LC XLIV

13 1 0
                                    

Kyle's POV

Sa Bahay... 

Nakarating na kami ni Jeff mula sa ospital at kita kong sobrang saya ko nang makita ko ang aking anak. Tapos nakita ko ang mga kaibigan ko, si Kuya, Papa at Kuya Brian habang buhat niya si Justin.

"Kyle!" Sigaw ni Bea tapos pumunta sa amin at nakita niya ang aking anak. 

"Ang ganda niya..." Sabi ni Bea habang kinikilig kay Layla. Lumapit na rin anag mga kasama namin at nakita si Layla.

"Ang cute naman niya, Kyle." Sabi ni Janine.

"Anong name niya?" Tanong ni Marlon.

"Layla. Layla Hernandez." Sagot ko. Lalong kinilig ang mga kasama ko. Tapos lumapit sa akin sina Papa, Kuya Brian at Kuya Joshua.

"Kay sigla naman ng apo ko..." Sabi ni Papa sa anak ko. Biglang napahimbing ang kanyang tulog.

"Mukhang mas kalmado siya sa inyo, Pa." Sabi ko sa kanya.

"Oo nga pala, Jeff, saan na kayo lilipat after this?" Tanong ni Janine kay Jeff.

"Bukas na bukas, babalik ako sa Tarlac kasama si Justin. Babalik na lang kami dito kapag binata na siya." Sabi ni Jeff.

"Sigurado ka sa desisyon mo?" Tanong ko sa kanya.

"Desidido na ako, Kyle. Ako ang tatayong ama ni Justin at para makalayo na rin ako sa aking obsessed na pinsan." Sabi niya.

"Sinabi mo yan. Basta mag-iingat kayo ni Justin sa probinsya mo." Bilin ni Papa sa kanya.

"Opo. Salamat rin po sa tulong niyo. Nakalaya rin kami sa madilim na kamay ni Maricar." Sabi ni Jeff sa amin.

"Basta mag-ingat kayo ha?" Sabi ko sa kanya.

"Opo, Kuya Kyle. Kahit na ina ni Layla si Maricar, lagi po kayong mag-iingat." Sabi ni Jeff.

"Mukhang nagkakasundo ang magkapatid sa ina." Sabi ni Janine. Tapos nakita namin na hinawakan ni Baby Justin ang kamay ni Layla. Lumapit sa akin si Joshua at tinapik ako sa balikat.

"Bunso, may napansin lang ako kina Justin at Layla." Sabi niya.

"Ano yun, Kuya?" Tanong ko sa kanya.

"Parang tayong dalawa lang yan." Dagdag niya. Pagkatingin ko ulit kay Justin at Layla, tama nga siya. Parang kami ni Kuya Joshua, magkapatid sa ina.

"Baby Justin... Tara na..." Sabi ni Jeff tapos binuhat si Justin. Tapos may narinig kaming boses ng bata.

"T-Tito J-Jeff..." Sabi ni Justin kay Jeff. Nagulat kaming lahat nang marinig namin ang first words ni Justin.

"He already said his first word." Sabi ni Yna. Doon bumuhos ang luha ni Jeff at niyakap si Justin. Ramdam na ramdam namin ang buhay ng may kasamang bata. 

"Speaking of that, paano si Maricar? Naiwan siya doon sa ospital." Tanong ni Marlon.

"Hayaan mo yun. Magdusa siya doon. Sinira rin niya ang buhay ni Kyle noon, hindi na niya guguluhin si Kyle." Sabi ni Joshua.

"Teka! Sigurado kayo? Baka mamaya kunin siya ni Gio." Sambit ni Christian.

"Sigurado kami dun." Sabi ko sa kanya.

"Kung ganun, kailangan na nating mag-empake. Maya-maya, may mga maghahanap sa atin." Bilin ni Papa.

"Alam ko kung saan kayo, pwede manirahan. At malapit dun ang bus terminal going to Tarlac." Sabi ni Bea. Tingin kaming lahat sa kanya.

Luciferian Child: Ghost Eye (Luciferian Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon