new friend

47 8 10
                                    

new friend

Paglabas ko ng convenience store, eksaktong padaan din si Anna. Napatingin siya sa'kin, ngumiti lang nang tipid para i-acknowledge ako, tapos nagtuloy-tuloy na siya paliko.

Si Annareese Rivero ay kaklase slash pinakamatalino sa klase (para sa akin) slash kapitbahay, pero 'di kaibigan at 'di ka-close slash 'di kaaway.

3rd year nang maging kaklase ko siya. Transferee siya at kahit alam kong magkapitbahay lang kami, as in magkatabi lang ang bahay, hindi ko siya nagawang kaibiganin. May nauna e, pero nagpapansinan kami kapag may group projects.

"Anna!" tawag ko at sinabayan siya sa paglalakad.

Tumingin siya sa'kin sabay tango tapos katahimikan. Well, okay lang naman. Alam kong tahimik lang siyang tao. Para siyang si Margarette. Sa totoo lang din, iyon ang dahilan kung bakit gusto ko siyang maging kaibigan.

Tahimik siya. Intimidating, pero at least hindi bitch. Kaso nung first day of school, may nauna nang makipagkaibigan sa kaniya. Syempre iyon na ang naging circle of friends niya. Tapos huli na nang malaman ko na sila pala ang bagong lipat sa tabi ng bahay namin.

"Uy, may gagawin ka ba?" tanong ko. Napa-oops ako sa isip dahil hindi ko alam kung anong ginagawa ko.

Why am I suddenly being friendly?

"Wala naman," sagot niya.

"Review tayo," pa-cool kong sabi sabay taas nung plastic ng mga pinamili ko. Kunwari kalmado, pero ang totoo ay kinakabahan ako sa isasagot niya.

Nagulat ako nang ngumiti siya sabay sabing okay. Kinikilig tuloy ako. Muntik ko pa ngang malaglag ang mga binili ko dahil sa excitement.

Ito na nga ang exciting na part...

Pagdating sa bahay, naabutan ko si Mama na nanonood ng TV. Pinakilala ko si Anna sa kaniya, medyo nasorpresa pa ako dahil kilala niya na pala si Anna. Madalas daw kasi silang magkausap ng Mama ni Anna kaya alam niyang kaklase ko ito.

"Nasa'n si Daryl? Bakit 'di ninyo kasama magreview?" nagtatakang tanong ni Mama.

"May sariling buhay siya ngayon," sagot ko.

Natawa si Mama. "Gusto niyo bang magluto ako ng pagkain?"

Pupunta na sana siya ng kusina, pero pinigilan ko siya. Hinawakan ko siya sa balikat at iginiya para maupo muli sa sofa.

"May pagkain na kami," nakangiti kong sabi at ipinakita ang plast. "Relax ka na lang muna, Ma."

Pinalo ako ni Mama sa pwet na parang bata tapos lumingon siya kay Anna at ngumiti.

"Sabihan niyo lang ako kapag nagugutom na kayo ha."

"Sige po," sabay naming sagot ni Anna.

Hinila ko na si Anna papunta sa aking kwarto. Pagbukas ko ng pinto, inabangan ko kung anong magiging reaction niya. Ewan ko rin kung ano ang ine-expect ko.

"Ikaw pa lang nakakakita sa kwarto ko," sabi ko. "Kahit si Daryl hindi pa nakakapasok dito."

"Well... sorry na lang sa kaniya dahil naunahan ko siya," nakangiti niyang sabi at ibinaba ang bag niya sa lapag.

ClichéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon