CHAPTER 46: Kwintas

398 26 0
                                    

Chapter 46
[Kwintas]

Elmia's P.O.V

NAPAHAWAK ako sa dibdib ko dahil sa mabilis pa ring tibok ng puso ko. Halos hindi ako nakatulog kakaisip sa ginawa niya kagabi.

Nanatili pa rin akong nakahiga. Nilingon ko ang cloak niyang nahihigaan ko na ngayon dahil nakabalot ito sa akin kagabi.

Napahawak ako sa labi ko. Ang tanga ko... "Ano bang mga pinagsasabi ko sa kaniya?" Pinupok ko ang ulo ko. "Tanga, Mia! Tanga..."

Napailing ako.

Lasing ako kagabi. Tama, kunyari wala nalang akong naaalala.

Napabuga ako ng hangin. Halos mapatalon ako sa gulat ng may kumatok sa maliit na pinto.

"Mia..." Boses ni Prinsipe Leon. Nakahinga ako ng maluwag. Napabangon na ako at inayos ang buhok.

Napatikhim ako ng makitang pumasok siya. "Magandang umaga!" Nakangiting bati niya.

Pilit akong ngumiti. "M-Magandang umaga rin, Prinsipe Leon.."

"Maayos na ba ang pakiramdam mo? Marami daw kayong nainom kagabi sabi nila Simon," aniya. Napakurap kurap ako saka agad na tumango.

"Tama! Marami kaming nainom kagabi...kaya...di ko na alam ang mga nangyari." Napahawak ako sa ulo ko. "Medyo masakit pa nga konti ang ulo ko.."

Nakita ko ang biglang pag-alala niya. "Ganoon ba? Gusto mo ba munang magpahinga o kakain ka na? Naghanda pa sila Eva ng umagahan.." aniya. Tatanggi na sana ako at alam kong makikita ko si Rafael pero hindi nakikisama ang tiyan ko.

"S-Sige...kakain na din ako." Sabi ko saka tumayo na.

Nakita kong napatingin siya sa higaan ko. Kumunot ang noo niya. Nilingon ko iyon at nakita kong nakita niya ang cloak ni Rafael. Nanlaki ang mga mata ko. "Kay Rafael ba ‘yon?"

Tumalikod ako sa kaniya at mariing napapikit. Kinuha ko ang cloak. "Huh? Ata? H-Hindi ko alam bakit napunta dito...baka pinahiram niya sa akin kagabi, h-hindi ko na kasi matandaan." Napalunok ako saka hinarap sa kaniya.

Tumango tango nalang siya. "Sige, tara na.." saka siya ngumiti at tumalikod na sa akin para mauna nang lumabas. Tumango ako at hinagis muli ang cloak ni Rafael sa kama.

Muli kong inayos ang buhok at ang itsura ko bago lumabas ng kwarto. Napapikit pa ako sa liwanag. Pumuno sa tainga ko ang ingay ng mga tao at ang natural na ingay ng dagat at mga ibon.

"Uy! Elmia gising ka na pala. Pasensya na nakatulog na ako kagabi." Sabi ni Simon ng makita ako. Ngumiti ako. "Ayos lang.."

"Tara kumain, naghanda ang asawa ko." Saka niya ako hinila papunta sa mas mahabang mesa kung saan nakaupo na silang lahat.

Sa pinakagitna si Kapitan. Sa kaliwa niya ay si Eva sa tabi naman ni Eva ay walang nakaupo dahil para siguro kay Simon ‘yon. Sa tabi naman non ay si Tierra at sa tabi niya ay si....Rafael na nakatingin na sa akin ngayon.

Sa kanan naman ni Kapitan ay si Isda na katabi ni Aso. Katabi naman niya si Prinsipe Eros, may isang space sa tabi niya at sa dulo no'n si Prinsipe Leon.

"Gising na si Elmia!" Sigaw ni Simon sa tabi ko dahilan para mapatingin silang lahat sa akin.

"Mia, halika na dito!" Pagtawag sa akin ni Prinisipe Leon.

Tumango ako. Pumunta na rin si Simon sa tabi ng asawa niya. Umupo na rin ako sa gitna ni Prinsipe Eros at Prinsipe Leon.

"Magandang umaga, Elmia.." nakangiting bati sa akin ni Prinisipe Eros pagkaupo ko.

When I Enter His WorldWhere stories live. Discover now