Chapter 34: Sweet

17 1 0
                                    

HAPPY VALENTINE'S DAY! IHANDA ANG PUSO NA KILIGIN! ❤

ENJOY READING! ❤

-----------------------------------------------------------

"As of now wala parin siyang malay, he really need to rest and syempre hindi ito normal na mahimatay siya, much better pagkagising niya, magpaconsult siya sa doctor, sa hospital."

Nandito kami sa loob ng clinic, buti na lang kanina may mabuting loob na umalalay kay Franz papunta dito sa clinic.

"Ganon po ba,"

"Yes, by the way may klase ka ba?"

"P-Po?"

"Pinapatawag lang ako sa office, total mukhang babantayan mo naman yang si Franz, pwede bang pakibantayan na rin itong clinic muna."

"Sige po," diko sure na sabi at nagbitaw ako ng pilit ngiti.

"Sige mauna na ako, may tiwala ako sayo Ms. Sevilla." imik ng nagbabantay dito sa clinic at tumango ako bilang tugon. Mamaya pa umalis na ito at naiwan tuloy ako mag-isa i mean syempre kasama si Franz.

Umupo ako sa kabilang kama at napadako ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko maiwasan mag-alala hanggang ngayon lalo na nakikita kong wala parin siyang malay.

Ano bang nangyayari? Bakit nangyayari ang lahat ng ito? Bakit kailangan masaktan si Franz, hindi ba pwedeng ako na lang ang sumalo ng sakit niya?

Mas gugustuhin ko pa ako itong nagdudusa kaysa makita siyang nagkakaganito.

Franz....

Please gumising kana.

Kusang nangilid ang luha ko dahil sa guilt at lungkot na nararamdaman ko ngayon. Nandon ako sa pwesto na yon ng biglang bumukas ang pinto at niluwa non si Merlyn, bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala. Dahan-dahan itong lumapit sa pwesto ni Franz.

"K-Kuya," gulat na sabi nito, kita ko ang pagtakip nito sa kaniyang bibig at ang labis na pagtatago ng emosyon nito.

"Anong nangyari sa kaniya? Bakit nangyari ito sa kaniya? May umaway ba sa kuya ko?" sunod-sunod nitong tanong sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko rin alam kung bang pwedeng ipaliwanag ko sa kaniya.

"Kuya ko,"

"Merlyn," tawag ko sa kaniya at agad naman niya akong nilingon. Bago ako magsalita nginitian ko siya.

"Okay lang naman ang kuya mo, kailangan niya lang ng pahinga. Pangako, sisiguraduhin kong magiging ayos siya."

Laking bigla ko na lang ng bigla akong yakapin nito.

"S-Salamat," maramdaming pasasalamat nito. Nakaramdam tuloy ako ng tuwa lalo na alam kong may pake si Merlyn sa kapatid niya maalin man kay Hendrix o Franz. Inalo ko siya sa pamamagitan ng marahang hawak sa likod nito. Humiwalay din siya sa akin at nakangiting hinarap ako pero kahit nakangiti siya bakas pa din sa mata niya ang lungkot.

Balak ko sanang iwan na siya, sila ni Franz na magkapatid dito sa clinic. Total wala naman talaga akong karapata at lugar dito kaso....

"N-Nandito lang talaga ako para silipin at malaman kung anong nangyari kay kuya Franz, ilang minuto na lang magi-start na ang klase ko. Jasmine, pwede bang bantayan mo muna ang kuya ko?"

"H-Ha? Merlyn kasi..."

"Sige na, mamaya babalik ako. Jasmine, ikaw na muna bahala sa kuya ko."

Si Author naging EXTRA?! Where stories live. Discover now