CHAPTER 56: Pinaglalaban

301 21 1
                                    

Chapter 56
[Pinaglalaban]

Elmia's P.O.V

"HINDI...hindi ako aalis...hindi ako lalayo.."

Hindi ko alam kung kaya kong panindigan ang sinabi kong ito. Natatakot ako sa pagdating ng oras na hindi ko ito magawa. Hindi ako taga rito at hindi ko alam kung dito na ba talaga ako habang buhay o hiram lamang ang mga sandaling ito.

Pero...sa ngayon? Gusto ko munang manatili sa tabi niya.

Ilang sandali pa kaming nanatiling magkayakap ng humiwalay siya, pero hindi pa rin nagbabago ang distansya naming dalawa, nanatili pa rin itong malapit at magkadikit. Yumuko siya para mas matitigan ako. Kinulong niya pa ang magkabilang pisngi ko ng maiinit niyang mga kamay. Dahan dahan siyang lumapit at pinagdikit ang mga noo namin. Pumikit siya.

Bahagya akong ngumiti habang pinagmamasdan siya. Kahit madilim ang paligid ay nakikita ko pa rin ng mabuti ang mukha niya dahil sa liwanag ng buwan. Halata mo doon ang kampante at saya kahit nakapikit siya. Dahan dahan din akong pumikit habang bahagyang nakatingala sa kaniya dahil hawak niya ang magkabilang pisngi ko.

Maya maya ay naramdaman ko ang malamig niyang labi sa labi ko. Tumakbo ng mabilis ang puso ko.

Marahan lang ang mga halik niya bago ako tumugon. Dahan dahan kong inilagay ang dalawang kamay sa batok niya saka ko sinusuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko doon.

Naramdaman ko ang pag ihip ng hangin na dumampi sa mga balat namin. Pero nanlalaban ang init ng nararamdaman ko sa lamig na dulot ng hangin ngayon.

Habang ang isa'y nasa buhok niya. Ang isang kamay ko naman ay ipinadaan ko sa tainga niya papunta sa pisngi. Saka ko binaba sa panga niya. Marahan kong hinaplos iyon lalo na ng mas tinagilid niya ang ulo niya para mas mahalikan ako.

Rinig na rinig rin ang mabilis na tibok ng puso ko kasabay ng tunog ng agos ng tubig sa ilog sa ibaba ng tinatapakan namin ngayon, isama pa ang mga ingay ng sanga sa mga puno sa paligid namin na tila nakikisaya sa nararamdaman ko ngayon.

"Palagi mong tandaan na mahal kita, Mia. Kaya huwag mo kong iiwan.." mahinang sabi niya sa pagitan ng mga halik.

"Mmm.." sagot ko nalang. Naramdaman ko ang pagngiti niya. Mula sa pisngi ko ay bumaba ang kamay niya leeg ko.

Pakiramdam ko'y ligtas ako sa mga oras na ito at sa mga darating pa dahil sa binibigay niyang marahang hawak sa akin at sa bawat patak ng kanyang mga halik.

Nang pareho kaming tumigil ay binuksan ko ang mga mata. Agad nagtama ang paningin naming dalawa.

Binasa niya ang kaniyang labi gamit ang dila saka bumaba ang tingin sa labi ko. Muling umangat ang paningin niya sa mga mata ko. Tinitigan niya ako saka siya ngumiti. Ibinaba niya ang isang kamay para ilagay yon sa bewang ko para mas hapitin ako palapit sa kaniya. Ang isang kamay ay naiwan sa leeg ko na inaakyat niya sa pisngi ko na marahang hinahaplos niya.

"Dito ka lang sa'kin.." bulong niya. Mas lumalim ang boses.

Tumango tango ako saka ngumiti.

Pinalipas namin ang oras habang nagku-kwentuhan ng kung ano anong bagay. Nakwento niya rin ang mga napagdaanan niya nung bata siya, simula ng mawala ang totoong nanay niya.

"Ikaw? Bakit noong una nating pagkikita hindi mo ako kilala? Saka bakit nandon ka?" Tanong niya. Natigilan ako. Napalunok.

Magkaharap kami ngayong habang naka indian sit sa malamig na sahig ng sementadong bridge.

"E-Ewan ko.." sagot ko.

Kumunot ang noo niya. "Anong klaseng sagot 'yan?" Taas kilay niyang tanong.

When I Enter His WorldWhere stories live. Discover now