"Dali ang bagal.." inip na inip na sabi ni Cecil kay princess na ngayon ay nagbibihis pa lang."Wait lang naman, atat na atat? nagmamadali? hindi mo naman makikita yung crush mong bakla."
"Hoy! porket lagi mong nakikita si Ser jai! ganyan kana makaasta, FYI parehas lang tayong naasa.."
"Alam imbento ka talaga wala nga akong gusto don kay Ser." mariin na pagtanggi ni Princess.
"Jusko ate wag nga ako! kitang-kita ko kaya yung malagkit na tingin mo kay ser."
"Imbento ka talaga!"
At ayun na nga nasanay na ako sa bangayan nila at pag-uusap sa taong gusto nila.
Ano pa bang bago? ganon naman diba sa wattpad? may bidang babae na mahinhin at mabait tapos may gwapong lalaki ito na makikilala, may mga kaibigan na chismosa o sawi sa pag-ibig. May kontrabida na talaga namang kakainisan sa storya at higit sa lahat may mga extra na character....gaya ko, extra lang dito.
"Tara na girls!" sigaw ni Kristine at sabay-sabay kaming umalis ng dorm at nagtungo sa klase namin sa social studies.
Pagkarating namin sa classroom, kaniya-kaniya na muli kaming pili ng uupuan, well in my case lagi akong natabi kay Kristine. Hindi ko naman kasi kilala mga kaklase ko...
"Good morning!" bati samin ng guro at binati din namin ito pabalik.
"Its been a week right? alam kong maaga pa para sa gantong project pero kung next month which is july niyo 'to gagawin for sure aabutin kayo ng mga bagyo."
"Ma'am ano po bang gagawin natin?" tanong ng isang classmate ko.
Oo nga ano kayang project ang ipapagawa samin?!
Nagsimula ang malakas na bulungan sa loob ng klase.
"Quite na muna! Class listen to me first." saway ng guro namin at hinampas pa nito ang dala niyang pat-pat sa lamesa na kinatahimik ng buong klase.
"Magkakaroon ng camping-" hindi na nito natapos ang sasabihin niya dahil sa pagsabat ng kaklase ko at pati narin sa mga reaksyon nito.
"Omg! Camping."
"Yes camping!"
"I love it!"
"Parang nong nakaraan taon ba ito ma'am?"
>_<
Hanep sa ingay.
"Kayo na lang kaya dito sa unahan! sabi ng listen to me first!" galit na sigaw ni Ma'am Glenda. Patay nabeast mode na.
"Sorry po ma'am."
"Okay, yes! magkakaroon tayo ng camping gaya nong nakaraang taon but this year coastal clean up ang campaign natin at syempre social studies ito. Magkakaroon din tayo ng games, groupings at marami pang iba! Oh ayan react na kayo!"
Coastal clean up, sabagay nasa Batangas kami. Perfect na campaign nga iyon.
"Ma'am san pong place?"
"Hindi pa sure pero pinag-uusapan na sa anilao daw."
0_0
anilao? malinis naman don ah.
"Ang galing nakakaexite naman." masayang sabi ni Kristine at nilingon ako nito.
"Hindi ka ba naeexite jasmine? I'm sure magiging masaya hung camping! nong nakaraang taon kasi hindi kami nagenjoy gaya ng sabi ni ma'am inabutan kami ng bagyo kaya ang overnight naging half day lang." pagkwekwento nito sakin.
YOU ARE READING
Si Author naging EXTRA?!
FantasyMeet Jasmine Sevilla one of the famous author in Wattpad. Kilala siya bilang 'Rising Author' dahil kaya niyang makipagsabayan sa mga oldies author. Also she is known as 'Kj Author' dahil ang focus nito sa kaniyang novela ay tanging mga main characte...