LC XXXVII

15 1 0
                                    

Martin's POV

Sa Classroom...

Dumiretso kami ni Brian sa classroom nina Kyle upang malaman kung ano ang nangyari sa classroom nila. Nang makita namin ang classroom ng mga estudyante ko, nandun sila sa may bandang likod habang nag-iimbestiga si Madam Principal, Janine at Kyle.

"Anong nangyari rito?" Tanong ko.

"Sir Kenneth, buti nandito kayo. Kailangan namin ng tulong niyo para malaman kung ano ito." Sabi ng Principal.

"Kailan lang po nangyari ito sa school natin???" Tanong ko.

"Ngayon lang ito. Sa history ng Luciferian University, this year lang nagkaroon ng ganitong pangyayari." Sagot niya. Habang kami ay nag-uusap, lumapit si Kyle sa mga litrato. Nang haplusin ang mga litrato biglaan na lamang napaupo sa sahig si Kyle.

"Argh!!!" Sigaw ni Kyle habang hawak niya ang ulo malapit sa kaliwang mata niya.

"Kyle!!!" Sigaw ni Bea nang lumapit kay Kyle. Kaya lumapit rin kami ng Principal kay Kyle.

"Iho, ayos ka lang? Kakagaling mo lang sa aksidente ah." Sabi ng Principal na may pag-aalala.

"Ayos lang po. Medyo nahilo lang po dahil may naamoy po akong dugo sa mga litrato." Sabi niya sa akin. Kaya tinulungan ni Brian si Kyle na makatayo dahil ramdam pa rin niya ang sakit ng ulo. 

"Sir Kenneth, kailangan niyo pong tingnan yan." Sabi ni Kyle sabay turo doon sa litratong kanyang hinawakan. Nang lumapit ako, nakita ko ang litrato nina Derik at Lucy. Nagtaka ako bakit nandoon ang kanilang litrato. Kaya kinuha ko upang isuri ulit kung anong meron sa mga litratong nakadikit. Pansin kong may isang malaking anino sa likod nila tapos may pakpak at sungay. 

"Brian..." Tawag ko sa kanya. Tapos lumapit siya habang inaalalayan si Kyle. Nakita namin ni Brian ang malaking anino.

"Siya na ba yun?" Tanong niya.

"Oo. Hindi ito biro. Ang litratong nahawakan niya ay ang litrato ni Lucifer." Paliwanag ko. Kaya pinuntahan ko ang Principal para ipaliwanag ang pangyayari.

"Madam, naniniwala po ba kayo sa mga kaluluwa?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Kahit noong bata ako, hindi mawawala sa akin ang mga kaluluwa ng mga estudyanteng namatay dito sa paaralang ito." Sagot niya. Bigla akong nagulat nang sabihin niya ang ukol sa biktimang namatay dito. Ibig sabihin bago ito naging isang paaralan, may unang tawag sa lugar na ito.

"Ma'am, malaking tulong ito sa imbestigasyon. May naaalala ba kayo sa history ng paaralang ito?" Huling tanong ko. 

"Uhm, nangyari ito 20 years ago..." Sabi niya. 20 years ago,  ito yung araw na naging mag-asawa kami ni Leah at isinilang na si Kyle. Pero di bale, kailangan kong malaman ang ukol rito.

"Bago naging paaralan ito, naging isang kulto ito ng mga sumasamba sa mga demonyong nagsisimbulo ng 7 deadly sins at isa sa mga demonyong sinasamba nila ay si Lucifer. Kaya ang tawag sa kanila ay Lucifer's Disciples." Kwento niya. Lahat ng mga estudyante ko ay kinabahan sa kwento niya. 

"Naging bahay ng kulto?" Tanong ni Janine. 

"Oo Janine. Noong guro pa lang ako, nakita kong naging isang bahay ng kulto ang paaralang ito." Sagot niya.

"Sinu - sino ang mga demonyong sumisimbolo sa deadly sins???" Tanong ni Marlon.

"May 7 demonyong sumisimbolo sa 7 deadly sins... Azazel for Pride, Mammon for Greed, Asmodeus for Lust, Leviathan for Envy, Beelzebub for Gluttony, Belphegor for Sloth and Satan for Wrath." Paliwanag ni Christian.

"Teka nasaan naman sa kanila si Lucifer??? Parang wala namang Lucifer na pangalan ah." Angal ni Fred.

"Si Lucifer at Satan ay iisa. Ibang pangalan ang binigay para maitago ang totoong pagkatao niya." Sagot ni Kyle.

