CHAPTER 42: Ang Tatlong Prinsipe

382 24 0
                                    

Chapter 42
[Ang Tatlong Prinsipe]

Elmia's P.O.V

PABAGSAK akong pinaupo ng dalawang kawal na may hawak sa akin sa marmol ng sahig kaya agad sumakit ang tuhod ko dahil tumama ito dito.

Nasa harap ko ngayon si Zephir na nakaupo ngayon sa kaniyang trono. Sa likod ko naman ay si Prinsipe Eros at yung Emir.

"Oh? Anong meron dyan?" Bagot na tanong ni Zephir na napasulyap pa sa akin.

"Kamahalan, nagtangka pong tumakas ang babaeng ito. Mabuti na lamang ay nahuli siya kanina ni Prinsipe Eros." Saad ng isang kawal sa kaliwa ko.

Dahan dahang tumayo si Zephir. "Eros," pagtawag niya.

Nakita kong umabante paharap si Prinisipe Eros at yumuko bilang paggalang sa kaniyang amang Hari. "Ama," sambit niya.  Nakaramdam ako ng matinding kaba.

"Anong ginagawa mo at nakatakas ang walang silbing babaeng ito? Hindi mo ba alam na pwedeng nakasagap ng mga impormasyon ‘yan dito at baka magsumbong sa mga amo niya doon Valeria?" Seryosong sabi ng kaniyang ama.

Nakita ko ang paglunok ni Prinsipe Eros bago nag angat ng tingin kay Zephir. "Pasensya na, Ama. Lumabas ako saglit kagabi at pagbalik ko sa aking silid ay napansin ko agad na wala siya, kaya agad kong hinanap. Nakita pa ako ni Pinunong Emir kagabi na lumabas. Pero sinabi kong hayop ang huhulihin ko para hindi na siya mangamba at gusto kong ako ang mismong humuli sa babaeng ito." Paliwanag ni Prinsipe.

Nagtaas ng kilay si Zephir. Napasulyap siya sa akin bago bumaling kay Emir. "Totoo ba ang sinasabi ni Eros, Emir?"

Tumango si Emir at yumuko. "Opo, Mahal na Hari." Magalang na sagot nito.

Naningkit ang mata ni Zephir ng tumingin siyang muli kay Eros. "Lumabas ka kagabi, Tama ba?" Pag uulit niya sa sinabi ni Prinsipe Eros kanina.

Tumango siya. "Opo, Ama." Sagot niya.

"Bakit hindi naman kita napansing lumabas kagabi?" Tanong pa ni Zephir.

"Hindi ko naman po kailangang magpapansin sa inyo kapag lalabas ako. Ama." Seryosong sagot ni Prinsipe Eros.

Gusto kong matawa ng malakas sa sagot ni Prinsipe Eros kay Zephir pero pinanatili ko nalang manahimik.

Yumuko ako para mapigilang matawa.

Saglit na natahimik ng seryosong titigan ni Zephir ang anak niya.

"Sige, ama babalik na ako sa aking silid." Hinawakan ni Prinsipe Eros ang braso ko para alalayang tumayo. "Dadalhin ko na din itong babaeng ito--"

"Hindi." Putol ni Zephir. Natigilan si Prinsipe Eros ganon na din ako. Napatingin kaming pareho sa kaniya.

Kumunot ang noo ni Prinsipe Eros. "Pero--"

"Dadalhin ‘yang babaeng iyan sa totoong kulungan at hindi sa iyong silid, dahil hindi mo nababantayan ng mabuti at nagagawang makatakas. Isa pa, hindi ka tumupad sa usapan natin nung una. Kaya ngayon, hindi mo madadala ang babaeng iyan." Seryosong sambit niya. Bumilis ang tibok ng puso ko sa takot.

Tumalikod siya sa amin at muling umupo sa kaniyang trono at prenteng umupo roon. Tinitigan niya ako saka ngumisi.

"Huwag mong sinasamantala ang kabaitan ko ngayon, Eros. Alam mo ang kaya kong gawin.." mariin niyang sabi saka biglang ngumisi ulit.

Naramdaman ko ang unti unting pagkalas ng hawak sa akin ni Prinisipe Eros. Tinitigan niya ako at palihim na tumango.

Napayuko ako at napalunok.

When I Enter His WorldOnde histórias criam vida. Descubra agora