LC LIV

13 1 0
                                    

Kyle's POV

Na-teleport kami sa LU nang makita namin si Lucifer na bumalik sa kanyang tunay na anyo, gaya nung nagparamdam siya sa akin.

"L-Lucifer..." Sambit ni Tito Derik.

"Pa?" Duda ni Kuya Joshua.

"Ayan na ang tunay na anyo ni Lucifer." Sagot ni Tito Zero. Biglang bumilis ang kilos at kinuha niya ako.

"KYLE!!!" Sigaw nila. Nakatapat sa akin ang poison dagger na ginamit ni Tito Zero sa kanya.

"MAGIGING MALAKAS AKO KAPAG PINATAY KO ITONG PROPESIYA!!!" Sigaw niya. Hindi niya alam na Eternal Eye ang nasa akin. Nang gamitin ko ang aking Eternal Eye, biglang nasunog ang kanang braso ni Lucifer kung saan nabitawan niya ang poison dagger. Nagulat ang kambal sa nangyari. Kinuha ko ito at bumalik kina Papa.

"Anak!!!" Sigaw niya sabay lapit at yakap ko sa kanya.

"Ayos ka lang, Bunso?" Tanong sa akin ni Kuya Joshua.

"Ayos lang ako, Kuya, Papa." Sagot ko.

"T-Teka! Anong nangyari?" Duda ni Tito Derik.

"Ang Eternal Light ni Mama. Mukhang nakokontrol mo na siya, Kyle." Sambit ni Kuya Joshua. Tumango ako bilang sagot ko.

"Anong ibig niyong sabihin?" Duda rin ni Zero.

"Ang isa sa anting-anting ni Mama na ibinigay kay Kyle sa kanyang mata... Tinawag nilang Eternal Eye..." Sagot ni Joshua.

"Eternal Eye?" Duda nina Tito Zero at Tito Derik. Biglang bumangon si Lucifer kahit wala na siyang kanang braso.

"Matatapos rin ang lahat!!! Kapag pinatay KO NA ANG PROPESIYA!!!" Sigaw niya tapos nag-iba ang anyo ng kanyang kaliwang kamay na mistulang espada patungo sa akin.

"KYLE!!!" Sigaw nilang lahat. Pinikit ko ang aking mata na baka masaksak ako ni Lucifer. Wala akong naramdamang saksak kaya naisip kong idilat ang mata ko. Nang pagkadilat ko, nagulat ako sa aking nakita. Sinaksak ni Lucifer si Papa.

"G....Ghaa..." Angal niya sa pagkasaksak ni Lucifer sa kanya.

"P-Papa?" Mahinang sambit ko.


Martin's POV

Nakatakas rin si Kyle sa pagka-hostage sa kanya ni Lucifer pero hindi pa diyan nagtatapos. Biglaang nagbago ang kanyang kaliwang kamay. Nakita ko ang poison dagger na hawak ni Kyle tapos naalala ko ang sabi sa propesiya.

"Para mawala si Lucifer... Kailangang patayin ang unang nagmana ng Ghost Eye...." Mahinang sambit ko. Naalala kong ako ang nagbigay kay Kyle ng Ghost Eye. Ako ang propesiya, hindi si Kyle. Ako ang nagsimula nito, ako ang tatapos.

"Matatapos rin ang lahat!!! Kapag pinatay KO NA ANG PROPESIYA!!!" Sigaw niya tapos nag-iba ang anyo ng kanyang kaliwang kamay na mistulang espada patungo kay Kyle.

"KYLE!!!" Sigaw ng lahat. Nagmadali akong tumakbo sa kanya, kinuha ang dagger, sinaksak ko sa tiyan at nasaksak ulit ni Lucifer. Minulat niya ang kanyang mga mata nang makita niya akong nasaksak.

"G....Ghaa..." Angal ko nang may lumabas na dugo mula sa bibig.

"P-Papa?" Mahinang sambit niya.

"TITO MARTIN!!!" Sigaw ni Joshua. Ningitian ko siya biglang naglalaho nang paunti-unti ang kaliwang kamay ni Lucifer sa pagkasaksak sa akin.

"A-ANONG? ANONG NANGYAYARI?!?!!?" Sigaw niya sa duda nang biglang nawala na ang kanyang kaliwang kamay. Sinalo ako ni Kyle at ihiniga sa kanyang hita. Tapos napansin niya ang dagger na nakasaksak sa tiyan ko.

Luciferian Child: Ghost Eye (Luciferian Series Book 1)Where stories live. Discover now