"Goodmorning!" bati ko sa Kali Kristine. First time na ako ang unang nagising sa kanila."Totoo ba ito?"
"Wow ang blooming mo naman."
"Sana all fresh."
Kaloka mga pinagsasabi nila.
Natawa tuloy ako. Isa-isa na din silang nag-asikaso sa sarili nila habang hinihintay ko sila nagbabasa-basa mo na ako sa study table. Napadako ang tingin ko sa diary ko. Binuklat ko yun, tinignan ang bawat pahina, matapos kong tignan ang lahat ng sinulat ko, isasarado ko na sana yung diary kaso...may napansin ako.
0_0
Yung twenty four na number naging, twenty-three.
Bakit parang bumaba yung number? ano bang ibig sabihin nito?
"Bulaga!"
0_0
Dahil sa gulat ko nahagis ko yung diary ko at nalaglag yun sa sahig. Pupulutin sana yun ni Cecil pero inunahan ko siya.
"B..Bakit ganyan ang itsura mo?" magsususpetsa na tanong nito. Kinakabahan na ako, nakasulat sa diary ko ang lahat. Hindi nila pwedeng malaman yun.
"May tinatago ka no?"
"W...Wala." pagtanggi ko. Nagmamadali kong nilagay sa bag yung diary ko. Para sure ng safe na yun.
"Anong nangyayari dito?" tanong ni Princess na nagpapatuyo ngayon ng buhok.
"Ito kasing si Jasmine may tinatago."
"Wala akong tinatago!"
"Sinong may tinatago?" naguguluhang tanong ni Kristine na kalalabas lang ng banyo.
Omg!
"Wala akong tinatago no. U..Una na ako sa inyo bye!" nagmamadali akong umalis. Halos takbuhin ko pababa ng first floor para lang hindi nila ako masundan kung susunod sila sakin.
"Ms. Sevilla?"
Agad kong nilingon ang tumawag sakin at nakita ko si Franz. Nagmamadali akong nagpunta sa harap niya. Ewan ko pero na-exite ako ng makita ko siya.
"Hi." nahihiyang sabi ko.
Shit! dapat hindi na lang ako nagsalita huhu.
"Bakit hingal na hingal ka?"
"Ahm, exercise lang hehe."
"Para naman saan?"
"Para hindi na ako tawaging mataba."
"Ma's bagay sayo kung ano ka ngayon. You look perfect kahit pa ganyan ang itsura mo."
Nambola pa!
"T..Talaga?"
"Yes-" hindi na nito na tuloy ang sasabihin niya kasi naman may biglang dumaan, as in dumaan sa pagitan namin. Biruin mo ang laki-laki ng daan sa gitna pa talaga namin dumaan.
Napadistansya tuloy ako sa kaniya. Inis kong tinignan yung papansin na yun.
0_0
Hendrix?
Wala akong makitang pilosopong ngiti sa mukha niya tanging pagkaseryoso lang ang reaksyon nito. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba ng magtama ang Mata naming dalawa pero...umalis din ito.
San pupunta yung bano na yun?
"Hoy! Hendrix!" tawag ni Franz dito. Napahinto sa paglakad si Hendrix, nilingon niya rin ito.
YOU ARE READING
Si Author naging EXTRA?!
FantasyMeet Jasmine Sevilla one of the famous author in Wattpad. Kilala siya bilang 'Rising Author' dahil kaya niyang makipagsabayan sa mga oldies author. Also she is known as 'Kj Author' dahil ang focus nito sa kaniyang novela ay tanging mga main characte...