Chapter II

1.3K 45 0
                                    

Chapter II

January 17

Lex's POV

Nag simula na ang aking paglalakbay papunta sa... Hindi ko rin alam kung saan ako magsi-simulang maghanap sa kapatid ko.

Sa Unang araw ko, medyo nahirapan ako dahil sa sobrang dami ng mababangis na hayop.

Minsan kailangan tumakbo, pero sulit naman dahil buhay pa ako.

Habang ako'y naglalakad may nakita akong tumatakbo papunta sa direksyon ko pero hindi ko nalang ito pinansin at nag patuloy sa paglalakad.

Tumingin ako ng diretso sa pinanggalingan ng lalakeng tumatakbo, may kung ano akong na aninag sa malayo na parang malaking tao kaya pinagmasdan ko ito ng maigi, Agad nanlaki ang mata ko sa nakita ko ngayon.

"Ahhh!! Isang Orc!!" Dali-dali akong tumakbo palayo sa Orc.

Napadpad ako sa isang gubat at habang tumatakas ako sa mata ng isang Orc, may humatak sa akin sa likod ng puno.

"Shh... Mag ingay ka gigilitan kita." Itinutok niya sa akin ang kanyang patalim kaya napatahamik ako.

Nakalampas na ang mga orc pero nakalagay pa rin yung patalim niya, Umisip ako ng paraan para makawala dito.

Napansin kong isa lang itong kahoy na pinatalas kaya agad ko siyang siniko at tinapat ang aking sandata.

"ARAY!! PARA SAAN YUN!!"
Hinipo-hipo niya ang kanyang tyan. "SINUSUBUKAN KA NA NGA LANG ILIGTAS AKO PA SINAKTAN!" Pag dagdag niya.

"EH SINU BANG TAONG MANANAKOT PAG MAY NILILIGTAS!?" pag sagot ko.

"Para tumahimik ka!." Hinimas himas nito ang kanyang tyan.

Nag tuloy-tuloy ang aming pagbabangayan hangang nag ka kurutan na kami ng mukha, sa gitna ng aming pagaaway unti-unting umangat ang puno kaya napatigil kami ng saglit at tinignan ang puno.

"Isa ba tong Ancient tree? Bakit gumagalaw?" Tumango tango kami at tinignan ang puno.

"Oo nga no? Hayaan mo na mabait naman daw ang mga ganyan " Pinag masdan naming maigi para makasigurado, may nakita kaming ulo at merong mga Mata?

"TEKA!! Orc yan ah? TAKBO!!" Nagsisi-sigaw itong tumakbo.

Bakit tumakbo yun?

Teka Orc ba sinabi niya?

Tinignan ko ng maigi ang puno, may nakita akong mata na nakasilip sa puno ibig sabihin...

Ahhh!!

Oo nga ORC!!

Kumaripas ako ng takbo sa sobrang bilis, naabutan ko kasama ko kanina.

"Bakit ka kasi sumigaw kanina yan tuloy nandiyan na siya!" Banas kong bulyaw.

Edge Of The Book: The Castle SeigeWhere stories live. Discover now