Still Continuation of Chapter 8 (Sapphire)

1.8K 87 0
                                    

(Edited Ver)

Note: Grammatical Errors Ahead

Kate's Point of View.

Nasa kalagitnaan kami nang pagkain ng biglang

Splashhh!!

"what the hell!" dinig kong sigaw ni venice kaya napatingin ako sakanya

Nakita kong basang basa si ven ngayon dahil mukhang tinapunan sya ng juice ng babae.

"oh, i'm sorry. Akala ko kasi basurahan" nakangising saad ng babae kaya napakunot ang noo ko

Nakarinig naman ako ng mga tawanan ng mga estudyanteng nandito ngunit hindi ko ito pinansin at nakatuon lang ang atensyon ko sa dalawa

Marahan akong bumuntong hininga bago tumayo. Kinuyom ko ang mga kamao ko habang nakatingin kay ven bago ibinaling ang tingin sa babae. Napabaling naman sya sakin ng mapansin nyang nakatingin sya sakin

Tinaas nya ang kanyang kilay at pinagkrus ang mga kamay sa dibdib

"what are you looking at huh?" maarte nyang saad pero hindi ko sya sinagot at tiningnan lang sya ng masama

I gaved her a death glare. Masyado syang distorbo and i hate it. At mas lalong ayaw kong may nang-aagrabyado sa mga importanteng tao sa buhay ko.

Stiffen's Point of View.

Nasa kalagitnaan kami sa pagkain
Ng biglang

Splashhh!!

"what the hell!" dinig kong sigaw ni venice matapos syang buhusan ng dalawang cup ng juice ni sapphire

"oh, i'm sorry. Akala ko kasi basurahan" nakangising saad ni sapphire at nagtawanan naman ang mga estudyanteng nandito maliban samin

Magsasalita na sana ako ng biglang tumayo si kate kaya napatingin ako sakanya

Damn! This will be a disaster! What happened before might happen today and fvck we can't stop her!

(flashback)

After the class finished. We immediately went to the cafeteria because ven kept complaining that she's hungry.

Pagkadating sa cafeteria ay si ven ang nagpaunang lumakad sa isang bakanteng table at umupo doon. Umiling-iling nalang ako dahil mukhang hindi na ata sya makapaghintay na makakain

Si allen at grace ang pumunta sa counter para mag-order at maya maya pa ay nakabalik na sila dala dala ang mga inorder. Bumalik ulit sila sa may counter dahil may naiwang order pa doon

Mga ilang segundo din ay bumalik na sila kaya nagsimula na kaming kumain 

Sa kalagitnaan nang pagkain namin ay may bigla akong narinig na pagbuhos ng tubig o kung ano man iyon kaya agad akong napatingin sa pinanggalingan ng tunog

At tumapat ang mga mata ko kay venice na nakayuko at basa ang ulo at uniform nya

"You're a flirty bitch, venice!" malakas na sigaw ni shane at tumingin ng masama kay venice na nakayuko parin

Ilang segundo pa ay iniangat na ni venice ang ulo nya at hinarap si shane

"what the hell is your problem?" walang emosyong saad ni ven

"you! You are my problem!" malakas na sigaw ni shane at dinuro duro pa si ven

"You are a flirt! Nilalandi mo si allen! You know he's mine! Mine alone!!" ani pa niya. Galit na galit ang mga mata nyang nakatingin kay ven habang si ven naman ay walang emosyong tiningnan lang si shane

"stop it, shane" madiing saad ni allen kay shane ngunit hindi sya nito pinansin dahil nakatuon lamang ang atensyon nito kay ven

"At ano naman kung landiin ko sya? Wala namang problema dun. He's not yours, shane. And he will never be yours, you know that."

Dahil sa sinabi ni ven ay umigting ang panga ni shane at para bang hindi makapaniwala sa narinig

"ven, stop it. Wag mo na syang patulan pa" pagsuway ni allen kay ven at hinawakan ang braso nito pero agad itong hinawi ni ven

"how dare you!"

Sasampalin na sa ni shane si ven ng bigla syang tumilapon kaya nanlaki ang mga mata ko

Ang kaninang maingay na cafeteria ay tumahimik.

Gulat akong tumingin kay kate matapos nyang sipain ng malakas si shane. Galit na galit ang mga mata nya at nakakuyom ang mga kamao nya

"don't you ever lay your fingers on her or even her hair, bitch." madiing saad ni kate habang nakatingin sa nakahandusay na si shane

Napalunok naman ako dahil may kung ano sa boses ni kate na nagpakaba sa puso ko. My heart is beating so fast and i feel like i'm stuck in my place because i can't move. Even a little.

"h-how d-dare y-you t-to h-hit me, y-you c-crazy w-woman" mahinang saad ni shane habang iniinda ang natamong sipa 

Lumapit si kate sakanya kaya agad akong na-alarma at lalapitan na sana sya pero napatigil ako dahil binalingan ako ng malamig na tingin ni kate kaya nanatili nalang ako sa pwesto ko at hindi na sinubukan pang lapitan sya dahil baka maibuntong nya sakin ang galit nya

Napasinghap ako nang pagkalapit nya sa pwesto ni shane ay bigla nya itong sinampal ng napakalakas kaya napatagilid ang ulo ni shane  

"Know who's your enemy, woman. Wag kang susugod bigla kung wala ka rin naman palang binatbat" walang kaemo-emosyong saad ni kate at agad na tumalikod at lumapit sa pwesto ni venice. Kinuha nya ang braso ng babae at mabilis na naglakad palabas ng cafeteria at sumunod naman kami sakanilang dalawa

Binalingan kong muli ng tingin si shane na ngayon ay nanginginig at parang natakot sa kanyang sinapit. Nagbitaw ako ng malalim na buntong hininga bago tumingin kay kate na hila-hila sa braso si ven

Pagkatapos ng nangyare. Ni-isa ay walang nagbalak na kalabanin o ibully si kate at ang mga kaibigan nya dahil sa takot nilang mangyari sakanila ang nangyari kay shane. Pati si shane ay hindi narin nagbalak na gumanti dahil sa takot

Nasabi ko nalang sa sarili ko na, hindi namin makakayang pigilan si kate kapag kinain na sya ng galit nya. Sya lamang ang makakapagpigil sa sarili nya. At hindi kami pwedeng humarang dahil baka samin maibuntong ang galit nya

**

(end of flashback)

At yun ang dahilan kung bakit labis ang takot ko na baka mangyare kay sapphire ang nangyare kay shane lalo na't hindi ko alam kung mapipigilan pa ba ni kate ang sarili nya pag kinain na ng galit ang buong sistema nya

At isang malamig na titig lang ang ipukol nya samin ay ito na ang senyales na hindi kami pwedeng humarang. We cannot stop her anymore.

To be continue...
____________________________________________________________________________

The Campus King's Maid || Under RevisionWhere stories live. Discover now