someday

7 1 0
                                    

someday

Kagabi lang ako nag-chat kina Margarette at Anna para mapag-usapan namin ang tungkol sa planong gala, tapos pagkagising ko ngayong umaga, may nai-set na silang date at napagdesisyunan na nila kung saan nila gustong pumunta.

Tinawagan ko agad si Anna para tanungin ang buong detalye ng napag-usapan nila kagabi. Nakatulog na kasi ako. Sinusubukan ko ring tawagan si Margatette, pero hindi sumasagot. Tulog pa yata.

"Good morning, girl!" bati ko.

"Good morning, Eli. Tinulugan mo naman kami kagabi," natatawa niyang sabi.

Natawa rin ako. "Sorry, sorry. Partida ako pa ang nagsimula sa pagpaplano kagabi ah."

"Right, but it's okay. Margarette wants to do it by next week because her academic year will start third week of May. I am okay with it. June pa naman start ng klase ko. How about you?"

"It's okay for me, too!" medyo excited kong sabi.

"And it's going to be in Vigan," dagdag niya.

"Nice... mukhang mapapatagal pa ang plano mo na magpunta tayo sa Cebu," sabi ko.

"Kaya nga e..." medyo nanghihinayang niyang sabi. Nung nag-iisip pa lang kami ng mga lugar na gusto naming puntahan, Cebu ang sinuggest niya.

"Pero okay lang 'yan, Anna. Someday, we're gonna get there."

"Yeah... And by the way, about your concern regarding who we are going with, my Mom will come with us on the trip, but she will let us do our own thing."

"Really?

"Yes. She's going there to spend some alone time. Margarette will be coming with her bodyguard, Kuya Carlos."

"Oh... nae-excite na tuloy ako."

"Yeah, me, too! Papayagan ka naman, Eli, 'di ba?"

"Oo naman. Papayagan ako niyan."

"We'll also come to pick you up. Just in case, para alam talaga nila Tita na kasama si Mama."

"Wow! You are so ready, Anna!"

"Syempre," natatawa niyang sabi.

"Then, we're all ready!" masaya kong sabi.

We ended the call after a little chat. Sakto namang nagising sina Mama at Papa. Sinabi ko naman sa kanila ang plano habang kumakain kami ng almusal, na itong darating na Sabado ang alis namin papuntang Vigan. Limang araw ang aming bakasyon.

Tulad ng sinabi ni Papa sa akin noong nakaraan, kapag pumayag si Mama ay papayag din siya. Si Mama naman ay mukhang may pagdududa pa, pero pumayag din siya. Sinabi kong susunduin mismo ako nila Anna at Mama niya dito kaya siguro nakumbinsi siya.

Pagkatapos kumain, pumunta ako sa sala para manood ng balita sa umaga. Si Mama at Papa naman ay abala sa pag-aayos. Papasok si Papa sa trabaho at si Mama naman ay tinutulungan si Papa. Maya-maya biglang lumapit si Papa sa akin at inabutan ako ng isang envelope.

Kinapa-kapa ko muna iyon bago napangiti nang malawak dahil nahuhulaan ko na kung para sa'n iyon.

"I can't give you your card and passbook yet because you're not yet 18, so this will do for now," nakangiting sabi ni Papa at niyakap ako. "Happy birthday bunso."

"Thank you, Pa and Ma." Pasimple ko namang binuksan ang envelope at sinilip kung magkano ang laman. Napa-ooh ako. First time nila akong bigyan ng ganito kalaking pera. Ang dami ko na magagawa at mabibili sa halaga na 'to.

ClichéWhere stories live. Discover now