Chapter XLVIII (Unedited)

36 2 0
                                    

Chapter XLVIII (Unedited)

Jerimiah's POV

Mabilis naming hinarang ang kapatid kong nagalalakd papunta kay Lex dahil sa totoo lang hindi ko na ramdam ang presensiya ni Lex sa katawan niya.

Maski ako ay kinikilabutan pero kailangan kong ilagtas ang kapatid ko. Mabilis na hinawakan ni Jessica si Gina at nag laho papunta sa tabi ni Blue.

Malamig akong tinignan ni Lex at nag lakad papalapit sa akin at nagulat ako ng binalot ng yelo ito. Sinundan ko ang pinagmulan nito at nakita ko si Blue na nakahawak sa lupa.

"Nangako akong pipigilan kita Lex," umubo si Blue ng Dugo at saka tumayo. "Ito na yun." Dahan dahang sinarado ni Blue ang mga kamay niya pero nagulat ito ng mabilis na nabasag ang yelo.

"Sa tingin mo kakayanin mo ako mortal." Narinig kong wika ni Lex at tumilapon si Blue sa pader sa harap ko.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko na para bang na statwa dahil sa takot. Dahan dahan itong nag lakad papunta sa Headmaster.

Sa isang hampas ni Lex sa nakabalot na yelo sa headmaster at Leo ay nawasak ito ng walang ka hirap hirap.

Mabilis ako tumakbo sa harap ni Lex dahil alam kong ang pakay nito ay si Leo. "H-hindi ka pwede lumapit." Na ngangatog kong wika.

"Nakita ko ang kakayahan ng Warlock na yan at hindi siya pwedeng mabuhay." Napapikit ito. "Sigurado akong magiging problema siya sa pag balik   ng bansa namin na sa sinira niyong mga mortal." Malamig nitong wika.

Sinuntok ako nito ng malakas pero hindi ako ang padala at lumaban din sa kanya. Bawat pag lapat ng kanyang kamao gagantihan ko din ng isang hampas ng espada o suntok na mula sa aking kamao.

Kahit anong gawin ko ay napapatras pa rin ang katawan ko sa bawat pag salag at pag salo ng kanyang mga pag atake. Hindi ko alam kung tatagal ako.

Lex's POV

Pag mulat ng aking mga mata nakita ko nalang ang sarili ko sa madilim na paligid at kahit ni isang anino ay wala akong makita. Pero ramdam ko ang presensiya ng demonyong nasa katawan ko.

"Lumabas ka!" Wika ko at nakarinig ako ng yapak ng paa.

Napatingin ako sa likod at nakita ko ang isang demonyong nag lalakd habang binabalot ng itim at pula na aura na nag silbing ilaw para makita ko ang mukha nito.

Nagulat ako sa nakita ko dahil ang mukha nito ay parang kaedad ko pero may sungay at may pakpak. Ang mga kamay nito ay nakasuot ng isang gauntlet na nabulatan ng kadena . Ang daliri ng kanyang gauntlet ay matulis at mukhang delikado. Ang mga mata nito ay sobrang lamig kung makatitig. Ang katawan nito ay may suot na armor na galing pa sa sinauna.

"Ano ang nais mong sabihin sa akin at ako'y pinatawag mo?" Malamig nitong wika.

Inihanda ko ang sarili dahil mapapalaban ako ng wala sa oras. "Ano ang intensyon mo at bakit mo ginagamit ang katawan ko?" Wika ko rito habang nakahanda.

"Nais ko lang naman ibalik ang aking bansa na inyong sinira dahil sa pinag gagawa niyong mga mortal." Wika nito. "Dahil ang katawan ko ay matagal ng nabura sa lupa kaya naman ng makita ko na pwede mong magamit ang aking lakas ako'y nakumbinsi na pwede kitang gamitin.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko rito.

"Nung unang panahon, kung saan ang lahat ng mortal at mga kagaya ko ay nabubuhay ng magkasama kung saan walang digmaan pagbibigayan lamang." Napapikit ito. "Pero isang araw nagulat nalang kami ng lahat ng mga lahi ay inatake kaming lahat. Nakita ko lahat lahat. Kung papaano ninyong mga mortal inatake ang aming kaharian. Simula ng nag palit ang mga tao ng panibagong hari nakipag alyansa kayo sa ibat ibang lahi at nilason ninyo ang kanilang isipan at nag plano na atakihin kami." Huminga ito ng malalim. "Isa itong nakaraan na kahit kelan walang nag tanong kung tama nga ba ang kanilang pag kakaalam sa aming mga demonyo. Kagaya lang ninyo kami iba lang rin ang lahi namin pero bakit niyo kami kinakatakutan?" Wika niya at napakuyom ng kamao. "Nakita ko lahat sa harap ko ang mga pangyayare. Ang hari namin ginawa niyang lahat para masalba ang lahat pero mga sampong libo lang ang naligtas niya at ang isang daang libong kalahi ko ay pinatay niyo ng walang awa. Wala kayong iniwan kahit isa dahil sa isip niyo sumpa ang lahi namin. Oo  aaminin kong kakaiba kami sa inyong lahat, pero ang gusto lang namin ay mapayapa na pamumuhay pero dahil sa ginawa ninyo naging ganito na kami."

