meaningful talk

2 0 0
                                    

meaningful talk

My classes today are pretty uneventful except the last subject. May pa-surprise quiz bigla ang prof namin sa Architectural Design. Ewan ko nga kung ano ang nakain ng prof ko. Madalas nagdi-dismiss na siya ng klase 30 minutes o isang oras bago ang mismong uwian, pero ngayon ay nagpa-quiz siya.

I managed to still get a good score, even if it's a surprise.

"Wow! Ang taas ng score ah," sabi ni Nathan. Siya ang nag-check ng papel ko.

"Anong score mo, Elirine?" tanong ni Christian at sinilip ang papel ko. "35... Ang galing ah. 31 lang ako e," malungkot niyang dagdag.

"Mataas na rin 'yon," komento ko.

Para sa 40-item quiz, hindi na ako madi-disappoint kung makakuha ako ng 31. Mataas na 'yon. Kung makakuha siguro ako ng score kalahati ng items sa exam, doon ako magsisimulang kabahan. Mapapatanong na ako sa sarili ko kung ano ba ang ginagawa ko sa buhay.

But I really like Christian on a normal day except when we have a quiz. Badtrip ako sa kaniya lagi pagkatapos ng quiz dahil lagi niyang pinagkukumpara ang score namin.

I guess, he's just really the type who likes to excel on everything.

Mabuti na lang ay humupa na ang usapin tungkol sa quiz nang magsimulang lumabas ng room ang ilan sa mga kaklase ko para umuwi. Hinintay naman ako ni Pia, Shiela at Jeremiah sa labas ng room. Nang naglalakad na kami pababa, medyo expecting ako na hinihintay ako ni Eli.

Ang ganda ng usapan namin kanina na magde-date kami pagkatapos ng klase kaso mukhang naagawan na naman ako ng kaibigan niya.

At hindi nga ako nagkamali.

Nang magtext ako kung nasaan na siya ay hindi raw siya makakasabay umuwi. Inaya siya ng kaklaseng si Pocholo na pumunta sa isang frat party.

Simpleng party lang naman daw iyon para maghikayat ng mga freshmen na sumali. Pinagbigyan lang daw niya ang kaibigan dahil matagal na siyang pinipilit na pumunta sa party na 'yon.

Minsan na niyang nabanggit sa akin ang tungkol sa balak ng mga kaibigan niya na sumali sa fraternity. Hindi niya sinabi kung may balak siyang sumali, pero wala naman sa akin kung gusto niya nga talagang sumali.

Isa pa, wala naman akong dapat ipag-alala dahil kasama niya rin si Kevin. Si Kevin ang tipo ng kaibigan na mapagkakatiwalaan sa mga bagay-bagay e, kaya panatag ang kalooban ko sa pagpunta nila sa party na 'yon. Kung sakaling magkagulo sa party, alam kong hindi pababayaan ni Kevin si Eli.

At dahil walang Eli, sumama ako sa mga kaibigan ko na gumala. This is actually the first time. Kung ano-ano ang madalas kong palusot sa kanila kapag nag-aaya silang maggala kapag hindi ko kasabay umuwi si Eli dahil tinatamad ako.

Kami kami lang naman na Team Taguig. Pumunta kami sa isang malapit na mall sa university. Naunang maglakad sina Pia at Shiela, at nakasunod naman kaming dalawa ni Jeremiah. Nagtitingin-tingin lang kami sa ngayon at nagpa-plano kung ano ang magandang gawin, tapos bahala na kung ano ang makakuha ng atensyon namin.

“Bakit pala hindi mo kasama boyfriend mo?" tanong ni Jeremiah.

“Ahh... May pupuntahan siyang party, It's for boy's only," natatawa kong dagdag.

“Ahh... At least for boy's only," natatawa niya ring sabi.

“Right... Alam mo kahit sabihin ko sa sarili ko na okay lang kahit mag-party siya at makasalamuha siya ng ibang mga babae, mas gusto ko pa rin na wala," pag-amin ko.

“Normal lang naman na maramdaman mo 'yon. Gano'n din naman nararamdaman niya, 'di ba?" sabi niya at saglit na lumingon sa akin. "Ang mahalaga, hindi niyo naman talaga nililimitahan ang isa't isa para makakilala at makipag-interact pa sa ibang tao."

Tipid akong ngumiti. Ang sarap kausap ni Jeremiah, sa totoo lang. Somehow, he reminds me of Daryl. Seryoso, kalmado, at simpleng tao. Wala siyang kaarte-arte sa katawan at malinis tignan. Ang pagkakaiba lang nila, mas gentle makipag-usap si Jeremiah at hindi siya sarkastiko.

