Cont. of Chapter 4 : Unexpected Bonding With Them

2.4K 99 0
                                    

(Edited)

Still Kate's Point of View.

Habang kumakain ay biglang nagsalita si ashton kaya napatingin kami sakanya. "By the way, i've heard what sapphire did earlier on school and i am sorry for her behavior. She didn't know that you were clyde's sister"

Saad nya. "ayos lang, sanay naman ako. Lagi talaga akong napagkaka-alamang fling ako ni kuya or like nilalandi ko daw sya. We're twin pero mas kamukha ko si mom, tapos sya ay si dad ang mas kamukha nya pero may nakuha din siya kaunti kay mom" saad ko

"Still, what she did is wrong."

Ngumiti lang ako sakanya at nagpatuloy na ulit kami sa pagkain. Pagkatapos, pumunta kami dun sa may favorite spot ng mall at kasama namin sila ashton dahil gusto daw nila munang gumala pa saglit

"ang ganda talaga dito" masayang saad ni ven at tumatakbong pumunta doon sa parang terrace spot. Kitang kita namin ang kalangitan

"picturan mo ko dito esh, dali!" saad nya kaya napailing nalang ako at kinuha yung cellphone nya at pinicturan sya

"ikaw naman esh, dali! Ang ganda nung view oh" pag-utos nya sakin pero tumanggi ako. Ngunit sa huli ay pinicturan din nya ako kasi hindi sya tumigil kakakulit sakin

"guys! Picture tayo dali!" si ven. Pumwesto kami doon sa pinagpicturan namin ni ven kanina

Awkward akong nagpeace sign sa camera dahil katabi ko lang si blake at tsaka masyado silang dumikit kaya napadikit din kaming dalawa sa isa't isa

"post ko toh sa fb! Tsaka sa instagram!"

"woy pa pass ah, post ko din hehe"

Ng matapos ang pagpicture namin ay agad akong napalayo at tumingin sa view na nasa harap ko. Kinuha ko yung phone sa sling bag ko at pinicturan yung view. Pinicturan ko din yung sarili ko at tiningnan ito kung ayos lang ba yung mukha ko

Napatitig ako dun sa tatlong picture ko ng mapansin kong may tao sa likod. Nanlaki ang mga mata ko ng mahagip ng camera ko si blake. Nasa phone ang paningin nya at hindi napansing nahagip sya ng camera ko at hindi ko din ito napansin

Kumawala ako ng mahinang buntong hininga at hindi dinelete yung tatlong picture. Sayang naman kasi at ang ganda nung angle nung picture at ang ganda ko din dun sa picture

Nagtagal pa kami doon ng ilang oras at nagbonding din ng kaunti. Maya maya pa ay napagdesisyonan ko ng umuwi kaya inaya ko na si ven

"ven tara na, uwi na tayo. Pagod nako" pag-aya ko kay ven

"eh? Mamaya na" reklamo naman nya

"sige, magcommute ka nalang ha?"

"ano bayan esh!"

Nagpaalam na kami kela ashton na aalis na at pumunta na kami sa parking lot kung saan ko pinark yung kotse ko

Pagkadating sa parking lot ay agad kong hinanap yung kotse ko dahil nga marami ng nakapark na kotse sa parking lot kaya hinahagilap ko yung sasakyan ko. At ng makita ko ito ay nagsimula na akong maglakad papalapit doon at sumunod naman si ven sakin

Pagkapasok sa kotse ay agad kong ini-start yung engine at tsaka pinaandar na ito

**

"bye esh, see you sa campus!" pagpaalam ni ven at kumaway kaway pa

"sige"

"hoy ingat pauwi! Wag mong masyadong bilisan yung pagtakbo ng kotse mo para di ka mapahamak"

"okay okay, thank you sa treat!"

"your welcome, at tsaka ikaw naman dapat ang manglilibre sa susunod. Bye!" paalam nito ulit at pumasok na sa bahay nila

Ini-start ko na yung engine at pinaharurot yung sasakyan ko

Gabi na ng makauwi ako ng bahay dahil sa traffic kanina

"I'm home" saad ko pagkapasok ng bahay

"did you enjoy your bond with ven?" panimulang tanong ni dad at tumango lang ako

"i saw kyle's post on his fb acc. Magkasama pala kayo?" biglang saad ni kuya stiffen

"nagkasalubong kami, kaya kasama namin sila"

"grabe kate ha, iwas na iwas ka kay blake? Parang may nakakahawang sakit naman sya" nakangising saad naman ni kuya allen kaya ibinato ko sakanya yung pillow na hawak ko

"tsaka may isang pic doon na nagkatinginan kayong pareho ni blake. Hmm, i smell something fishy" nang-aasar pang saad ni kuya allen kaya inambahan ko sya ng suntok

"Sweetie, magbihis kana at maya maya ay magdidinner na tayo" si mom. Tumango lang ako at umakyat sa kwarto

Pagkadating ko sa kwarto ay agad kong inilapag sa kama yung sling bag ko at nag half bath. Bumaba nako pagkatapos mag half bath at magbihis

Naabutan ko sa dining table sila dad. Inilalapag ni mom yung mga niluto nya at tinutulungan naman sya ni kuya stiffen. Umupo nako sa tabi ni kuya allen at kinuha yung kutsara at tinidor ko

Matapos mailapag ni mom sa dining table yung ulam ay nagsimula na kaming kumain

Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay biglang nagsalita si dad. "how's school, kate?" tanong nya

"ayos lang naman dad" saad ko

"did you like your new school?"

"hmm, okay naman sya dad, maayos naman yung school"

"That's good to hear. How about you, alex? How's school? Nakipagbasag-ulo ka na naman ba?"

"Dad, hindi nako nakikipagbasag-ulo. Mabait nako okay"

"you doesn't seem to be kind"

"Dad! I swear, hindi na talaga ako nakikipagbasag-ulo"

Pagkatapos naming magdinner ay nagpaalam nako kela mom and dad na aakyat na sa kwarto. Pagkadating sa kwarto ay umupo ako sa kama at kinuha yung phone ko sa sling bag at humiga.

Nagscroll-scroll muna ako sa fb habang nakahiga. Biglang dumaan sa newsfeed ko yung post ni kyle at nag-ani ito ng 1k+ reacts at 150 shares at 320 comments

Sikat pala sila pati sa social media

Binasa ko yung iilang comments

"omg! ang gwapo mo talaga kyle"

"sino yang kasama nyong babae?"

"ang ganda nung katabi ni blake"

"pareto naman po sa naka black"

"anong pangalan nung naka black pre?"

"gagi! Nagkatinginan si blake tsaka yung girl naka black! I smell something fishy!"

"may something ba si blake tsaka yung girl na katabi nya?"

Napailing nalang ako sa mga comments nila

Nagscroll-scroll pako sandali at tsaka napagdesisyunang matulog na. Inilagay ko na sa side table yung phone ko pati yung sling bag ko at ipinikit na yung mga mata ko

To be continue......
____________________________________

The Campus King's Maid || Under RevisionWhere stories live. Discover now