"Wala akong narinig na ganyan." Wika ko sa kanya. "Kayo ang unang umatake sa aming mga tao. Lumaban lang kami."

"Dun ka nag kakamali, nag rebelyon kami sa inyong nga mortal at gumanti kami, kahit na bata pa lamang ako eh lumalaban na ako, dito nag simula ang malaking gera na isinabi sa inyong lahat na masama ang lahi namin, ginawa namin ito para mabuhay. Gusto lang namin mamuhay ng mapayapa." Wika nito. "Lumaban ako ng lumaban hanggang sa isa akong napili bilang papalit sa hari. Nag ensayo ako ng matindi hanggang at tumulong sa mga digmaan pero nagulat kaming lahat sa ginawa ng aming hari." Tumindi ang aura sa paligid nito at nahihirapan akong huminga sa lakas nito. "Ibinenta niya ang kanyang lahi sa mga mortal at dinala kaming lahat sa patibong! Nung mga oras na yun naalala ko ang pangyayare sa bansa namin at ang sabi lang ng hari namin ay ikabubuti namin iyon." Napapadyak ito ng malakas. "Harap harap kong nakita ang pag patay sa mga kasama ko at ang bawat pag patak ng dugo nila. Kaya naman gumawa ako ng paraan para mabuhay. Sa aking espada bago ako mamatay nilagay ko dito ang kaluluwa ko para sa tamang oras ay makakabalik ako." Idinilat nito ang mga mata. "At ngayon na ang oras na yun. Marami sa aking mga kalahi ang nagtatago pa rin sa continenteng ito maski ang hari ay nandito pa rin nag papakasaya sa buhay niya kaya naman babawiin ko ang buhay niya para makuha ko na ang walang katapusang buhay. At hindi niyo ako mapipigilan mga mortal." Malamig nitong wika.

Napabuntong hininga ako. "Alam kong gusto mo lang ng mapayapang buhay pero kailangan kitang pigilan. Hindi ka lang isang panganib sa aming mga tao ngunit mapanganib ka din sa buong mundo kaya pipigilan kita ngayon." Wika ko rin dito.

"Akala ko maintindihan mo ako pero nag kakamali ako." Wika niya. "Hindi ko pala pwede sabihin ang totoong intensyon kung bakit ako mag sisimula ng kaguluhan. Kaya hangga't hindi ko nakamit ito, hindi kita hahayaang pabagsakin ako."

Pinakiramdam ko ang lakas niya kaya naman nagamit ko ito at binalot na rin ako ng itim at pula na aura. "Mag tutuos tayo." Wika ko rito at lumapit sa kanya.

"Masyado kang kampante tao. Kung hindi mo alam akin yang ginagamit mong kapangyarihan." Wika niya at nag lakad papalapit sa akin.

"Alam ko pero kung ito lang ang mag papabagsak sayo gagamitin ko ito." Wika ko saka ako ngumiti.

Sabay kaming tumakbo sa isa't isa at nag laban ng matindi pero dahil nga malaki na ang karanasan nito sa pakikidigma mabilis akong napabagsak nito sa isang simpleng galaw.

Nag lakad ito palayo pero mabilis akong tumayo at nag handa. "Hindi pa ako tapos demonyo!" Sigaw ko rito.

"Knight ang aking pangalan tao." Wika nito.

Sa isang iglap nag sagupa kaming dalawa at hindi ito matatapos ng mabilisan. Gina... Gagawin ko ang lahat para makabalik. Kahit ilang taon pa ako lumaban dito. Kahit ilang taon pa to... Papanalunin ko ang laban na ito kahit maliit ang tsansa kong manalo.

Hintayin mo ako Gina...

To be continue...

~^•^~

HELLO GUYS, I'M BACK FOR ANOTHER UPDATE!
Thank you for waiting po.
It's my busy month so hindi ako makakaupdate masyado pero I hope you still wait for the final.

This is the final stretch so kapit lang guys!
So yun po see you and goodbye!

Peace out! ✌️

-Your, Legacy

Edge Of The Book: The Castle SeigeWhere stories live. Discover now