skater boy

12 2 0
                                    

skater boy

It's Saturday.

Tapos na ang mga exam at ilang events sa school tulad ng College Conference at Play ng Theater Club. Magfe-february na at ang sunod kong kailangang asikasuhin ay ang mga requirements para sa university at ang magreview para sa entrance exam. Final na ang desisyon ko na sa De Leon University mag-aral. My exam schedule is on February 9, which is another Saturday two weeks from today.

Matapos maglaba at maglinis ng bahay ngayong araw, naggala ako mag-isa sa mall para makapag-isip-isip. Bumili ako ng planner at ilang art materials. Iniisip ko kung ano ang ireregalo ko kay Eli para sa birthday niya.

I'm not going to be grand about it. I'm also not going to make a surprise event for him. Baka mag-away pa kami. Pero gusto ko siyang bigyan ng regalo na tatatak sa puso't isipan niya.

Maswerte namang nadaan ako sa isang board shop. And boom! Nagkaroon ako bigla ng idea. So... bumili ako ng isang plane skateboard. Bumalik ako sa art supply store store para bumili ng pintura at spray paint.

I try to browse some skateboard designs in the internet while walking home. I have some ideas, but I'm not yet sure if I'm gonna do it. Binisita ko rin ang timeline ni Eli para tumingin ng mga art style na madalas niyang i-post. He likes street arts, that's all I can say.

Pagdating sa bahay, nagulat ako nang makita ang isang pamilyar na sapatos sa pinto. Napaatras tuloy ako ulit para umikot at sa likod ng bahay pumasok. Sa ganitong paraan, makakapunta ako ng kwarto nang hindi kinakailangang dumaan ng sala. Most likely he'll be in the living room. Iniiwasan ko lang na makita niya ang mga binili ko. Hindi man lang kasi nagte-text na pupunta.

Maingat at mabilis naman akong pumasok at pumanhik sa aking kwarto. Itinago ko sa ilalim ng kama ang lahat ng binili ko. Just in case. Tapos lumabas din ako agad ng kwarto.

"Saan ka galing?" tanong niya nang makita ako. "Papasok ka na kanina, bakit umikot ka pa?"

"Wala lang," sagot ko. Tinaasan niya ako ng kilay at sinimangutan ko lang siya.

Iniwan ko muna siya saglit para pumunta ng kusina at uminom ng tubig. Hiningal ako bigla e. Naabutan ko si Mama na nagluluto habang nagsusulat. She does it, sometimes. Multi-tasking. At kapag magsusulat si Mama ng isang story, sa notebook muna bago niya i-type.

"What are you writing about, Ma?" I ask.

"I'm writing a short love story. I'm given an opportunity to write a short story for an anthology," nakangiting sabi ni Mama.

"Oh, congrats!" sabi ko at pasimpleng tinignan ang sinusulat niya. Though I haven't fully grasped the context of the story, I'm lucky enough to get the names of the characters: Celestine and Matthew.

Nabasa ko na ang apat na libro na isinulat ni Mama, pero wala ni isa roon ang love story nilang dalawa ni Papa. Minsan kong tinanong si Mama tungkol do'n at kahit si Papa ay naghihintay din na isulat daw ni Mama ang tungkol sa love story nila. Proud na proud lagi si Papa kapag kinukwento niya na siya ang pinili ni Mama e. Pero walang balak si Mama na isulat 'yon. She always says that their love story is just between them—and me.

Bumalik ako sa sala para kay Eli at nakitang nando'n na rin si Papa. Tahimik ko siyang tinabihan. Habang nanonood, paminsan-minsan ay susulyap ako sa kaniya. Wala siyang reklamo, pero nararamdaman kong nagpipigil lang siya. Maya-maya ay sinamahan na kami ni Mama na manood.

Pagkatapos ng movie na pinapanood namin, kumain kami ng meryenda. Nung uuwi na si Eli, nagpapabebe siya sa akin, tinatanong kung saan ako galing kanina. Nagsabi naman ako ng totoo.

ClichéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon