Chapter 5

2.3K 93 1
                                    

(Edited)

Kate's Point Of View.

Kring!! Kring!! Kring!!

Nagising ako sa ingay kaya unti-unti kong minulat ang mga mata ko pero napapikit agad ako dahil sumalubong sakin ang nakakasilaw na liwanag na galing sa araw

Bumangon na ako at pinatay ang alarm clock

"Good morning world" mahinang saad ko habang nag-iinat pa ng katawan

"iha? gising kana ba?" rinig kong saad ni manang sa labas

"opo manang" agaran ko namang sagot

"oh siya iha, bumaba ka na raw sabi ng mommy mo"

"sige ho manang, maliligo muna po ako"

Nakarinig ako ng yapak paalis na siguro ay umalis na si manang. Tiningnan ko muna yung alarm clock ko at pagkatapos ay pumunta nako sa banyo at naligo

After 8 minutes natapos nako at nagbihis na pagkatapos. Nakasuot ako ng white uniform at nakatackle ito sa black na palda ko at may pares na black na parang coat na part din ng uniform ko. Palda na above the knee pero hindi naman masyadong maiksi at katamtaman lang ito. White socks at school shoes.

Ng magsawa ako sa pagtingin sa sarili sa salamin ay kinuha ko na yung bag at bumaba na

"morning" bati ni kuya stiffen sakin pagkababa ko. Binati ko naman sya pabalik

Pumunta nako sa dining area at naabutan ko doon si alex na kumakain. Si mom na inaayos yung neck tie ni dad

Mukhang nagmamadali ata sila dad and mom. Lumapit ako sakanila at hinalikan yung pisnge nila at kumuha na ng pinggan, kutsara at tinidor at nagsandok ng kanin

"We'll go ahead. Kate, be good at school okay? Stiffen and clyde, take care of your sister. Alex, don't be a stubborn and don't cut class" saad ni dad at tumango lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko

Tuluyan na ngang umalis sila dad at mom kaya kami nalang nila kuya ang naiwan dito. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na kami kay manang at sumakay na sa sasakyan at pinaharurot ito

**

Ng makarating kami sa school ay agad na pinark ni kuya ang sasakyan. Ng makababa kami ay nakita ko si ven na nag-iintay sa may entrance at ng makita nya ako ay kumaway sya

"Kate!!" malakas na sigaw ni ven habang papalapit sa direksyon namin kaya sinamaan ko sya ng tingin

"may ikakalakas pa ba yang boses mo ven?" sarkastikong saad ko at nakita ko namang napanguso sya

Pagpasok palang namin sa entrance ay bulong-bulungan agad ang sumalubong samin at meron ding sumisigaw

"Oh my gosh!! Ang gwapo talaga ni stiffen!"

"Oo nga omggg!! Pakasalan mona ako stiffen!!

"Akin ka nalang prince allen!! I love youuu!!"

"Look girls, kasama na naman ni stiffen yung girl"

"i think she's trying to flirt with them"

"she's a flirt...and a bitch"

"sinagot-sagot nya nga si sapphire eh. She disrespect her, what a bitch"

Napairap nalang ako sa kawalan dahil sa mga sinabi nila

Binilisan ko ang paglakad ko dahil naiirita ako sa mga pinagsasabi nila. Pagkadating sa harap ng room ay naabutan namin ang mga kaklase naming may kanya-kanyang ginagawa.

"we'll gonna go, kate. Kita nalang tayo sa canteen or if maagang matatapos yung klase ko, pupunta ako dito" saad ni kuya stiffen at tumango lang ako at pumasok na sa room. Kita ko namang napalingon sila sa gawi ko pero hindi ko na ito pinansin at nagtuloy tuloy sa paglakad hanggang makapunta ako sa harap ng upuan ko at umupo na. Umupo naman si ven sa tabi ko at katabi nya si kuya allen

Saktong pag-upo ni kuya allen ay dumating si miss winson kaya umayos ako ng upo

"Good morning, class." she greeted and we greeted her back. "Good morning, miss"

Inilapag nya sa lamesa nya yung mga librong hawak nya at inayos yung salamin nya at nagsimula ng magdiscuss

**

"Class dismissed" saad ni miss winson at tsaka lumabas

Pumasok naman ang susunod naming lecturer sa history at nagdiscuss na ito. Hanggang sa magdismiss ang klase at may pumasok ulit na lecturer at nagdiscuss

Tumunog ang bell senyales na breaktime na

"okay class dismissed" saad ng lecturer namin sa Math at umalis

Saktong pag-alis nung lecturer namin ay tsaka naman pumasok si kuya stiffen at alex kasama sila ashton at ang iba pang mga officers

Kinuha ko na yung bag ko at lumapit sa gawi nila kuya. "let's go" aya ni kuya at tumango lang ako

Nauna silang maglakad at nakasunod lang ako sa likuran habang tumitingin sa paligid. Katabi ko si ven na hindi matigil sa kakadaldal habang nasa unahan naman namin yung iba
_______________

The Campus King's Maid || Under RevisionWhere stories live. Discover now