang iphone. Pinili nito ang pinakamurang smartphone sa shop.

"Geez Reeve. iphone 11 is so much better than android made from China."

Pinili nito ang mumurahing vivo sa shop.

"I'll pay for this Lyiane pag may sweldo na ako." matiim nitong sabi at di maipinta ang mukha.

"Reeve kahit wag na."

"I insist." At pinagbuksan na siya nito ng pinto para pumasok sa van.

(Next chapter)

Addicting Secret - COMPLETEDWhere stories live. Discover now