LC XXII

9 1 0
                                    

Kenneth's POV

Nandito ako sa quadrangle kasama ang ibang professors na nag-aayos ng decorations para sa Sportsfest bukas. Habang ako ay nag-aayos ng mga upuan para sa Muse Competition, bigla akong kinulit ni Ms. Santiago dahil isa sa aking estudyante ay hinahanap niya.

"Mr. Hernandez?" Tawag sa akin ni Ms. Santiago.

"Bakit, Ms. Santiago?" Tanong ko.

"Sobrang pormal mo naman. Kahit Carla na lang ang tawag mo sa akin. Anyways, nakita mo ba si Kyle Hernandez?"

"Hindi eh. Bakit?"

"Kasi may maganda kaming balita para sa kanya..."

"Kahit ako na lamang ang magsasabi sa kanya. Anong ibabalita mo sa kanya?"

"Uhm... May awards po siyang natanggap inside and outside the campus. Before i-award ang nanalo sa Muse Competition, ire-recognize namin na nanalo siya sa International Academic Challenge na ginanap dito sa Luciferian and National Quiver Archery Games." Sabi niya. Nakaramdam ako ng tuwa para sa anak ko. Marami na siyang achievement na nakuha.

"Sige, sige, ako na ang bahalang magsabi sa kanya." 

"Salamat po, Sir." Sabi niya tapos umalis na ako sa quadrangle at pinuntahan si Kyle. Papunta na ako sa hagdan malapit sa library nang marinig ko ang boses ni Miss Macadangdang. 

"Pinatawag mo ako, girl."

"Mayroon na akong taong balak wasakin ang buhay."

"Lemme guess... Girl na gustong angkinin ang boyfie mo na si Joshua?"

"Wala na kami ni Joshua. Yung lalaking naka-eye patch... Kilala mo?" Si Kyle ang tinutukoy niya? Bakit?

"You mean si Kuya Superhero ng mall?"

"Oo, siya nga. May babaeng gustong umangkin sa kanya."

"Ooohhh... This is interesting. But kailangan dun sa tahimik na lugar."

"Dun tayo sa library." Sa library sila pumunta. Malakas kutob ko na nandun si Kyle tsaka si Bea. Kailangan ko silang iligtas.


Kyle's POV

Grabe ang araw na ito, iniwan na namin si Maricar sa classroom dahil recess na at kailangan kong kumalma. Nandito ako ngayon sa library, nag-aaral para sa Academic Quiz sa Sportsfest kasama si Bea.

"Kai..." Bulong ni Bea.

"Bakit?" Tanong ko.

"Napapansin mong sobrang tahimik at walang katao-tao? Parang nakakatakot pumasok dito..." Sabi niya. Tapos lumingon ako sa buong paligid, walang tao talaga.

"Napansin ko nga pero mas iba ang pakiramdam ko rito..." Sabi ko.

"Baka may nagbabantay sa atin..." Sabi niya.

"Wala yung librarian eh. Nasaan na kaya yun?" Sagot ko habang tumitingin sa paligid.

"Kailangan na nating umalis rito baka mapahamak tayo kung may nangyaring masama." Tugon ni Bea na may halong takot at kaba.

"Siguro... Basta kahit anong mangyari, nandito naman ako eh... Wag kang mag-alala..." Sabi ko at ngumiti na siya. Biglang may narinig na bukas ng pinto. Bigla kaming nagtago sa ilalim ng mesa at kinuha ang aming mga gamit. Buti nga may cabinet ang mga mesa sa library kaya kaya naming silipin at pakinggan kung sino-sino ang nasa library at ano ang pinag-uusapan. Bumukas bigla yung pinto ng cabinet sa likod namin at nakita ko roon si Sir Kenneth.

Luciferian Child: Ghost Eye (Luciferian Series Book 1)Where stories live. Discover now