CHAPTER 9

939 28 0
                                    

Nang makababa na si Lyiane, agad na hinanap niya kung nasaan si Reeve.

"Magandang umaga Ma'am Lyiane" bati ni Aling Celing sa kanya ng makita siya nito.

"Si Reeve po, nasaan?"

"Nasa kusina Ma'am, kumakain ng almusal."

"Okay po, thanks!" at diretsong nagpunta sa kusina.

Nakita niya itong kumakain sa mesa habang kasama nito ang nakatalikod nilang Chef na si Montano na nagluluto. Di pansin ng mga ito na nasa labas siya ng pinto.

"Masarap ba?" Tanong niya dito habang umiinom ito at di sinasadyang maibuga nito ang ininom na juice at kasabay ang pag ubo na parang nahihirapan itong huminga.

"Oh Reeve! Dahan-dahan lang!" agad na saklolo ng chef nila at hinihimas ito sa likod.

Napatawa lamang siya sa reaksyon nito habang kunot-noong nakatingin ito sa kanya at umuubo parin.

"Ahmm sorry" nakangisi niyang sabi .

Tumingin sa kanya si Chef Montano ng marinig siya nito.

"Ma'am Lyiane Good morning ! gising ka na pala. Anong gusto mong breakfast?"

Abot tainga na tanong ng Chef sa kanya. He's like a 2nd father to her. At masarap itong magluto. Best chef na nakilala niya. Masyadong inispoiled din siya nito sa pagkain. Good thing hindi siya tumataba.

"Tito Mon, I miss eating cereals." at umupo siya sa harapan ni Reeve.

Tito ang tawag niya sa kanilang Chef dahil close friend ito ng Dad niya kaya parang parte na din ito ng pamilya.

"Haha You really love cereals" natatawang sabi nito.

"Kahit tumanda ako tito, kakain parin ako ng cereals"

Biro niya dito pagkatapos binalik ang tingin kay Reeve na nag iwas ulit ng tingin. Tahimik lang ito habang nagpatuloy kumain pero alam niyang tinititigan siya nito pag kay Tito Mon siya nakatingin.

"Here's your frosties cereal with fresh milk, then your favorite fruit mangoes. By the way they're sweet! And of course your favorite apple juice!"

Chef Montano served it on the table as if she's eating in a restaurant dahil sa pagiging pormal nito at the same time nakakatuwa.

"Anything you wanna add to your breakfast Ma'am Lyiane?" ngiting tanong nito.

"Nope. Thanks tito." ngiting sagot din niya. "But ahmm, can you prepare some foods for the picnic? Me and Reeve will go out later."

Napatingin si Reeve sa kanya pagkatapos niyang sinabi iyun. Biglaan kasing pumasok sa isip niya ang mag picnic. She miss doing it. At least now, may kasama na rin siya. Last time she went out for picnic , buhay pa ang mom niya.

"Oh, is it a date?" tudyo ng Chef sa kanilang dalawa.

"Parang ganun na po tito." kinikilig niyang sabi.

Napailing lamang si Reeve habang nasa plato nakatuon ang mga mata at patapos ng kumain.

"Reeve , just wear casual later."

"Ok." sagot nito at tumayo para iligpit ang pinagkainan. Pagkatapos ay tahimik na lumabas sa kusina.

"Tito , ang sungit talaga nun!"

Tumatawa lamang ang Chef nila habang ang atensyon nito ay nasa pagluluto parin.

"May gusto ka ba talaga dun?" seryosong tanong nito.

"Di ko alam tito." maingat niyang sagot, baka magsumbong pa to sa Dad niya.

"Bagay naman kayo." di inaasahang komento nito. "Kaso Lyiane, Di siya yung tipo ng Dad mo."

Napabuntong hininga siya habang kumakain ng cereals.

"I know tito.."

Kinahaponan napili ni Lyiane ang magpicnic sa park pero may parte dun na malayo sa maraming tao. Masayang inilatag niya sa may bermuda grass na nandoon ang lahat na dinala nila. At nagsimula silang kumain habang tanaw ang lake na nasa harapan nila. Tahimik parin si Reeve habang nakatingin sa malayo kaya siya na ang unang bumasag ng katahimikan.

"You know, ilang beses ko ng nakita ang ama mo noon. Pero bakit ganun? Mukhang pangit naman siya. Malayo sa hitsura mo."

Pagak na napatawa ito sa sinabi niya pagkatapos ay tumingin sa kanya.

"Siguro nagmana lang ako kay Mama."

"She must be pretty."

"She's beautiful." proud nitong sabi.

"Like me?" pacute niyang tanong.

Napailing ito habang natatawa . "Nah , she's more beautiful than you."

Naiinis na hinampas niya ito sa braso habang nakasimangot. Balewala naman nito ang paghampas niya at tumatawa lamang.

"Sana nagsinungaling ka nalang! KJ nito. " inirapan niya ito.

Di na ito nagsalita pero nakangisi parin habang kumakain. That's a first. Ngayon lang niya ito nakitang masaya habang kasama siya. This is a good progress. Wait, why am I hoping for some progress?? Tanong niya sa sarili.

"Wala kang kapatid?" Tanong ni Reeve sa kanya.

"Obviously. Kaya nga napakaboring sa bahay. Eh ikaw?"

"May kapatid akong babae. She's 13 yrs old.."

Napansin niya ang pag iba ng boses nito. Nang tingnan niya ito, naging malungkot ulit ang mukha nito.

"And..?" dugtong niya , hoping for more information about her.

"Napilitan tumigil sa pag aaral."

"Oh.. " ramdam niya ang kalungkutan nito. It made her realize a lot of things like how lucky she is being rich. Habang ito ay parang pasan ang mundo.

"Reeve.."

"Hmm?" at lumingon sa kanya.

"Sorry for being bitchy sometimes. Nasanay lang ako na nakukuha ang gusto ko. And ahm.." she paused for a bit and looked at him. Seryoso naman itong naghintay sa sasabihin niya. "And I like you!" she finally confessed.

Tahimik parin itong nakatitig sa kanya. His face is blank. Di niya alam kung ano ang nararamdaman o iniisip nito. Geez. Her heart is beating fast and it's her first time to confess dahil siya ang hinahabol sa school hindi siya.

"R-Reeve..?"

Sa wakas ay nagbaba na ito ng tingin at napakamot sa batok.

"Lyiane. Mas mabuting kalimutan mo nalang yan. Mawawala rin yan." sabi nito na di tumitingin sa kanya.

Ouch. She got rejected. First Confession and First Rejection. Pakiramdam niya parang may bumara sa lalamunan niya at di niya inaasahang masakit pala yung mabasted. Umasa pa naman din siya na may gusto rin ito sa kanya. Sabagay, siya lang naman ang naghahabol.

Di na nagsalita si Lyiane at pinili nalang ang manahimik hanggang sa nakauwi sila ng mansyon. When she's back to her bedroom, doon na niya inilabas yung sama ng loob at umiyak siya hanggang sa mapagod.

💌 To be continued.. 💌

Addicting Secret - COMPLETEDKde žijí příběhy. Začni objevovat