"Tama ka, Iho. At eto pa, nalaman ko mismo ito sa mga disipulo na nanggaling sa kulto. Na hinahanap nila ang isang sanggol na may kakayahang ipinamana ng kanyang ama. Siya yung batang nasa propesiya na balak nilang patayin." Sabi niya. Si Kyle ang kanyang tinutukoy ngayon kaya nagkatinginan kami ng anak ko tapos tumango sa akin kaya tumango na rin ako sa kanya pabalik. 

"Ang huling naalala ko lang noon ay ang pangalan ng batang nasa propesiya. Hernandez ang apelyido niya eh." Sabi ni Madam Principal. 

"Parang alam na namin po kung sino ang inyong tinutukoy..." Sabi ni Kyle. Kaming lahat nagulat sa sinabi niya. Aaminin na ba niya na siya ang hinahanap 20 years ago?

"Kyle..." Sambit ni Bea. Sabay tapik siya sa balikat para ipakita na ayos lang ang lahat.

"Anong ibig mong sabihin, Mr. Hernandez?" Tanong ni Madam Principal.

"Dahil nabubuhay pa rin hanggang ngayon ang propesiya. Nag-aaral siya ngayon dito at kilalang-kilala niyong lahat." Sagot ni Brian. Nagulat ang lahat maliban sa amin nina Kyle, Janine, Bea, Marlon, Fred, Christian, Ysa, Yna at Martin. Alam na rin kasi nila ang kwento ukol sa amin.

"I don't get it. Sino ang tinutukoy nito? Hindi kayo kumikibo, Janine. Kilala mo?" Tanong ni Anna kay Janine.

"Kasama na natin ngayon ang tinutukoy ni Kuya Brian." Sabi ni Janine tapos tumingin siya kay Kyle. Nang tumingin si Janine sa kanya, sabay tingin rin lahat. 

"Kyle? Ikaw ba ang tinutukoy kong propesiya? Ikaw ang nag-iisang anak ni Martin Hernandez?" Tawag ni Madam Principal na may pagdududa.

"Opo Ma'am. Ako po yung sanggol na tinutukoy niyo 20 years ago. Ako ang propesiya at hanggang ngayon hinahanap ako ng kulto ni Lucifer." Nagulat ang ibang mga estudyante kong hindi nakakaalam sa sikreto niya at si Madam Principal.

"Wait, so kilala mo na kung sino ang naghahanap sa'yo???" Tanong ni Anna.

"Hindi lang kilala, Anna. Nakaharap na namin." Sagot niya. Biglang lumapit sa akin si Madam Principal tapos tinapik ang balikat dahil ramdam ang awa sa aking pinagdadaanan. 

"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Para matulungan kita sa misyon mo." Sabi ni Madam Principal.

"Anong ibig mo pong sabihin, Madam???" Tanong ko sa kanya. Tapos may nilabas na isang kwintas na nasa bulsa niya.

"Ma'am? Ano yan?" Tanong ni Brian.

"Ito ang tanging kahinaan ng mga kulto ni Lucifer."

"Kwintas???" Tanong ni Janine.

"Hindi lang siya kwintas... Iyan ang 'Lumina Aurora' na ipinamana ng aming lider upang pangalagaan kami sa dilim." Sabi ni Madam Principal.

"Lider? Sino yung lider ninyo, Ma'am?" Tanong ni Marlon.

"Si Leah Ramirez. Ang iyong ina, Kyle." Sagot niya. Kakilala niya ang asawa ko? Bakit hindi walang nabanggit sa akin na naging lider nila si Leah?

"Naging lider si Nanay sa grupo ninyo?" Tanong niya. Tumango si Madam bilang sagot.

"Binigay niya yan sa akin, bago kayo sinugod ng kulto. Well, sanggol ka pa noon, Kyle." Kwento niya.

"Nang ibigay sa inyo ni Nanay ang 'Lumina Aurora,' sinabi ba niya kung paano gumagana ito?" Tanong ni Kyle dahil nais niyang malaman ang katotohanan ukol sa kanyang pagkatao.

"Sabi niya na magliliwanag lang yan kung nabubuhay pa ang kanyang anak. Kaya nang dala-dala ko pa ito at may liwanag pa, nagkaroon ako ng pag-asang mahanap ka. At ngayon, nandito ka na. Ikaw ang tanging pag-asa para matapos ang kaguluhan ng liwanag at dilim." Dagdag ni Madam habang hawak-hawak niya ang kamay ni Kyle.

Luciferian Child: Ghost Eye (Luciferian Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon