Chapter 10: Sorry

24 4 0
                                    


Masaya ako na pinayagan na akong bumalik ni Kristine sa klase, okay naman na kasi talaga ako tsaka ayoko naman masayang yung twenty days ko. Syempre kahit papaano gusto ko rin ma-enjoy ang pag-stay dito. Iisipin ko na lang na nandito lang ako sa mundo na ito para magbakasyon.

"Ang hirap naman nabalance niyo na?" reklamo ni Cecil may pagkamot pa ito sa ulo. Sabay kaming tumango ni Kristine. Well nagjo-journalizing kami ngayon at trial balance, madali naman siya. charot. Sa panahon ko kasi naabutan ko ang kto12 kaya nag-seniorhigh ako ang kinuha ko ABM kaya kahit papaano may alam ako sa accounting.

"Paano ba malalaman kung debit or credit siya?" pagtatanong ni Raven. Tumabi ako sa kaniya at tinuruan siya. Si Kristine naman tinulungan niya si Cecil at princess.

"Ito may technique ako, tatandaan mo lang ang salitang AWE at OIL."

"Ha? anong ibig sabihin non?"

"AWE stand for Asset,Withdrawals, and Equity or Owners equity. Lahat sila ay nakalagay sa Debit side." paliwanag ko at tango-tango ito sakin.

"Wow, eh ano naman meaning ng OIL?"

"Ang OIL naman stand for Owners capital, Inventories at Liabilities. Sila naman yung nilalagay natin sa Credit side."

"Wow ang galing sige tatandaan ko yan jasmine! AWE at OIL." masayang sabi nito. Masaya ako na natutulungan ko siya.

"Eh ano naman pinagkaiba ng Accounts receivable at accounts payable?"

"Ang pinagkaiba nila yung account receivable from the word itself receive yung ang gagamitin mo pagnakatanggap ng pera while the accounts payable, ginagamit yun pagnangutang."

"Salamat talaga jas! hulog ka ng langit!"

Nagsimula na muli siyang magsagot. Napatingin ako sa papel ko at masaya akong nabalance ko na yun at tama ang sagot ko. Ilang minuto ang lumipas nagkwentuhan na lang kami ni Kristine.

"Omg! nabalance ko!" sigaw ni Raven at kasunod din nito sila Cecil at Princess.

"Ang sagot ay 113,450?! tama?" exited na tanong nito.

Nagmamadali akong tumango at nagthumbs up sa kaniya.

"Omg! nabalance ko din! kakaproud."

"Thank you Kristine and Jasmine." pagpapasalamat samin nila Raven.

"Walang anuman." sabay na imik namin ni Kristine.

"Okay class pass your papers, finish or not."

Nagpasa na kami ng papel namin at nagmamadaling nagligpit ng gamit namin. Sabay-sabay kaming nagpunta ng canteen at kumain.

"Nakakahiya second year college na ako pero bibihira pa rin ako makabalance." malungkot na sabi ni Raven.

"Shh, I'm sure makakaya mo rin yan! lahat naman napagaaralan. Diba Kristine?" sabi ko at nilingon si Kristine pero wala ang atensyon nito samin, tinignan ko kung sino ang tinitignan niya at sa dikalayuan nakita ko si Luigi. Kapwa silang nakangiti sa isa't-isa.

Ano ba yan kinikilig ako sa kanilang dalawa.

"Kristine!" pagtawag ni Princess at don lang ito bumalik sa realidad.

"Tulala ka?"

"Ha? ako? hindi no. Tara Kain na tayo." aligagang pagsasalita nito. Nang matapos kaming kumain nagtungo kami sa library at nagbasa-basa ng kung ano-ano.

Si Author naging EXTRA?! Where stories live. Discover now