Chapter 1

8 0 0
                                    

Will gonna post chapter 2 tomorrow night! Bonne lecture! (happy reading)

Chapter 1

"Your order, miss?"

"Just coffee."

"Alright," ibinigay ko sa kanya ang bayad ko na kaagad niya namang sinuklian. "Thank you, miss. Just wait your order there."

"Okay. Thanks."

I slipped my wallet through my shoulder bag bago ako dumiretso sa may counter kung saan ko makukuha ang in-order kong kape.

It was already past two o'clock in the morning, but here I am at a fast food chain near my classmate's house, buying a cup of coffee. Mayroon namang kape sa kanila, but my classmates knew na paborito ko talaga ang kape sa fast food chain na ito.

And besides, gusto ko rin kasing makalanghap ng sariwang hangin. Halos magdamag na kasi kaming mga nakatutok sa mga laptop namin upang tapusin ang aming research sa isang major subject at sumasakit na ang ulo ko. Antok na antok na rin ako kaya naman kailangan ko na talaga ng kape.

Sumandal ako sa may pader habang hinihintay ang aking order. My eyes started to get heavy nang mapadako ang paningin ko sa may entrance nang may isang lalaki ang pumasok mula roon.

I crossed my arms over my stomach as I stared at the man. He was wearing a plain black t-shirt, a maong pants, and a blue cap on his head. Naglakad siya sa pinakamalapit na bakanteng puwesto upang umupo roon bago mabilis na yumuko sa lamesa habang hawak-hawak ang kanyang ulo.

I cocked my head. Tinitigan ko iyong lalaki at hinintay na gumalaw, pero tila yata nakatulog na siya sa kanyang puwesto.

"Miss? Miss? Ito na ang order mo."

Tila naman nagising ang diwa ko nang may kumalabit sa akin. Nakita ko ang isang babaeng staff na hawak-hawak ang kapeng hinihintay ko.

"Oh, sorry!" paumanhin ko at 'agad nang kinuha iyong kape mula sa kanya.

"No worries. Enjoy your coffee." She smiles.

Tumango ako at ngumiti rin. The hot coffee in my hands suddenly removed the coldness that I was feeling earlier. Kahit na nakasuot ako nang hoodie, ay nilalamig pa rin ako nang dahil sa air conditioner dito.

Balak ko na sanang maglakad paalis nang muling mahagip nang paningin ko ang lalaking nasa ganoon pa rin ang posisyon. He was still holding his head as he leaned over the table.

Is he drunk or what?

Bumaba ang tingin ko sa kapeng nasa kamay ko.

Napailing ako. No, Mavi. You don't know that guy. And ano ang pakialam mo kung lasing nga ang isang 'yan? You buy this coffee for yourself. Not for him.

Napairap na lang ako bago ako tuluyang naglakad para umalis. Pero hindi pa man ako nakakalapit sa may pintuan, ay huminto ako sa paglalakad. Inilapag ko sa isang bakanteng lamesa ang hawak kong kape bago ko binuksan ang aking dala na bag.

I rummaged inside my bag hanggang sa mahanap ko ang aking sticky note pad at marker.

I wrote down 'Sober up!' on the sticky note bago ko iyon idinikit sa cup ng kape.

Kagat-labi kong inilibot ang aking mga mata sa buong paligid. Kaunti lang naman ang mga nandito at halos lahat ay abala sa kanilang mga cellphone o hindi naman kaya ay laptop. Maliban na lamang talaga sa lalaking iyon na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin at hindi gumagalaw.

Napailing na lang ako bago ako tahimik na lumapit at dahan-dahang inilapag sa lamesa ang hawak kong kape. Medyo inilayo ko iyon upang hindi niya matabig kung sakali mang gumalaw siya.

You're The One For Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now