No offense, Da. Bestfriend pa rin kita.

“Guys, gusto niyo dito kumain?" tanong ni Pia, nakaturo sa isang Japanese Restaurant.

Sabay kaming tumango ni Jeremiah. Wala naman silang paligoy-ligoy at dito na napagpasiyahang kumain. Pagkatapos mag-order, nagpicture-picture muna kami.

"Ano gagawin natin pagtapos kumain?" tanong ni Pia.

"Ice skating tayo," suggestion ni Shiela.

"Tara!!! Hindi tayo natuloy nung nakaraan kasi hindi nakasama si Elirine," sabi ni Pia.

"Sorry na," sabi ko at nag-peace sign. "Tara sa ice skating pagkatapos kumain. Wala namang pasok bukas e."

Tumingin silang dalawa kay Jeremiah, naghihintay ng sagot niya. Mukhang tutol siya sa ice skating.

Pabiro ko namang sinabi, “ sasama rin' yan si Jeremiah."

"Oo nga. Anyway, wala naman siyang magagawa," sabi ni Shiela.

Natawa naman kaming dalawa ni Pia. Maya-maya ay dumating na ang aming order. Walang usap-usap at nagsimula agad kaming kumain.

We were silent for quite some time, then we started talking about my facebook friends, because Pia asked why I have so little. Then I didn't know what happened, but somehow we ended up talking deeply about the internet and social media. How instead of bringing people closer together, people seems to even grow apart.

It was a meaningful talk with them. Ang ending, hindi na natuloy ang plano naming mag-ice skating dahil sa haba ng pag-uusap namin.

🎞🎞🎞


Pagkauwi ko sa bahay, nag-aya naman sina Mama at Papa na kumain sa labas. Well, it's pay day. Gusto kaming i-treat ni Papa for dinner. Nagsabi akong nag-dinner na ako kaya dessert na lang ang sa akin.

Pagdating namin sa mall ay nanood muna kami ng bandang tumutugtog bago nag-isip kung saan kakain. It's nice being out with my family again and it's nice going out when it's pay day. Maraming sale.

Inuudyukan nga ni Mama si Papa na bumili ng mga bagong gamit sa kusina dahil may nakita siyang sale. Go naman din agad si Papa. Kahit ako ay nate-tempt magpabili ng kung ano-anong bagay, pero nanghihinayang din dahil alam ko namang hindi ko talaga magagamit ang mga 'yon. It's not really necessary, just something that's eye-catching.

So iyon na nga, namili muna sila bago talaga kami pumunta sa isang restaurant para kumain. Kinumusta naman ni Papa ang araw ko habang kumakain. Nagtanong siya tungkol sa mga kasama kong mag-dinner ngayong araw. Kilala naman na nila sina Pia, Shiela at Jeremiah dahil na-meet na nila ang tatlo noong pageant. Alam din nilang silang tatlo ang kasabay kong umuwi kapag hindi ko kasama si Eli.

"Kumusta naman si Daryl?" tanong ni Mama. "Baka nakakalimutan mo na siyang kumustahin."

"Hindi naman po," mabilis kong sagot. Tapos napaisip agad ako kung na-chat ko ba siya ngayong araw. Lately, hindi ko na masyadong nakaka-chat si Da.

"Namiss ko rin tuloy si Daryl," sabi ni Papa. "But in a way, it still feels like Daryl is here. Right, Eli?"

Sabay kaming natawa ni Papa. Si Mama naman ay binigyan lang kami ng makahulugang tingin.

Tama naman si Papa.

In a normal day, if we go out and eat dinner with Daryl, he would be quiet and he would only respond when we ask him a question or react when he finds something funny. Ang taas pa ng standard no'n, kahit ako hirap mapatawa 'yon.

"Alam ko na, Pa, tawagan ko siya..." sabi ko.

Sinubukan kong i-video call si Da. Sa pagkakaalam ko naman ay gising siya ng mga ganitong oras, pero naka-tatlong tawag na ako ay hindi pa rin niya sinasagot.

"Hayaan mo na, baka may ginagawa," sabi ni Papa. "Let's just take a picture and send it to him. Tell him I miss him."

I smile. Then I ask a favor from the waiter to take a picture of us. I send it right away to Da.

Elirine Jane:
Miss ka na namin Da. ❤

ClichéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon